CHAPTER 46

23 5 0
                                        

CONFRONTATION WITH MELISSA

"What?" she irritatedly asks as soon as we both entered an empty room. Napapantastikuhan ako sa ikinikilos niya.

"What is this fuss all about Melissa?" Napa kunot ang noo niya sa tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay.

"What do you mean? Are you hurt by what I have said?" she scoffed. "I'm sorry if I offended you but I was just telling the truth." Napa buntong hininga ako dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang pag uusap namin.

"Don't be so dramatic over it Aurora," she said.

"Melissa ano ba! You know that mom and dad just passed away and you will comment insensitive remarks out there?" I half-shouted. She rolled her eyes.

"Oh common Aurora," she said. Nainis na talaga ako sa mga emosyon na pinapakita niya.

"One more thing it's not just about what you've said a while ago. Why do you keep on sending hateful messages to Joaquin about me?" She was caught off guard for a second. She managed to compose herself and she looked at me as her eyebrows furrowed.

"What letters are you talking about? Huwag mo nga akong pagbintangan," madiin niyang sinabi sa akin. Ako naman ngayon ang napataas ang kilay.

"Pwede ba Melissa 'wag ka nang mag maang maangan."

"Oh please Aurora, get a grip of yourself. I don't have any idea what you're talking about," she said and she turned her back on me. She was about to go out but I grabbed her arms.

"Ano ba Aurora," naiinis niyang sinabi pero pinilit ko siyang iharap sa akin kahit nagmamatigas pa siya.

"Hindi pa tayo tapos," madiin kong pagkakasabi sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi tignan ako.

"Kung pagbibintangan mo lang din naman ako, mabuti pang huwag nalang tayong mag usap." Humalukipkip siya at tiningnan ako mata sa mata.

"Hindi kita pinagbibintangan Melissa. I know that you did those. I heard you and Joaquin talking about it. You didn't even deny it, diba?" Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi ko kaya inalis niya sa pagkakahalukipkip ang kanyang mga braso.

"Fine, I did it. Ano naman ang gagawin mo?" Napanganga ako sa sinabi niya. I was expecting her to say sorry. What's happening to her? Hindi naman ganito ang Melissa na nakilala ko.

"Ano ba ang problema mo sa akin Melissa?" Parang hindi naman siya makapaniwala sa tanong ko.

"Ano ang problema ko sayo?" Pag-uulit niya sa aking tanong. Lumapit siya sa akin at dinuro ako.

"Ikaw, 'yang buong pagkatao mo ang problema ko dahil lahat nalang inaagaw mo sa akin." Nainis na ako ng tuluyan sa kanya dahil sa sinabi niya kaya tinabig ko ang kamay niyang nakaduro sa akin.

"Wala akong ina-agaw sayo."

"Really?"

"Oo Melissa, wala. Si Joaquin ba? Siya ba ang dahilan kaya ka nagkaka ganito?" Tumawa ako ng pagak. "Hindi ko siya inagaw sayo Melissa. Kahit kailan wala akong inagaw mula sayo."

"At akala ko ba maayos na tayo patungkol kay Joaquin? Bakit ka nagkaka ganito ngayon?" May panunuya kong sinabi sa kanya. I couldn't just stand her. Iniintindi ko siya pero sumosobra naman na siya.

"Alam mo mapapalampas ko pa yung mga hirit mo eh. Pero yung ginawa mo at yung sinabi mo kanina ibang usapan na yun Melissa. Iniintindi kita kasi baka nasasaktan ka. Iniintindi kita kasi kaibigan kita at iba ang pagka kakilala ko sayo, hindi ka ganito. You betrayed me. Para mo naring itinapon ang pagkakaibigan natin." Napabuntong hininga siya at umiling.

Unforgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon