CHAPTER 15

120 14 1
                                        

TRUST

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Let's just stop this Irene. Wala na tayong magagawa." Napatingin naman ang matandang babae sa kanyang asawa. Nababakasan ng galit ang mga mata.

"Are you out of your mind Arthur? Anak natin ang pinag uusapan dito." Napahilamos naman ng mukha ang matandang lalake.

"If we need to do it then we will, for our daughter." Pagpapatuloy pa ng matandang babae. Tila naman nag iisip ng mabuti ang matandang lalake.

"Paano kung mas lalo lang siyang mapahamak sa gagawin natin? Paano...Paano kung..." Hinawakan naman ng matandang babae ang magkabilang balikat ng kanyang asawa. Kahit ayaw nito sa ideyang iyon ay wala na silang magagawa. The chance is fifty-fifty, they need to take a risk.

"For Aurora." The old woman said. Assuring his husband.

"Even before you're the strongest between the two of us." Hindi mapigilang bigkasin ng matandang lalake.

AURORA'S POINT OF VIEW

It's been a week since our date "kuno" with Juaquin, and since that day I haven't seen him. Hindi ko alam kung nasaan siya. How would I know?

"Ang lalim naman ng iniisip natin." Napa buntong hininga ako. Isang linggo na rin akong kinukulit ng Archer na 'to. 'Pag 'di ko rin talaga mapigilan ang sarili ko baka makutusan ko rin siya.

"Ano na naman?" Pagtatanong ko sa kanya. Tumabi naman siya agad ng upo sa akin. Nasa may pavilion ng school kasi ako walang mga estudyante kaya narito ako upang makapag isip.

"Masyado ka kasing seryoso." Napa irap naman ako sa sinabi niya.

"Eh ikaw masyado ka namang makulit." Natawa naman siya sa sinabi ko. Nahawa na rin ako sa pagtawa niya. Ang oa niya naman kasi.

"Alam mo kumain na lang tayo. Nagugutom na ako eh." Isa rin 'yan, lagi siyang nagugutom at ako lagi ang sinasama niya para kumain. Hindi na ako nagtataka na nagkasundo agad sila ni Melissa.

"Lagi ka naman yatang gutom. Pareho kayo ni Melissa." Tumataba na nga yata ako dahil sa dalawang 'to.

"Speaking of Melissa. Where is she? Hindi mo yata siya kasama ngayon." Hindi ko rin alam kung nasaan ang babaeng 'yun. Basta nagpaalam siya kanina na may pupuntahan siya, hindi naman niya sinabi kung saan. She's been like that this whole week.

"I don't know. Busy lang siguro siya." Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya. Tahimik lang kami ng bigla siyang may tinanong.

'What's your full name?" Ano na naman 'to? Bigla bigla siyang nagtatanong ng buong pangalan.

"Why did you ask?" Balik na tanong ko. Sumimangot naman siya.

"Wala ka talagang sinasagot sa mga tanong ko." Sagot niya na tila ba nagtatampo. Parang bata. After awhile I decided to answer his question.

"Chase. Chase Aurora Lim." Nilingon ko siya at nakita kong naka ngiti siya.

"Lim?" He asked. He seems like he's thinking deeply.

Hinampas ko naman siya sa balikat. Nginitian niya lang ulit ako. Lagi siyang nakangiti. Ang gaan niya lang tingnan, parang wala siyang dinadalang problema. Hindi katulad ni Juaquin, laging seryoso na para bang pasan niya ang buong mundo.

"How about you?" I asked him. I'm also curious.

"Is this getting to know each other?" Hinampas ko na naman siya ulit. Hinawakan niya naman ang hinampas ko. Napalakas yata.

Unforgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon