Kabanata XX

242 11 3
                                    

    “Franco,” may bahid ng takot kong sabi.

    I’ve been with the guy ng halos tatlong taon noon but I’ve never seen him this mad. Halos umusok pa ang mamula-mula na nitong mata sa sobrang galit.

    “Franco, anong ginagawa mo—” Hindi ko na nanagawang tapusin ang sinasabi dahil sa mahigpit na paghila sa akin ng lalaki papasok sa loob ng unit.

    “Anong ginagawa ko? Now, you are asking me that?” singhal nito sa akin. Inalala ko pa ngang baka magising si Eilyjah sa ingay noon. “I am protecting what’s mine!”

    Para kong nabuhusan ang napakalamig na tubig sa narinig. He’s protecting what’s his? Hindi ko ata nasusundan ang mga sinasabi ng lalaki.

    “Sinabihan nakita, hindi ba? Hindi ka pwedeng maging malapit sa lalaking iyon. Hindi natin alam kung anong mga plano o motibo niya sainyong mag-ina. But no look, you seem really fine! Kinikilig ka pa nga ata, eh—”

    Tinigil ko ang matalim na bibig niya sa isang malakas na sampal. How dare he say that to me? Siya mismo ang nakakita kung paano ako naghirap sa paghahanap ng kung sino talaga ang may kasalanan sa pagdukot sa mga anak ko. Nakita niya kung gaano ako kadalas panghinaan ng loob sa pagiging malayo sa pamilya.

    Alam niya kung gaano kalaki ang sinakripisyo ko matuloiy lang sa pagpunta sa Korea kahit wala iyong basbas ng sarili kong asawa.

    Alam niya kung ano ang tinaya ko sa labang ito—ang relasyon namin ni Kairus, ang mga kaibigan, ang buong pamilya pati na ang sarili ko.

    Pero bigla siyang susulpot ngayon saying all these harsh things na parang hindi niya ako nakilala at kinilala?

    Na kinikilig ako sa lalaki, na parang inuuna ko pa ang sarili kaysa isipin ang paghahanap ng hustisya para sa anak?

    If it wasn’t for Mr. Ji, panigurado galit na sa akin si Eilyjah dahil hindi ko matutupad ang pangako ko ritong paglilibot sa Korea. Kung wala ang lalaki, this day won’t become successful and Eilyjah’s hatred towards me will just grow.

    “Eilythia. . .” Franco’s voice a bit down this time. “Makakauwi ka rin sa pamilya mo, everything will be alright, will fall into their proper place if you will remain focused. Saka na ang saya, Elle. Kailangan nating hanapin kung sino ang gumawa noon sa mga anak mo. Kailangan natin silang pagbayarin. Naiintindihan mo ba ako? Masamang tao ang Ji Seo Nam na ‘yan. Ngayon, nagawa na niyang takasan ang mga pulis sa pamatay niyang alibi but that’s how he is! He can manipulate all the evidences, niloloko ka lang niya. Niloloko niya lang tayo kaya hindi ka dapat ma-distract sa pagbabalat-kayo niya sa harapan mo.”

    Parang may kung anong bagay ang dumudurog sa puso ko. Pahigpit nang pahigpit na hinahadlangan ako sa paghinga. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan.

    Hindi ko na alam kung ano marahil ang totoo.

    “Am I that selfish, Franco?” Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha. Totoong naging masaya ako sa araw na ito kaya hindi ko inasahang sa ganitong paraan lang para masisira ang lahat.

    I am afraid, too.

    Sino ba naman ang hindi matatakot?

    Araw-araw, lumalabas ako sa hotel na ito, iwinawagayway ang sarili sa maaaring masamang taong makasalubong. Wala kaming mukha na pupwedeng iwasan dahil wala kaming mga alam. Hindi namin alam kung ito na bang huling paggising sa panibagong umaga.

    And I don’t want to be afraid.

    Kapag hindi pa naming nahanap ang totong may pakana ng lahat, habangbuhay kaming mamumuhay sa takot at ayaw kong mangyari iyon. . . kahit para sa buhay ni Eilyjah.

    “Selfish ba ako kung kahit isang araw lang, isang araw lang, Franco, gawin kong pasayahin ang anak ko? Hindi ko ba ‘yun deserve? Hindi ko ba pwedeng makitang nakangiti si Eilyjah na siyang nag-iisa ko na lang ngayong anak?”

    Naging maamo ang mukha ni Franco sa sinabi kong iyon at mabilis niya akong dinaluhan. Wala na ang mamula-mulang mga matang dahil sa galit. “I’m sorry. . . I’m sorry, Elle. Natatakot lang din ako. I can’t risk your life here.”

    Tinanggap ko ang yakap ng lalaki, ginawa ko pa ngang panyo ang balikat nito dahil sa pagbagsak ng mga luha roon. “You know, I can even risk my life para hindi na mahirapan si Eilyjah sa susunod pang mga taon.”

    “But I can’t let that happen. Hindi ka pwedeng mapahamak, Elle.”

    Pinakiramdaman ko ang paninigas ng katawan. There is something in his voice na hindi ko maipaliwanag ang dating. Parang may ibang kahulugan.

    “I was jealous. . .”

    Gusto kong patigilin ang lalaki sa sinasabi. Sinasabi ko na nga bang malaki ang posibilidad na gnanito ang kahinatnan naming dalawa kapag naging magkasama kaming muli. But this time, this will be so wrong. This time, hindi na lang kami pupuwedeng magpadala sa sitwasyon.

    “Franco, we need to stop—”

    “Akala ko, kapag nagkita tayo ulit, magkakaroon na ako ng chance sa’yo. Na ako naman ang makikita mo and I am willing to take every risk for that, too. Hindi ko lang matanggap na this is supposed to be my second chance pero si Mr. Ji pa rin ang napapansin mo. . .”

    Nagsimula akong salakayin ng takot nang naramdaman ko ang malamig na dingding sa likod, I was cornered by Franco’s broad shoulders.

    “Nagkakamali ka ng iniisip, Franco. Walang second chances, wala akong ibang lalaking binibigyan ng pansin o atensyon. I am here for my child—F-Franco. . . please,” halos nagmamakaawa ko nang sabi lalo na noong naramdaman kong umangat ang kamay nito sa dibdib ko—hinahaplos-halos iyon.

    Pilit akong umaalis sa mga mahihigpit niyang hawak pero hindi ko magawa. I did tried to blame myself for a few seconds. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-raming pagkakataon ay ngayon ko pa naramdaman ang panghihina.

    “Franco, ‘wag mong gawin ‘to. Mali ‘to. . . please,” pakikiusap ko pa pero imbes na tumigil ay halos mapasigaw ako nang dumantay ang labi nito sa leeg ko. Gust kong sumigaw, humingi ng tulong pero ayaw kong madatnan ni Eilyjah ang nangyayari, ayaw kong makita niya, ayaw kong hindi niya makalimutan.

    Binuhos ko ang natitirang lakas sa pagpumiglas pero hindi nakatulong ang tila ba awtomatiko kong pag-iyak.

    “I’ve always want to do this with you, Elle. God must’ve been blessed me with this chance.”

    “No. . . no.”

    Sa kahuli-hulihang pag-asang natitira sa akin, nagawa kong ipikit ang mga mata at umusal ng maiksing panalangin. I asked for my husband. Kahit alam kong napakaimposibleng mangyari ng hinihiling, paulit-ulit kong binigkas ang pangalang ‘Kairus’ sa isip ko.

    At ganoon na lang din ang gulat ko nang makarinig ng isang malakas na pagkalabog.

    The next moment I opened my eyes,  nakabulagta na si Franco sa sahig at ang galit nabgalit na mga mata na ni Kairus ang bumungad sa akin.

    Nanginignig pa ang mga kamay ko sa labis na takot nang pinilit kong abutin ang mga braso nito pero hindi katulad ng inasahan, malakas din ang pwersa niyang pinalis iyon kaya muntik pa akong masubsob sa ibaba.

    Doon ay para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Nagsirko ata ang kung ano sa tyan ko sa sobrang takot.

    His eyes. . . his eyes were back to being cold and merciless. His eyes. . . Those eyes isn’t my husband’s.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon