Kabanata XVIII

214 9 0
                                    

    “Sigurado ka bang ayos ka na talaga, Eilyjah?” nag-aalala kong tanong sa anak kinabukasan. Ilang oras na rin simua nang magkamalay ang bata at nagpupumilit na umalis ng ospital.

    Ayon dito, mas gusto niya nang simulan ang paglilibot sa lugar kaysa sayangin ang oras sa pagpapahinga sa higaan. Well, I guess my son is a whole like me, hindi naming gugustuhing tumakbo ang oras nang walang ginagawa.

    Matapos ang hapong iyon, kung kailan nakumprima naming hindi si Mr. Ji ang may kagagawan ng lahat, nakaramdam ako ng kapanatagan sa loob—na dapat ay hindi ko naramdaman. We really need to rush things from now.

    Hindi ko na nakitang muli si Mr. Ji pagkatapos ng araw na iyon at naging madalas na rin ang pakikipag-usap ko kay Kairus kaya hindi ko mapigilang hindi mag-alala.

    Nasisira na talagang siguro ang ulo. Ji Seo Nam became a good friend to me, pilit ko lang itong tinatakasan noong iniisip ko pang siya ang may pakana ng lahat pero ngayong nalinis na ang pangalan nito, sinalakay na ako ng pag-aalala.

    Hindi ako sinagot ng anak at dumeretso lang sa pagtayo. Wala naman tuloy akong ibang nagawa kundi ang umalalay.

    Kasabay ng pagkawala ni Aleeyah, pakiramdam ko ay dalawang anak ang nawala sa akin.

    Hindi ko sigurado kung babalik pa si Eilyjah sa dati, pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. I know, God will find its way. Pagkatapos ng lahat ng ito, ipapaubaya kong muli ang lahat Sakanya.

    Maagang umalis si Ashley ngayong umaga, hinabol ang unang flight pabalik sa Manila dahil sa napakaimportanteng event sa ASH. Ayon dito, babalik siya para sunduin si Eilyjah dahil kailangan din nito ang pumasok.

    Simula noong nangyaring insidente, Eilyjah been homeschooled. Wala naman kaming magagawa. Ang bata na mismo ang nagpupumilit mag-aral. Our life became really different. Wala na iyong simpleng pamumuhay dahil maraming mga bagay na ang kailangang asikasuhin.

    Continuous ang treatment na ginagawa ni Eilyjah, I know he’s been annoyed with it and I can’t be more sorry na kailangan niyang pagdaanan ang lahat sa murang edad.

    Ipinilig ko ang ulo para maiwasan ang pag-iisip. Mas mabuti kung pag-iigihan kong mapasaya ang anak ngayon para naman makabawi kahit papaano. We’ve been through a lot of chaos; he doesn’t deserve any of it.

    Parehang napukaw ang atensyon naming dalawa nang magvibrate ang cellphone ko dahil sa isang text. It was Fracno kaya nakahinga ako nang maluwag. Kailangan namin ng tulong mula sakanya para malibot ang lugar. Nangiti ako nang maalala ang ginawa naming paglilibot noon sa Switzerland.

From: Franco Ronsicalles
What’s up? Been bombarded with piled up works. Kumusta si Eilyjah?

    Hinayaan ko na muna ang anak na makapagbihis bago kami makaalis at saka nagreply sa lalaki.

To: Franco Ronsicalles
Gano’n ba? I just thought we need you today. Jaja’s been so excited to explore Seoul. I think we need a driver.

From: Franco Ronsicalles
Can we do it tomorrow? Kailangan ko lang tapusin ang lahat ng ito.

    Natawa ako nang nagawa pa nitong magsend ng picture ng makalat niyang desk sa opisina, sinundan naman ng selfie nitong may malawak na ngiti.

    Magre-reply pa lang sana akong muli sa lalaki nang pangalan naman ni Mr. Ji ang bumungad sa aking screen. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot.

    “Hello?”

    “You’re up to?” Hindi matatawaran ang galing nito sa pag-i-ingles. Bigla tuloy akong nanghinayang sa pag-aaral ko ng lenggwahe. Marunong naman pala ito, kinailangan pang dumugo ng utak ko sa banyagang salita.

    “We’ll be out of the hospital in few minutes,” sagot ko na lang, bumaling sa anak na busy na sa pagsasapatos.

    “I’ll your driver for the day.”

    Nanlalaki ang mata kong binalingan si Eilyjah, nag-aalala. “You’ve got to be kidding me!” anas ko sa kausap.

    “What’s wrong with that?” Hindi ko man nakikita ang facial expression ni Mr. JI, batid ko nang nakanguso na naman ito. “I just want to help you out. In fact, this is my country. For thirty years, nagawa ko nang kabisaduhin ang lahat.”

    He definitely has a point. Pero paano si Eilyjah? Ayaw ko nang mauitkung ano man ang nangyari rito sa airport.

    “I’ll take that as a yes. I’ll be there in five,” dere-deretsong sabi ng lalaki pagkatapos ay ibinaba kaagad ang tawag.

    Simangot akong napaupo sa malit na sofa ng kwartong iyon,kapagkuwan ay nagtipa ng mensahe para kay Franco.

To: Franco Ronsicalles
I guess, it’s problem solved. Mr. Ji will accompany us.

    Ilang segundo rin akong nag-antay ng reply pero talagang tumawag na si Franco. Napailing na lang ako sakakulitan ng dalawang lalaki.

    “What? No!” bungad nito mula sa kabilang linya.

    “You should go with your work now para maaga kang matapos,” pangungumbinsi ko. “Pwede ka namang sumunod.”

    Walang sabi-sabi nitong binaba ang tawag, dahilan para wala akong ibang magawa kundi ang matawa. I guess, hindi pa rin ganoon kalaki ang pinagbago ng kaibigan.

    Eksaktong pagkalipas ng limang minuto nang makarinig ako ng katok, kinakabahan kong tinungo ang pinto at hinarap si Mr. Ji. Labis-labis ang nararamdaman kong kaba para sa anak kaya ganoon na lang ang gulat ko noong hindi nagwala si Eilyjah—o kahit umiyak man lang.

    Tuloy-tuloy ang pagiging tahimik ng bata pero laking pasasalamat ko pa rin na mabuti ang kalagaayn niya ngayon.

    Malaki ang ngiting nilapitan ni Mr. Ji ang bata. “Annyeong! Jeonuen Ji Seo Nam-eoyo.” Hello! I am Ji Seo Nam.

    “N-Naneun Eilyjah-ibnida.” I am Eilyjah.

    Napuno ako nang pagkamangha sa anak. Magaling itong magsalita ng ingles pero hindi ko inakalang makakapagsalita ito nang maayos sa lenggwaheng iyon.

    “mannaseo bangawoyo, Eilyjah. Ije gwaenchanh-a?” Nice to meet you, Eilyjah. Are you okay now?

    “Ne, ajeossi.” Yes, Mister.

    Nakababasang eardrums na tawa ang lumabas sa bibig ko nang makitang hindi makapaniwala si Mr. Ji sa narinig, “Ne? Ajeossi?” What? Ajeossi?

    Nanlambot naman ang puso ko nang makita ang paghalakhak ng anak. Hindi ko na rin alam kung kailan ang huli pero labis ko iyong ipinagpapasalamat.

    “kkoma ya, jeongmal andwaess-eo.” Kid, that’s so bad. Ngumuso si Mr. Ji sa harapan ni Eilyjah. “naeun deo isang dangsin-ui unjeonjaga doel su obs-seubnida.” I don’t want to be your driver anymore.

    Kitang-kita ko ang pagbabago ng mood ng anak. Bahagya itong napakamot sa ulo at saka bahagyang yumuko. “joesong haeyo. . . ajeossi.” I’m sorry. . . Mister.

    “Ya!”  Hey! Sabi pa ni Mr. Ji bago magpatuloy sa paggulo ng buhok ng aking anak.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon