Kabanata XVII

228 12 1
                                    

    “I didn't do anything, Mrs. Hernandez.”

    Labis kong ikinagulat ang malalim na boses at matalim na ingles ng kaharap. Sa unang mga salita pa lang ay gusto ko nang makumbinsi pero mas pinanindigan at pinaniwalaan ko ang mga pruwebang mula sa pulisya. In fact, his motive was clear enough. It may be rage. . . revenge.

    Sapat na ang mga mata niya para magpaliwanag. Kaagad akong natakot, paano kung hindi? Paano kung nagkamali talaga kami?

    “This is a big misunderstanding. I was aware of the kidnapping incident. H&H, Kairus Hernandez is very popular around the world. Everyone knows him, knows H&H. But IC has nothing to do with it. My company’s stocks were severely affected when we lost to the investor. My employees became shaky, I even thought of laying off some. But there is no way we could do that. I prefer not to speak about it through media because IC Hotels receives too much criticism already, even in other countries. But like you, who didn't give up on your child, I didn't give up the company either.”

  Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng suot. Hindi na alam ang gagawin. Why do I feel this way? Bakit pakiramdam ko una pa lang ay mali na kaming talaga?

    Magsisimula na naman ba kaming muli?

    Malaking kalokohan lang ba ang pagpunta ko sa lugar na ito?

    “I still don’t know how I can prove the truth of what I’m saying but believe me. You can run hundreds of investigations about me but you won't find something else. I am not saying that you should stop doubting me, to tell you the truth, I have also tried to investigate what happened. But we haven’t obtained any other information. I guess the culprit was very powerful, he has many connections and acquaintances," dere-deretso pang sabi ni Mr. Ji saka kinuha ang mga kamay kong nasa ibaba ng mga mesa at mahigpit iyong hinawakan. “I may not how you feel as their mother but if you’ll let me, I would like to help you out. I can’t promise anything, I can’t make you trust me but I just thought that if you focus on IC Hotels, you may lose the real suspect.”

    Sa labis na pagsakit na ng ulo, hindi ko na napigilan ang tumayo dahilan para bumalik ang tinginan sa amin ng iilang mga tao roon. “I will not believe you. As long as you don't prove you had nothing to do with what happened, you are to blame, Mr. Ji.”

    Iyon na ang huli kong sinabi bago magtuloy sa paglabas sa lugar na iyon. The rage is all over my body. Gusto ko na lang dumeretso sa tinutuluyan pagkatapos ay matulog nang matulog.

    Ngayong naririto si eilyjah, mas lalong lumalala ang pag-aalala ko.

    “Mi cha—” Hindi pa nakuntento ang lalaki’t nagawa pa nitong sumunod sa akin. “E-Eilythia. . . I have no idea what is really going on, as well as who probably did it. You can continue to doubt me, don’t trust me. But give me a chance to clear my name, even if not for someone else. I want to clear my name to you. knowledge. I’ll do everything that I can to help.”

    Pagod ang mga mata kong tiningnan ang lalaki pagkatapos ay tumango. Hindi man karapat-dapat para sa inang labis na nagdadamdam ay maniniwala ako sa lalaki. Nasa likod ng isipan kong mas malaki ang posibilidad na hindi siya ang may pakana at ayokong aksayahin ang oras ko sa lalaki. Oras na dapat kong ginagasta sa paghahanap sa totoong may kasalanan.

    Hindi ako pwedeng magtagal sa Korea. May buhay rin akong nag-aantay sa Pilipinas, may pamilya akong kailangang mas patatagin. May asawa at anak na nag-aantay sa aking bumalik, mga kaibigan na naniniwala sa akin, itinuturing akong isang malakas na babae. I just can’t disappoint them.

    I can’t disappoint myself.

    I have made this, this far. Marapat lamang na mas kayanin ko ang mga susunod na hamon para sa pamilya.

    “Do it,” palaban kong gagad. Mariin ko namang tinanggap ang deretsong titig ni Mr. Ji bago ako tumuloy papasok sa ospital.



    Pilit kong iniisip ang sinabi ng lalaki pati na ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko; hindi si Ji Seo Nam ang may pakana ng lahat. Hindi IC Hotels ang nasa likod ng ito.

    Maaaring biktima lang din sila una pa lang.

    Gulong-gulo ang isip ko nang makabalik ako sa kwarto ni Eilyjah, bahagyang pinagsisisihan ang pakikipag-usap sa lalaki na para bang hindi ko na lang dapat iyon ginawa, hindi ko na lang dapat didinig ang paliwanag nito. Gustuhin ko mang isisisi sakanya ang lahat para matapos na ang lahat at makabalik na sa kanya-kanya naming mga buhay. Pero isang malaking kalokohan lang iyon at pekeng hustisya.

    “He denied it, doesn’t he?”

    Ibinagsak ko ang sarili sa sofang naroon, paminsan-minsa’y ginugulo-gulo ang buhok.

    “Don’t tell na naniniwala ka sa lalaking ‘yon?” singhal ni Ashley. “Ate, ano ba talagang nangyayari? Hindi ako hinahayaan ni Kuya na makisali sa imbestigasyon, everything’s becoming out of hand—”

    “Pero, Ashley, ipipilit ba talaga natin? Uubusin ba talaga natin ‘yung oras natin sa taong hindi naman talaga–"

    “How sure are you, Ate? For all we know, baka niloloko ka lang niya. Baka pinaniniwala ka lang niya. Look, walang pumapatay ang umaamin kaagad sa ginagawa.”

    Ashley has a point. Wala akong nagawa kundi iyukom ang mga kamao.

    Kung ganoon nga ang sitwasyon, hinding-hindi ko siya mapapatawad. For lying, for betraying me. . . lalong-lalo na sa ginawa niya sa mga anak ko.

    Napabalikwas kami sa kwartong iyon nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Bago ko pa man maalalang kailangan kong tawagan si Kairus para kumpirmahin ang lahat pati na maikwento ang nangyaring pag-uusap namin ng Ji Seo Nam na iyon ay pangalan niya na ang nagpakita sa screen ng cellphone ko.

    “H-Hello?” kaagad kong sagot.

    “Eilyjah and Ashley’s flight is today. Nagkita na ba kayo?” It was relaxing—napakasarap marinig ang boses ni Kairus.

    Sandali kong binalingan si Ashley, hindi pala nito nagawang ikwento sa kapatid ang totoong nangyari dahil paniguradong Kairus will threw a fit.

    “Yes, kasama ko sila.”

    I should ask him about it. Kung ano na ang resulta ng imbestigasyon–

    “Hindi siya ang may gawa, Elle.”

    Nagpakurap-kurap ako dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko agad nakuha ang tinutukoy niya pero nagtuloy-tuloy na ang pagkakarera sa aking sistema. “W-What?”

    Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kairus sa kabilang linya bago magsalita, “Ji Seo Nam, IC Hotels. . . hindi sila ang may pakana ng lahat, Elle.”

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon