Kabanata XIV

248 10 1
                                    

   

Kabanata XIV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata XIV

   Nakasimangot lang ako sa buong byahe lalo na tuwing hindi nakatingin si Mr. Ji dahil sa tuloy-tuloy na pangungulit ni Franco.

    Kahit kailan talaga, hindi ko masabi-sabihan ang lalaki ito. Sinayang niya na naman ang pagkakataon kong makakuha ng mas malalamang impormasyon tungkol sa lalaki.

    “Napakalungkot mo naman,” bulong sa akin ng lalaki mula sa likod ng sasakyan. Kahit kasi nasa passenger's seat na ako ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pangangalabit.

    Hindi ko na lang ito pinansin. Hindi pwedeng masira ang diskarte ko sa lalaking katabi. Bahala muna siya sa buhay niya ngayon. Ito ang nakukuha niya sa pagka-crash sa may plano ng may plano.

    Ilang oras kaming naglibot-libot sa mga mall, trademarks pati na shoppings streets dahil inisip ko ring bilhan ng mga gamit si Eilyjah. Sa loob ng mga oras na iyon, walang ibang ginawa si Franco kundi ang sumingit sa mga pag-uusap naming dalawa ni Mr. Ji.

    Nang hindi na makapagtimpi, sandali ko itong hinila palayo sa mesa naming tatlo nang makahanap ng magandang restaurant.

    Tawang-tawa lang si Franco na siya rin namang nasasabayan ni Mr. Ji. Wala naman sana problema roon, in fact, nakakasabay rin naman ako sa pagtawa. Pero hindi naman iyon ang dapat naming ginagawa.

    Kinakain ako ng kagustuhang makakuha kaagad ng impormasyon. Hindi ko magawang makapagsaya nang tuluyan knowing na may posibilidad na siya Mr. Ji ang may pakana ng lahat.

    Pinipilit ko na ngang ngitiian at pakisamahan nang maayos ang lalaki sa ngayon pero hindi ko na maalaman kung hanggang saan aabot ang pagtitimping iyon.

    “Franco, naman" reklamo ko nang makalayo.

    Prenteng hinawakan ni Franco ang magkabilang braso ko saka nagpaliwanag. “We need to brighten up the mood. Mukhang nagiging komportable naman siya, Elle.”

    Hindi ako kaagad na kumbinsi ng paliwanag niya. May punto naman ito kaya lang naiinip na ako. Ilang araw pa ba ang kailangan kong harapin bago ko tuluyang makasama ang pamilya at makabalik sa Pilipinas?

    “Listen,” dagdag pa ng kaibigan. “Kailangan muna natin ng base, ng foundation. Alam jong gusto mong malaman agad o hindi naman kaya matuklasan ang buong pagkatao ni Mr. Ji pero hindi naman kaagad-agad nating makukuha iyon. We should at least offer him friendship. Kailangang komportable niya in order for him to talk comfortably as well. Hindi pa natin pwedeng ipilit sa ngayon, Eilythia.”

    Tahimik na lang akong napatango, onti-unting naiintindihan ang lahat.

    As much as I want to rush these things, wala pa rin naman akong magagawa kaysa mabulilyaso.

    Wala ng mga magulang si Seo Nam. Katulad ko, naghirap din itong itaguyod ang sarili noong mga unang taong wala ang mga ito. Ayon sa kwento ng lalaki, tunay na naranasan nitong mamuhay ng isang kahig, isang tuka at tuluyang talikuran ang pag-aaral.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon