CHAPTER 43

31 5 0
                                        

DEAD

"Arthur and Emeline are dead."

Para akong nabibingi at paulit-ulit ko parin itong naririnig. I wish that it's just some kind of a joke but no, it's not. It's real and I feel like my world is collapsing. I'm not ready for this, I didn't expect this.

Hindi ako makahinga at naninikip ang aking dibdib. Nag-uunahan na namang namalisbis ang aking mga luha.

Napanaginipan ko pa lamang si mommy kagabi. Pagkatapos ngayon ay ito ang bumungad sa akin.

Dadalawin ko dapat sila upang kumustahin at makipag kwentuhan gaya ng dati. Hindi upang ayusin ang kanilang libing.

Nasasaktan ako at hindi alam ang gagawin.Parang pinipiga ang aking puso. Bumabalik sa aking balintataw ang aming masasayang ala-ala.

"Sigurado ka bang sasama ka anak?" Tanong ng aking ama. Tinanguan ko lamang siya.

I insisted on coming with them even if they don't want me to. They said that the palace is a mess. I want to see it myself.

Alam kong mas lalo akong masasaktan kapag nakita ko ang kalagayan ng palasyo at ng mga tao. Ngunit nais kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari at kung paano silang nilusob.

Ang sabi ni papa ay nilusob raw sila kagabi at marami ang namatay pero hindi ako naniniwala. Paanong nangyari ito kung marami ang mga tagapagbantay na nagkalat sa paligid?

Hindi sila basta-bastang makalulusot, hindi basta-bastang malu lusutan ang mga tagapagbantay. Nanirahan ako rito kaya alam ko kung gaano kahigpit ang kanilang pagbabantay lalo na kapag gabi.

Malulusutan mo lamang sila kung kabisado mo ang palasyo. Kung alam mo ang oras ng palitan ng mga gwardya. Kaya nakapagtataka.

Marami pa akong katanungan sa kung paano itong nangyari pero iwinaksi ko ito sa aking isipan. Hindi ito ang tamang panahon para isipin ito.

"We're here," Papa informed me. I was thinking too much that I didn't even notice we arrived already. I immediately get down in the carriage and run my way to the palace's entrance.

As I entered I saw two corpses covered in white blankets. I already knew it's my parents. Hindi magawa ng paa ko na gumalaw at lapitan sila. Para akong nabato balani.

The palace is also in chaos, blood is splattered everywhere. There are broken windows and figurines on the floor.

Wala nang mga bangkay sa paligid pero ang mga sandata at iilang mga wand ay nagkalat parin sa sahig.

Namuo ang galit sa aking kalooban. Titiyakin kong magbabayad ang sino mang gumawa nito.

Kinalma ko ang aking sarili dahil nanginginig ako sa galit.

Huminga ako ng malalim at sa wakas ay nahanap ko na rin ang aking lakas upang lapitan ang aking mga magulang.

Unti unti akong lumapit at ibinaba ko ang tela na tumatakip sa kanilang mukha. Tumambad sa akin ang kanilang katawan na wala nang buhay.

Wala akong maramdaman kundi galit, galit sa gumawa nito sa kanila. Lumuhod ako at niyakap ang kanilang bangkay.

"M-mom, dad, were not o-okay yet. Why did you l-leave me? Wake up please." Nahihirapang pag kausap ko sa kanila, may bikig sa aking lalamunan dala ng pagpipigil ko sa aking pag iyak.

"I was supposed to visit you today and I'm expecting a good exchange of conversation, not a conversation where I'm the only one who's talking.

You, y-you've told me that we're forever a mother and daughter but how can we do that now when you left me?" Hindi ko na napigilang humagulhol. Niyakap ko na rin ang bangkay nila ng mas mahigpit.

Unforgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon