CHAPTER 48

35 4 0
                                        

ENTERING TAHARA

Nakarating kami kaagad sa aming palasyo. Nagkalat ang mga tauhan sa paligid. Napakaraming tao at mukhang naghahanda sila. Marahil ay hinahanap nila ako at nasabi na ni Archer sa kanila ang lahat.

Ibinaba ko na ang aming sinasakyan at naramdaman kong nanigas si Tita Josefina sa kanyang kinatatayuan pagkalapag ko ng bilog.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong ko sa kanya.

"Natatakot lang ako," hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay.

"Huwag po kayong matakot," pagpapagaan ko sa kanyang kalooban.

"Napaka bait mo, kahit na ginawan ka na namin ng masama ay hindi ka nagtanim ng galit kaya tama lamang na tinulungan ka namin." Nginitian ko siya.

"Aurora?" tawag sa akin ni mama. Nilingon ko siya at agad akong tumakbo palapit sa kanila pero hinila siya ni Archer palayo at pinalibutan kami kaagad ng mga tauhan.

Lumapit naman sa kinaroroonan namin sila papa. Kasama niya ang mga Dalton, Milan at Farma.

"Mom, she's not Aurora," Archer said and his gaze went to Tita Josefina.

"Archer it's me, I said, and after I both look at my parents.

"Mama, Papa," I called them. Hindi ako makalapit dahil nakatutok ang mga wand ng tauhan sa amin.

Dahan dahang lumapit sa akin si papa. Akala ko ay yayakapin niya ako ngunit hinawakan niya ng mahigpit sa aking mga braso.

"Papa, nasasaktan po ako," sabi ko.

"Nasaan ang anak ko?" malakas niyang sigaw sa aking mukha.

"Huwag mo siyang sasaktan, siya ang anak niyo."

"Sinungaling," sigaw niya ulit. "Saan nyo dinala si Celestine?"

"Dad it's me, believe me," I pleaded. Pinakatitigan niya ako sa mga mata at pagkatapos nito ay lumambot ang kanyang ekspresyon.

"Celestine?" he asked and I nodded. After he confirmed it he hugged me tightly. Lumapit din sa amin si mama at si Archer at nakisali sa yakapan.

"I-I though we lost you," mom said later on.

Sumunod naman si Archer na niyakap ako. "I'm sorry, I'm so sorry," paghingi niya ng tawad na ikina iling ko.

"Wala kang kasalanan," sabi ko pero umiling pa rin siya.

"Archer, hindi naman natin ito ginusto. Hindi naman natin inaasahan," I assured him.

Hinarap ko naman ang aking mga magulang na bakas ang kaginhawaan sa kanilang mga mukha. "Mom, dad listen, we don't have time."

"Hulihin nyo siya," sabi ni papa sa mga tauhan at itinuro si tita Josefina na para bang hindi niya ako narinig.

"Papa, hindi mo pwedeng gawin 'yan. Siya po ang tumulong sa akin para makatakas, sila ng anak niya. Pakinggan nyo kami paki usap," sabi ko at salamat dahil nakinig sila.

Nagdadalawang isip man ay iginiya niya kami upang pumasok sa loob ng palasyo.

May mga tauhan parin na nakabantay kay tita Josefina. Noong tinignan ko siya ay sinenyasan niya akong ayos lang siya.

Dumako ang aking tingin kila Anton at Harriet at pareho silang lumapit upang yakapin ako.

"I'm glad you're safe," Harriet said. I smiled at her. Yumakap din sa akin si Anton. Pagkatapos nito ay hinanap naman ng mga mata ko si Joaquin.

Nakita ko siyang matiim na naka tingin sa akin kaya agad ko siyang nilapitan.

Hindi pa man ako gaanong nalalapit ay hinila na niya ako at iginupo sa isang mahigpit na yakap.

Unforgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon