MUD
Melissa didn't go home yesterday. I'm so worried about her. I don't know where she is. I don't even have any means to contact her. I also didn't have enough sleep, kaka isip ko kung nasaan ba siya. Basta ang paalam niya lang naman sa akin ay may pupuntahan siya. I didn't bother to ask where.
I'm on my way to my next class. If she will not attend our classes for today I will report that she's missing. Naglalakad na ako sa may hallway papunta sa klase ko ng may umakbay sa akin.
"Ang aga naman natin." Ang aga-aga mambu-bwisit na naman 'to. Pinabayaan ko nalang siya sa pag akbay niya.
"Hindi ka ba natulog? Ang laki ng eyebags mo. Ang sabi ko naman kasi sayo 'wag mo ako masyadong isipin." Siniko ko naman siya sa tagiliran. Tumigil ako sa paglalakad at ganun din siya.
"Hambog." I said and leave him. Humabol naman siya at inakbayan ulit ako.
"Hindi ka naman mabiro. At nakakasakit ka na ha." Medyo na konsensya naman ako sa ginawa ko. Ang kulit niya naman kasi eh. Namomroblema na nga ako kay Melissa mangaasar pa siya.
"Sorry, I am just frustrated. Nakaka inis ka naman kasi. Pwede ba Archer kahit ngayong araw lang umayos ka." He raised his two hands like he's accepting defeat. Inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sa akin.
Pinagtitinginan na kasi kami ng iba. Baka mamaya may babae na naman na magpakita at baka mas malala pa ang gawin sa akin. I was just thankful that-that girl, whoever she is didn't do something stupid.
"Ano ba kasing iniisip mo? Tungkol na naman ba 'to sa tatlong pamilya? Tungkol sa mga magulang mo at kung paano ka makababalik sa mundo niyo? Ang sabi ko naman sayo 'wag mo na masyadong isip-" Tinakpan ko na ang bibig niya. Ang daldal niya talaga.
"Hindi umuwi si Melissa, okay?" He just shrugged his shoulders like it's nothing. I didn't expect that reaction.
"Oh, okay. Is that it? Hindi lang naman pala umuwi si Melissa." Nagsimula na siyang maglakad at iniwan ako.
Seriously? Hindi pa naman kami gaanong magkakakilala pero hindi ko lubos maisip na parang wala lang sa kanya. Susunod na sana ako ng bigla siyang tumigil at nanlalaki ang mga matang lumingon sa akin. Dali-dali siyang lumapit.
"Hindi umuwi si Melissa?!" He asked half-shouted. May mga ibang estudyante na napapatingin sa amin. Napakamot nalang ako sa ulo ko. I hope Archer is mentally stable.
"May boyfriend ba si Melissa? Baka doon siya natulog? But girls are not allowed at the boys' dorm. Or maybe she meets with someone and then something bad happens-"
Binatukan ko na nga siya. I don't normally hit people but they are making me do it. Sila ni Juaquin. Tinignan ko siya ng seryoso.
"Ang OA, Archer." Para pa siyang nag iisip ng malalim pero iniwan ko na siya. Nakasunod lang siya sa akin.
He's mumbling things I can't understand and I didn't bother to ask. Since Melissa is not around Archer sits beside me.
"Should we report it?" He asked me. I'm thinking about that. I'm having second thoughts though.
"What if she'll get punish because of it?" Hindi kasi pwedeng matulog sa labas ng school pag school days. We are only allowed to sleep outside if it's a weekend.
Hindi ko nga lang alam kung paano nagagawa ni Juaquin na pumuslit at hindi matulog sa dorm.
And what if she really has a boyfriend and she slept in the boy's dorm? Mas mapapahamak siya. Umiling ako, nahahawa na yata ako sa katabi ko.
"If she will not attend our classes for today I'll report her." That's like the best decision. I just pray that nothing bad happened or will happen to her. Tumango naman si Archer. I kept looking at the door, waiting for Melissa and of course Juaquin.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Tale
FantasyCheska Aurora Lim is a book lover. She explore different genre of stories. A typical teenage book lover. But, what if because of her obsession she'll land inside of a book. Not just an ordinary book, but lies a story of not so ordinary people. Where...
