Kabanata II

697 19 2
                                    

Kabanata II

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata II

The day of the incident

Kairus’ Hernandez POV

“Elle, pwede ko ba talaga silang isama? I can assure their safety pero syempre mas okay pa rin iyong nandito sila sa bahay,” paliwanag kong muli sa asawa sa kabilang linya dahil sa biglaang pangungulit ni Aleeyah. Ayon sa bata, gusto raw nitong sumama sa victory party na gaganapin sa H&H Hotel – Main. Ang totoo niyan ay napag-usapan na naming iyon kinagabihan kasama si Eilythia. Kagabi pa nagpupumilit ang bata pero hindi lang iyon pinapansin ng ina kaya wala rin akong magawa.

Ngayon tuloy ay sa telepono lang kami nag-uusap.

“Sinasabi ko na nga bang mangungulit ang batang iyan,” sagot ng asawa ko. Sa pitong taong kasama naming ang bata ay gamay na gamay na naming ang kilos nito. Alam naming hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. “Paano ba ‘to?”

Sa tinagal-tagal ng panahon na magkasama kami ni Elle, hindi ko mapigilang araw-araw mamangha sa asawa. She has this talent of making all her decisions right. Nakaka-proud lang lalo pa’t kayang-kaya nitong saluhin ang lahat ng pagdadalawang-isip ko.

“Mommy! Please! My friends are going. I want to play with them!” Tuluyan na ngang naagaw ni Aleeyah sa akin ang telepono. Sa magkapatid, si Aleeyah talaga ang mas malambing sa amin lalo na kung may hihingiin itong pabor. She’s most likely to make friends with everyone dahil si Eilyjah ay paniguradong mas gugustuhin lang manatili sa bahay, magbasa at mag-aral.

Magkabaliktad ang dalawa pero pantay ang ibinibigay kong pagmamahal sa mga ito. I love them with all my heart. Hinding-hindi ko ata kakayaning mawala sila sa buhay ko, ang buong pamilya.

“Pero, Alee, you can’t go there to play. I-resched na lang natin iyong laro ninyo ng mga kaibigan mo.” Hindi ako pinansin ng anak na babae. Nagtuloy-tuloy lang ito sa pakikipag-usap sa ina sa telepono. Somehow, nakampante na rin ako. Mas kaya siyang i-handle ni Eilythia kaysa sa akin.

“Mommy!” Rinig ko pang sabi nito, mariin na ang pagkakakunot ng noo. “Hans is coming. Dapat din po akong magpunta!”

“Who’s Hans?” Hindi ko na napigilang muling makisabat. As usual, hindi ako ulit pinansin ni Aleeyah kaya laking pasasalamat ko na lang sa biglaang pagsasalita ng anak na lalaking prenteng nakaupo sa sofa. “Her celebrity classmate slash crush.”

“Aleeyah? Anong crush-crush?” Pakiramdam ko ay naghuramentado ako sa sandalling iyon. Natawa na lang ang anak kong siyam na taong gulang na, si Eilyjah.

“I warned her already,” walang ganang sabi ng anak.

Napabuntong-hininga na lang ako at tahimik na inantay matapos sa pag-uusap ang mag-ina. Sooner or later, makakagawa na ng desisyon si Eilythia at iyon syempre ang susundin ko.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon