Kabanata VII
"Wow! I've never seen such beauty!"
Tinawanan na lang ni Eilythia ang malakas na singhal na iyon ni Franco nang magkita ang dalawa.
Bihis na bihis ang lalaki't pormal na pormal. Bagay rito ang suot na itim Double Breasted suit na umakma sa maputi nitong balat. Pagkatapos ng ilang taong hindi pagkikita, ngayon pa lang nakita ni Eilythia ang lalaking ganito. Bigla tuloy nitong na-miss iyong mga panahong t-shirt at pantalon lang ang madalas na sinusuot ng lalaki habang naglilibot sa Switzerland.
Franco contributed a lot in her life. Kung wala ang lalaki, hindi niya masisiguro kung natuloy pa ba ang paglaban niya noon lalong-lalo na noong nawala ang papa niya pati na ang bata sa sinapupunan.
It wasn't an easy fight. Hindi niya alam kung karapat-dapat bang ipagmalaki iyon lalo na't ayaw na nitong balikan pa ang mga nangyari.
She sometimes want to undo the past. Paminsan-minsan naman ay tinatanggap niya na lang at pinipilit na parte ito ng buhay.
Pero kahit pa halos ikamatay niya na ang mga nangyari, heto na naman siya at haharap sa panibagong problema.
Napapagod na ba ito? Oo, sobra.
Gusto niya na bang sumuko? Oo.
Susuko ba siyang talaga? Hindi.
Hinding-hindi niya gagawin iyon. Ilang beses mang pumasok sa isipan nitong isuko na lang sa pulis ang lahat, hindi nito kahit kailan pababayaang mailubog na lang sa nakaraan ang lahat.
Aaliyah don't deserve that. Hindi rin deserve ni Eilyjah na maranasan ang lahat ng paghihirap sa ngayon.
Isa lang ang nasa isip ng babae, kung hindi nila mahahanap ang may kasalanan ng lahat, hindi sila nito patatahimikin. Kapag hindi napagbayaran ng mga may sala, habangbubay lang silang tatakbo dahil sa takot.
"Uy, nakakahiya!" sagot niya na lang dito. Sabay na nagtawanan ang dalawa habang iginigiya ni Franco si Eilythia papasok sa sasakyan.
Kaagad na nagpawis ang mga kamay ni Elle. Ngayong gabi, makikita na niya ang posibleng may dahilan ng pagkawala ng mga anak ng araw na iyon. Hindi niya alam kung paano magagawang pakalmahin ang sarili.
Sa isang pagkakamali niya lang ay paniguradong mabubulilyaso ang lahat. Kailangan niyang mas maging maingat. Kailangang ngayon pa lang ay kondisyunin na nito ang sarili.
She shouldn't lost her shit there.
Sa ngayon, habang wala pang mga ebidensyang hawak, kailangan niyang magtiis.
Napasinghap ang babae nang maramdaman ang kanang kamay ni Franco na nakapatong sa mga kamay niyang nasa hita.
Mabilis itong nginisian ng lalaki, maingat na pinakakalma. Kahit siya ay nag-aalala para sa babae pero wala namang ibang nararapat na gawin ngayon.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...