Chapter: 11

704 13 0
                                    

"Hari, gusto mo ng ka-date?" Sumulpot si Miracle sa gilid. Kararating lang galing sa Cafeteria. Wala kasi teacher, may meeting daw.

Sinara ko agad ang notebook at nag pahalumbaba sa lamesa. "Hmmm, Ewan, bakit mo natanong?" Taas kilay na tanong ko.

"Kasi ako gusto ko e'" umupo ito sa tabi ko. "Kainis talaga, hindi ako makalandi! Lagi siya nakabantay!" Iritang sambit nito.

"Bakit hindi nalang siya landiin mo?" Suggest ko. Mukhang nabadtrip ito sa sinabi ko, bigla kasi nag iba ang itsura.

"Tigilan mo nga kasasabi niyan! Umiinit ang ulo ko. Hindi ko parin mapapatawad ang ginawa niya sa mga bulaklak ko." Nakayukom na ang daliri nito. Mukhang galit pa nga.

I laughed to tease her. "Kawawa ka naman," naiiling na sabi ko.

"Kairita! Nasaan naba si Karina?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Mukhang wala pa si Karina ah, ang sabi niya mag papahangin lang kasi umiinit na ang pwet sa kakaupo.

"Baka humahanap ng boylet." I giggled.

Napanguso ito at agad niyakap ang braso ko. "She already changed, pansin mo?" Tumingin ito sa 'kin bago sumandal sa braso ko. "Nagiging independent na siya, hindi tulad dati na halos maubos ang pera sa credit card sa sobrang gastos." She added.

Nag bago ata ito simula maglayas. Ni ayaw nga tumanggap ng tulong sa amin. Masyado niya sinasarili ang problema.

"Oo parang ikaw." I chuckled.

"Wow, coming from you ah." Pabiro niya ako tinulak.

'Yun nalang kasi ang regalo ko sa sarili. Atsaka mabuting anak naman ako sa aking magulang kaya deserve ko gumastos nang marami.

"Deserve ko naman 'yon!" Sabay tulak din.

"Deserve ko rin naman 'yon!" Nakanguso saad nito.

"Anong deserve?! Lagi mo nga pinapasakit ang ulo ng magulang mo maski si Lander mukhang nag-aagaw buhay na." I joked.

She held her chest "Grabe ha! Hindi naman, mga slight lang." She awkwardly smiled.

I just rolled my eyes at hindi nalang nagsalita.

*****

"Ayan na po, sir!" Pababog ko nilapag sa lamesa niya ang mga inutos nito. Kakasakay ko palang kasi sa sasakyan niya, inutusan agad ako bumili ng mga stock sa condo nito.

Saglit niya tinignan ang pinamili bago ulit sumandal sa upuan. "Good." Napairap nalang ako sa sinabi nito.

"May gusto kapaba i-utos?" Labas sa ilong na tanong ko.

Umangat ang tingin niya sa 'kin at agad tinapik ang binti nito. Medyo naguguluhan pa ako sa kinikilos niya. "Ano na naman?" Suplada na tanong ko.

"Sit here." Tukoy nito sa kan'yang kandungan.

Nanlaki ang mata ko. "Hoy, wag ka nga malandi!"

"Harianna.." Ayan na naman siya sa malamig at nakakatakot na pag tawag.

"Bahala ka." Umupo ako sa sofa at nag phone nalang.

"Don't test my patience, Harianna.." I looked at him again.

"What the?! Can you just cook for our dinner? Hindi 'yong nilalandi mo na naman ako." Umirap ako. "Atsaka, iniwan mo ako kanina." I laughed sarcastically.

Naiinis parin ako sakan'ya, iniwan niya lang ako sa grocery. Hindi ko alam kung ano ginawa niya, ba't kailangan ako iwan. Tapos dito na naman niya ako pinapatulog. Nag mumukha kami mag-asawa kulang nalang anak.

A Love Full Of Deceptions (Not An Angel Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon