Kabanata XXXII

365 16 2
                                    

Kabanata XXXII

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata XXXII

Eilythia Hernandez’ point of view

    “Hinding-hindi kita mapapatawad,” tahasang sabi ko matapos makapasok ni Franco sa maliit na kuwartong iyon.

    May makapal na salaming nakapagitna sa aming dalawa pero hindi ko pa rin makontrol ang nararamdamang galit.

    “Were you happy about it?” Wala pa ring naging sagot ang lalaki kahit ilang minuto na ang nakalipas.

    “Franco, masaya ka bang sinira mo ang pamilya ko? Masaya ka bang hindi na namin makakasama si Aleeyah? Masaya kang nahihirapan ngayon si Eilyjah. . . all because of you? Kasi kung masaya ka roon, well, good for you. Panalo ka. Lahat ng plano mo–”

    “Eilythia, mahal kita.”

    Malakas ang naging sunod kong paghalakhak na para bang iyon ang pinakanakakatawag bagay na narinig ko sa buong buhay. Hindi ako makapaniwala sa lalaki. Malakas pa ang loob niyang sabihin ang mga salitang iyan.

    “Ang sakit mo namang magmahal, Franco.”

    Pakiramdam kong ikinagulat ng lalaki ang sinabi kaya’t napabaling na ito sa akin mula sa matagal na pagkakayuko.

    “Ang sakit mo namang magmahal dahil pinapahirapan mo ‘yung taong mahal mo,” gagad ko habang mahigpit ang pagkakayukom ng kamay. “Pinatay mo ang anak ko, sinaktan mo si Eilyjah. . . niloko mo kaming lahat. At ako mismo, ilang beses mong sinaktan. . . sinampal, sinabunutan na lahat ay pinalagpas ko lang din. Franco, I was stuck at the hospital dahil sa bala ng sarili mong baril yet you are still telling me that you love me?”

    Nagtuloy-tuloy na ang pananakit ng dibdib ko sa sitwasyon. Ilang beses pa namang ipinaalala ni Kairus na hindi ko muna kailangang pagurin ang sarili lalong-lalo na sa pag-iisip.

    “I did all that because I love you–”

    “Kalokohan, Franco!”

    Nakita kong bumalatay ang sakit sa mga mata ng lalaki pero hindi iyon ang pumigil sakanya para magsalita. “Back then, I asked God to send me the best woman in the world, and I must admit that it was you. You become my true friend. You are a passionate and caring woman. . . whom I cannot live without. Eilythia, hindi niyo ako maiintindihan. Hindi mo ako maiintindihan! If I could give you one thing in life, I’d give you the ability to see yourself through my eyes, doon, nakikita mo kung bakit ginawa ko ang lahat. I just want you to be mine! Bakit ba napakahirap no’ng gawin?”

    Napigtas ang katiting na pasensyang dala-dala ko. “Nothing can justify killings! Naiisip mo ba kung sino ‘yung dinamay mo rito, Franco?”

    “Anak ko! Si Aleeyah! Kung ako ang gusto mo bakit hindi ka sakin dumeretso? Bakit kailangan mo pa akong pahirapan?”

    Bumagsak ang mga kamay ng lalaki, nagdadabog. Hindi nga napigilan ng jail guard na naroon na bumaling sa akin. “Because that’s my only way! Alam kong maghihiwalay kayo ni Kairis pagkatapos no’n. You’ll blame him, aalis ka, magoupunta ka sa Korea. . . then you’ll met me again. Mamahalin natin ang isa’t isa, Eilythia–”

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon