Kabanata XXV

268 15 3
                                    

    “Mr. Hernandez, you need to calm down. Kilala mo ba ang suspek? Anong koneksyon niyong dalawa? May hinala ka na ba sa motibo?”

    “Si Eilythia. . . k-kasama niya ang asawa ko.”

    Akala ko wala ng mas iguguho pa ang mundo ko pagkatapos nang lahat-lahat ng nangyari pero hindi pa rin pala talaga tapos.

    “You need to get a hold of yourself, Sir. Kailangan mong ibigay sakanila ang lahat ng alam mo para makakilos na sila,” gagad ni Rai na nasa tabi ko lang pala. Ni hindi ko man lang namalayang nakarating na papa ito.

    Dahil parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko ay sinulat ko ang pangalan ng kompanya ni Franco, lugar nito sa Korea pati na ang pamilya. Pagkatapos ay agad akong lumabas sa presintong iyon, wala ng nagawang pagpapasalamat man lang.

    Hindi ko na rin nagawang antayin si Rai at pinaharurot na ang kotse.

    That motherfucker has Eilythia. Ngayon pa lang ay sinisisi ko na namang muli ang sarili ko sa pag-iwan sa babae roon.

    If anything happens to her, hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

    Wala sa sarili kong tinipa ang numero ni Ashley at tinawagan. Kung hindi pa ako ngayon magpupunta sa Korea, kung aantayin ko pa ang aksyon ng mga pulis ukol dito ay paniguradong mahuhuli ako.

    Baka nakatunog na ang hayop na iyon. Baka nalaman na niyang hawak ng mga pulisya ang isa sa mga inutusan niya.

    “Fuck!”

    “–hello, Kuya? Kuya? What happened?”

    “Book me a flight to Korea, iyong pinakamaagang flight, Ash.”

    Dineretso ko lang ang pagmamaneho pauwi, I need to plan this out. Kapag nagkamali ako, dalawa lang ang puwedeng mangyari—may mapapahamak, at makakatakas ang lalaki.

    We’ve made this far. Hindi pwedeng wala kaming mapapala.

    “May-ari ba ako ng airli–”

    “Ash, please.”

    Bumuntong-hininga ang babae sa kabilang linya, habang ipinangako ko naman sa sariling pagkatapos nito ay ako naman ang babawi.

    “I will, okay? But could you please tell me what’s happening? Ano raw ang sabi ng mga pulis?”

    “Hindi mo sasabihin, hindi ba? Kuya naman!”

    Walang pagdadalawang-isip kong ibinaba ang tawag. Alam kong alam na ni Ashley ang gagawin.

    Hindi ko man namalayan ay nagawa kong makauwi ng bahay. Kahit pa halos iumpog ko na ang ulo sa manibela ay natapos rin ang aking pagmamaneho.

    Halo-halo ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ako, natatakot, nasasaktan dahil sa nangyayari.

    “Oh, Kairus, ano hong problema?”

    Nilaklak ko ang tubig na kinuha na parang pinakamapait na alak. I was really restless. Pakiramdam ko, kung hindi ako gagalaw ay malala ang nagiging mangyayari.

    “Ayos lang po ako, Ate Debi.” Nakita ng babae ang nanginginig ko pang mga kamay pero nag-iwas kaagad ito ng tingin. “Aalis po ako. Pakibantayan na lang po muna si Eilyjah. Pasensya na po talaga.”

    I always feel sorry for them. Pakiramdam ko, dinadamay ko sila sa sariling kamalasan.

    “Magpahinga ka na muna, Kairus. Tama na muna,” seryosong sabi ni Ate Debi.

    Gusto ko rin iyon, sa totoo lang. Gusto ko na rin munang magpahinga, gusto ko na rin munang umaway pero hindi nila ako hahayaang gawin iyon.

    And I find it so unfair.

    Nang makarating sa kwarto ay dali-dali kong tinawagan ang kaibigan para sa counseling. Nang ma-realize ko kasing sobrang effective ng ginagawa ay tinutuloy-tuloy ko na lalo pa’t alam kong wala namang mawawala.

    “Time check, 6:34pm. Masyado pang maaga, anong nangyari?”

    “It was Franco.”

    I wasn’t a formal counseling, actually. Sigurado ay dahil sa magkaibigan na kaming dalawa ni Beau.

    “Franco who?”

    “The mastermind. The Franco we knew.”

    “Holy shit!” He wasn’t that formal afterall. “Where is that motherfucker?”

    Hindi rin nagtagal ang pakikipag-usap sa kaibigan. Imbes kasing ako ang pakalmahin ay ako pa ata ang mag-iisip kung paano ito kakalma.

    Alas dose ng hapon kinabukasan ang na-book na flight ni Ashley. Sinubukan niyang kumuha ng mas maaga pero  matindi rin talaga ang dagsa ng mga taong paroo’t parito.

    Mabuti na rin iyon dahil nagawa kong makapagpahinga buong gabi. Talagang bagsak ang katawan ko.

    Pinagpasalamat ko na ring may pangalan na kami ng kung sino ang may pakana pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan sa kung anong pwedeng magawa ni Franco.

    Of course, I won’t let them slide this time. Talagang ikabubulok niya sa kulungan ang ginawa.

    Sumabog din ang telepono ko sa pagtawag no Eilythia na hindi ko naman kinayang sagutin. Pakiramdam ko, ako naman ang naduwag. Ako naman ngayon ang walang magawa.

    I am afraid na baka kapag ipinilit pa naming muli ay mas malala pa ang mangyari. I hate to see her hurting. Sa tuwing umiiyak ang babae ay pakiramdam ko, pinaparusahan ako ng mundo.

    Akmang itutuloy ko na ang paglalakad nang marahas na tumunog ang cellphone. It was an unregistered number kaya ganoon na lang din ang kalambog ng dibdib ko dahil sa mga iniisip.

    Nagdadalawang-isip man ay agad ko iyong sinagot kahit pa mahigpit ang pagkakakapit ko sa laylayan ng suot. “Hello. . . w-who’s this–”

    “This is Ji Seo Nam of IC Hotels.”

    Kaagad akong kinabahan sa boses na iyon kahit pa hindi ko malaman ang dahilan. “Why did you. . .”

    “Are you in Korea? Are you with Eilythia?”

    Hindi naman ako iyong uri ng taong mabilis kakitaan ng takot. Hangga’t maaari ay matapang ko namang hinaharap ang lahat but things became so different. Takot na takot na ako.

    Takot na takot na ako sa lahat.

    Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung tuluyan pa kaming mababawasan.

    “N-No. . . why? Where’s Eilythia?”

    “I. . . I actually asked her to go to my office. She was at the mall. But hours have past, I can’t even contact her so I went to her–”

    “Franco. . . Is she with Franco?”

    “The CCTV says so. . . Franco’s surely keeping her somewhere.”

    Awtomatiko na atang nablanko ang isip ko. Hindi na alam kung paano ako nakasakay sa eroplano nang marinig ko ang bagay na iyon at makarating sa Korea.

    Mas lalo akong nanggalaiti, mas lalo akong nagalit. Hindi ko na ikagugulat kung ako mismo ang maging sanhi ang pagkamatay ni Franco. Wala na akong pakialam sa kung ano pa ang maging resulta ng lahat pero isa lang ang sigurado—para sa pamilya, gagawin ko ang lahat.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon