FIGHT
Papasok na sana kami ni Joaquin sa loob ngunit agad kaming hinarang ng mga nagbabantay.
"Saan kayo pupunta?" tanong ng isa sa kanila.
"May ipinag uutos si Miss Laura," sagot ni Joaquin.
"Ngunit mahigpit na ipinagbilin sa amin na wala nang papasok," maotoridad nitong sinabi.
"Bumalik na kayo sa inyong pwesto. Malapit nang magsimula ang pag aalay."
Nag isip ako ng dahilan upang papasukin kami sa loob. "Ngunit mayroon siyang ipinakuha sa amin kaya kailangan namin itong maibigay sa kanya, para ito sa pag aalay," sabi ko sa pinatigas na boses.
"Ano iyon?" tanong niya. Kinabahan ako dahil wala akong maipakita. Isip Aurora.
"Ito," sabi ni Joaquin. Tiningnan ko siya at mayroon siyang hawak na maliit na pulang lalagyan na gawa sa tela. Saan niya nakuha iyon?
Akmang bubuksan ito ng tagapagbantay ngunit mabilis na inilayo ito ni Joaquin. Agad naghanda ang mga tagapagbantay upang salakayin kami dahil sa ginawa niya.
"Bawal itong buksan at tanging si Miss Laura lamang ang maaaring makakita ng laman nito," matigas na sinabi ni Joaquin.
Kumalma ang mga tagapagbantay ngunit halatang hindi parin sila naniniwala sa amin kaya nagsalita ulit ako.
"Papapasukin nyo ba kami o sabay-sabay tayong malilintikan kay Miss Laura," sabi ko. Naalala ko kasi ang ginawa kanina ni Aling Irma. Kailangan silang takutin upang mapasunod sila.
"Sige papasukin nyo 'yan," sabi ng isang tagapagbantay ng walang pag aalinlangan. Nakahinga ako ng maluwag dahil dito.
"They're scared of her," Joaquin said.
Nang makapasok kami akala ko ay makikita na namin agad sila Miss Laura ngunit nagkamali ako.
Nasa unang palapag kami at limang palapag yata ito. Hindi katulad sa labas ay kakaunti lamang ang nagbabantay rito. Mabibilang mo lamang sila.
Pumunta kami sa isang gilid at inalis ang kasuotan ng mga tagapagbantay na aming isinuot kanina.
Paglabas namin sa pasilyo sa kung saan namin inalis ang mga kasuotan ay biglang may tagapagbantay na nakakita sa amin.
"Sino kayo at anong ginagawa niyo rito?" tanong nito. Inilabas niya ang kanyang wand at itinutok ito sa amin.
Mabilis namang nahuli ni Joaquin ang kamay ng tagapagbantay at pinilipit niya ito dahilan upang mabitawan ng tagapagbantay ang wand.
Pinukpok niya sa ulo ang tagapagbantay na dahilan upang mawalan ito ng malay. Hinila ito ni Joaquin sa gilid upang walang makakita ngunit bago pa man niya maitago ang katawan ay mayroon na namang isang tagapagbantay na dumating at nakita ang aming ginagawa.
"You finish what you are doing and I'll take care of him," I told Joaquin, to which he nodded.
The guard used his wand and chanted a spell and struck it on me so I immediately duck. Luckily I was able to duck it.
I saw him run so I followed him. As I was supposed to strike magic I saw him bumped into two more guards that made me stopped from my track.
Sht! I need to think of something immediately.
Nagtago ako sa likod ng haligi. "Sige, hanapin nyo at sasabihan ko ang iba," narinig kong sinabi ng isa sa kanila.
Hindi ito maaari. Sumilip ako sa kanilang tatlo at mabilis akong gumamit ng mahika para sa lalaking tumatakbo paalis upang magsumbong. Tumilapon ito sa palayo at tiyak kong patay na siya kaya ang dalawa namang natira ang hinarap ko.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Tale
FantasyCheska Aurora Lim is a book lover. She explore different genre of stories. A typical teenage book lover. But, what if because of her obsession she'll land inside of a book. Not just an ordinary book, but lies a story of not so ordinary people. Where...