Simula
Kasabay ng pagbagsak ng mga tuhod ni Kairus sa sahig ay ang sunod-sunod na pagragasa ng mga luha nito. Hindi na nito ininda ang paligid at ang mga tao. Hindi na nito ininda ang bulto-bultong dugo na mula rin sa naglalakihan nitong sugat sa katawan.
Sa tabi niya, naroon si Eilythia. Katulad nito ay hindi na rin mahabol ng babae ang hininga. Napakabilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis ay halos hiindi nila paniwalaan.
Naroon halos lahat ng kabigan, naroon lahat ng gustong dumamay pero hindi na nila kailanman mararamdaman ang pagkagaan ng loob.
Sa dinami-dami nilang naroon sa malapad na pasilyo ng ospital, si Sierra ang naunang lumapit kay Eilythia at yumakap. Basang-basa rin ang pisngi nito ng mga luha at hindi rin halos mahabol ang hininga.
Kung panaginip man ang lahat ng ito, talaga ipapanalangin na nila ang gumising. Kani-kanino na sila nanalangin pero talagang totoo ang lahat. Totoong pagkatapos ng gabing ito ay hindi na nila alam kung paano pa magsisimulang ulit.
Sa paglipas ng mga taon, patuloy lang silang nadaragdagan. Mas lalong lumaki ang pamilya nila lalong-lalo na dahil sa mga kaibigan. Napakarami ng mga ito. . . marami silang katulong at kasama, pero naging huli na ang lahat. Hindi na sila kumpletong nagbalik, hindi na kumpleto sa mga susunod na araw sa buhay.
“Elle, tayo ka na r’yan. . . pupuntahan pa natin si Aleeyah. Inaantay na tayo ng batang iyon,” mahina at maingat na sabi ni Sierra.
Madali iyon sabihin pero alam ng babaeng hindi na noon pa muling mapapagaan ang loob ng kaibigan.
Of course, Eilythia knows better. Alam niya ang lahat ng nangyayari, ang hindi niya lang magawa ay ang tanggapin ang lahat. Mayamaya pa, hinarap siya ni Eilythia, mugtong-mugto na ang mga mata at hindi na halos makilala ang mukha nito sa sobrang putla. “Pupuntahan ko si Aleeyah.”
Dali-daling tumayo si Eilythia, agad din naman itong iginiya ni Sierra at Ashley patayo pero pinalis niya lang ang mga iyon. Gusto niyang kayanin, malagpasan ang lahat. Gusto nitong hilingin na sana bumilis ang oras at makalimutan nito ang lahat pero hindi. . . hinding-hindi nito makakalimutan ang anak.
Hinding-hindi nito makakalimutan ang mga daing nito, mga palahaw at iyak habang takot na takot at hinahanap siya.
Hindi niya ito nagawang protektahan.
Hindi niya lubusang maisip na habang mainam siyang nagtatrabaho ay tahip-tahip na sakit ang nararamdaman ng bunso nitong anak.
Ilang segundo lang matapos ang pagtayo ay agad na naman siyang bumagsak sa sahig. Sa pagkakataong iyon ay dali-dali siyang pinuntahan ng asawang si Kairus, pilit na hinahagkan pero mas lumakas lang ang paghikbi ng babae roon. “’Wag kang lalapit sa’kin. . .” paulit-ulit nitong gagad.
Pagkatapos ng pitong taong masayang pagsasama, kahit kalian, hindi nito naisip na aabot ang pamilya sa ganito. . . lahat ay dahil sa isang rason—ang kompanya.
Marahil tapos na ang masayang parte ng mga buhay nila, tapos na ang mga tawanan at kulitan. Sa isang iglap ay parang bumulusok ang pinakamamahal na pamilya ni Eilythia sa isang napakatarik na bangin at hinding-hindi na sila muling makakaalis pa.
For the past seven years, Kairus Hernandez and the H&H Hotel became the most trusted and biggest hotel in the world. Mas lalong umusbong ang kasikatan nito sa lahat nang si Kairus na ang tumayo bilang CEO. Bilyon-bilyon ang pumapasok sa bawat araw ng hotel and Kairus been so good at this job. Kaya lang, ang kasikatan na iyon ay may kapantay na inggit at galit mula sa mga competitors nito.
Eilythia Hernandez became the most precious woman in the Philippines. Hindi dahil sa napakayamang asawa nito kundi dahil kilala siya bilang matulungin sa tao. Sa pamamahala niya napunta ang H&H Foundation at sa pitong taong iyon ay milyon-milyong tao na rin ang natulungan nila.
Hindi maitatanggi ang pagiging busy ng mag-asawa sa kani-kanilang mga ginagawa pero ni minsan ay hindi nagkulang ang ibinibigay nitong oras sa mga anak. The seven-year-old Aleeyah will always be their angel. Patagal nang patagal ay mas kumukulit ito, malayong-malayo kay Eilyjah na dalawang taon at kalahati ang tanda sakanya.
Pero ang pitong taong iyon ay naglaho na lang ng basta-basta. . .
“Aleeyah! Anak ko!” Iyon na ata ang naging pinakamalaks na hagulgol ni Eilythia sa buong buhay niya nang makita ang walang buhay na anak sa morgue ng ospital. Pilit niya itong ginagalaw-galaw, niyayakap, umaasang magigising itong muli at ngingitian ang mga taong nasa paligid niya.
Akala niya, pagkatapos ng masasakit na napagdaanan sa nakaraan ay matitigil na ang lahat. Akala niya, pagkatapos mawala ang anak sa sinapupunan at ang ama ay titigilan na siya ng Panginoon. Inisip niyang tapos na at talagang pagkakataon niya naman para sumaya. . . pero hindi.
“Anak, nandito na si Mommy. . . gigising ka na kasi nandito na ako,” tuloy-tuloy lang sa pagluhang sabi nito.
Hindi roon mapakali ang kaibigang si Sierra. Masakit ang puso nito dahil sa pagkamatay ng batang napakalapit sa puso nya pero hindi nito mapigilang mas isipin si Eilythia. Kahit siya ay nagtataka, normal pa ba ang hindi matapos-tapos na pagsubok? Normal pa ba ang lahat ng sakit na ipinararanas sa kaibigan niya?
Alam nito kung gaano kalakas ang kabigan, alam niyang hindi ito iyong tipo ng babaeng na basta-bastang susuko na lang pero hindi ba parang sumusobra na rin ang lahat? Hindi ba talaga pwedeng tigilan na ang babae at maghanap na lang muna ng iba?
Sa pitong taong iyon, nakita niya kung paano naging masaya ang kaibigan. Ilang beses na rin niyang ipinanalanging sana hindi na iyon matigil pero bigo pa rin siya. At the end of the day, luluha atmasasaktan pa rin si Eilythia. Life has been so unfair with her.
“Eilyhia. . .” Dahan-dahan, muling nilapitan ni Kairus ang asawa. Higit pa sa nararamdaman ng mga kaibigang naroon, gusto niyang yakapin ang babae. Gusto niya itong patahanin at aluin hanggang sa matigil ito sa pag-iyak. Ang totoo, labis niyang ikinahihiya ang sarili. Siya ang dapat sisihin sa lahat ng ito.
Kung hindi lang siya nagpumilit. . . kung hindi lang siya nagpumilit na isama ang mga anak noong araw na iyon ay siguradong hinding-hindi mapapahamak ang mga ito. Kung nag-isip lang siya nang mabuti, kung hindi siya naging pabayang ama—napakarami itong pagsisisi pero ang katotohanang hindi na noon mababalik pang muli ang anak. Their Aleeyah. . . iyong batang nagawang mahalin ng lahat.
Ayaw niyang pumikit. Iniisip niyang baka kapag nagawa niya iyon ay tuluyan na nitong makalimutan ang babaeng anak.
Eilyjah was also confined. Ilang araw na rin ay hindi pa rin ito nagkakamalay na labis niya ring pinag-aalala. Hindi na niya kakayanin. . . mahirap nang tanggaping mawalan ng isang anak kaya ikakamatay niya na panigurado kung magiging dalawa pa ang bilang noon.
Mahigpit niyang niyakap si Eilythia, pagkatapos ay makahulugang tiningnan si Sierra. Gusto nitong makapag-usap silang dalawa ng asawa. Ilang araw na silang naririto sa ospital pero ni minsan ay hindi niya man lang ito nagawang kausapin. Ni hindi man lang siya nagawang balingan ng babae.
“Labas na muna tayo, iwan na muna natin ang mag-asawa.”
Laking pasasalamat ni Kairus nang makuha iyon ni Sierra, sandaling nginitian niya ito bago marahas na sumigaw ang babaeng yakap niya. “Hindi, walang aalis sainyo.”
Tumindi ang nagpapang-abot na mga tibok ng puso ni Kairus. Ngayon na lang ulit. . . ngayon na lang ulit, pagkatapos ng ilang taon, niya nakitang nagkaganito ang babae.
“Pero, Elle. . . pwede ba kitang makausap?” pagtatanong pa ng lalaki. Namataan nito ang nag-aalalang tingin ni Andrei pero binalewala niya iyon at pekeng ngumiti. Ngayon, talagang unti-onti nang pumapasok sa isipan niya ang lahat.
Wala na ang pamilyang pinakaiingatan niya ng ilang taon.
“Ano pa bang pag-uusapan natin? Ano pa ba sa tingin mo ang pag-uusapan natin? Nakikita mo ba ang kapabayaang ginawa mo? Nakikita mo ang batang nasa harapan mo?” Ramdam niya ang hirap sa bawat pagsasalita ng asawa. “Aleeyah. . . Aleeyah. . .”
“Elle, I’m sorry–”
“Anong magagawa ng sorry mo? Will she wake up? Kung oo, ‘wag kang titigil kakahingi ng tawad! If–“ Mabubuwal sa pagkakatayo si Eilythia kaya natigil ito sa pagsasalita. Akmang hahawakan siyang muli ni Kiarus nang malakas niya iyong itinulak. “Maghiwalay na tayo. . .”
Sabay-sabay na napasinghap ang mga naroon pero tila ba nahigitan ng hininga ang lalaki. Ramdam niya ang puwersahang pagtigil ng puso niya sa pagtibok. Gusto nitong singhalan ang babae, pigilan at kontrahin ang sinabi pero ni hindi niya magawang maigalaw ang mga pilik-mata para sa pagkurap.
“Elle? What are you thinking?” Hindi na napigilan ni Sierra ang sumabat sa usapan ng mag-asawa. Alam niyang nasasaktan ang kaibigan, alam niyang gusto nang mawala ni Eilythia sa sobrang kalungkutan ngayon pero hinding-hindi nito gugustuhin ang sinabi.
Alam nilang lahat kung gaano nito kamahal si Kairus—mahal na mahal nila ang isa’t-isa.
“Ate. . .” Nagawa ring makapagsalita ni Ashley kahit pa tuloy-tuloy ito sa paghikbi.
“Maghiwalay na tayo, Kairus. Ayokong mapuno nang habangbuhay na paghingi ng tawad ang iikot sa relasyong ito.”
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...