CHAPTER 47

19 5 0
                                        

TRAPPED

Napatayo ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan at agad kong tiningnan kung sino ito. It was Tita Josefina.

"Tita ano po ang nangyayari? Why are you doing this?" Umiwas siya ng tingin sa akin ngunit mababakasan ng pagkakasala ang kanyang mga mata. Hindi niya ako matingnan ng diretso.

"Pasensya ka na Aurora," pag hingi niya ng paumanhin. "Hin-hindi ko ito ginusto, napag utusan lang ako." Napanganga ako dahil sa kanyang sinabi. Namuno ang galit sa aking kalooban.

"Sino ang may gawa nito?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot.

"Kumain ka muna," sinabi niya at pagkatapos nito ay pumasok si Cheska na may dalang tray ng pagkain. Kagaya ni Tita Josefina ay hindi niya rin ako matingnan ng diretso.

"Pati ba naman ikaw Cheska? Sa tingin mo ba matutuwa sila mommy at daddy dito sa ginawa mo? Paano niyo itong nagawa? Pinagkatiwalaan ko po kayo. Kapatid po kayo ni daddy." Pinanghihinaan ng loob kong sinabi pero hindi sila nakasagot. Gusto ko silang saktan.

"Pasensya na," maikli lang niyang sagot pero hindi pasensya ang kailangan ko. Kailangan kong makalabas dito.

"Nasaan ako? Nasaan si Archer?" tanong ko, at sana sagutin na nila ako ngayon.

Lumunok siya bago niya ako sinagot. "W-wala siya dito. Hindi namin siya kinuha dahil ikaw lang naman ang kailangan namin," sagot niya.

Nakaramdam ako ng kaginhawaan na wala dito ang kapatid ko.

"Nasaan ako?" tanong ko ulit.

"Dinala ka namin dito sa Tahara," sabi niya na nagpaguho sa aking mundo. Paano ako makakalabas nito? Sigurado akong mahihirapan ako, lalo pa't hindi ko alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito.

"Kumain ka na," malumanay niyang sinabi pero hindi ko siya pinansin. Iniwan nalang nila ulit ako.

Bigla kong naisip ang aking wand, agad ko itong hinanap sa damit ko pero hindi ko ito mahanap. Siguradong nasa kanila ito, kailangan ko itong mabawi.

Makaraan ng hindi ko na mabilang na oras ay narinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan. Sa pag aakalang si Tita Josefina ito ay hindi ko siya tinignan.

"How are you Aurora? Oh I should call you celestine right?" tanong nito na nakakuha ng atensyon ko. It's not Tita Josefina, it's Miss Laura!

Tinignan ko siya ng masama. "Ikaw?" tanong ko.

"Why are you so surprise hija? Are you expecting someone else?" Hindi ako nakapagsalita.

"Ikaw naman kasi, ang tagal mong lumapit sa akin. Na inip na ako kaya ipinadukot nalang kita." Napanganga ako sa sinabi niya at hindi ako makagalaw. The chills that I always feel whenever she's around me came back.

"Bakit mo ito ginagawa? Ano ang kailangan mo sa akin?" matapang kong tanong.

"Hmmm, should I tell you?" mapanuya niyang tanong na nagpa inis sa akin.

"Dahil hindi ka na rin naman makaka labas pa rito, sige sasabihin ko sayo. Simple lang, kailangan kita para mabuksan ang portal sa mundo ng mga tao." tumatawa niyang turan.

"Nababaliw ka na. At paanong ako ang kailangan mo? Hindi ba't si Aurora dapat iyon? Hindi ako isang Ferlim," sagot ko sa kanya.

Tumawa ulit siya at sinabing, "too bad, she died a long time ago."

Naguluhan ako dahil dito. "Ah, ang totoong Aurora at si Josefina ay matagal nang patay. 'Yung dalawang 'yun ay hindi totoong Ferlim. I just use potions on them so that they will look like Josefina and you." A potion? I didn't know there's a potion like that.

Unforgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon