Kabanata XXII

284 16 7
                                    

    Tatlong araw ang nakalipas matapos mangyari ang insidenteng iyon. Hindi ako agad nakagalaw sa lugar kung saan ako iniwan ni Kairus pero nang makarating sa hotel ay wala na roon si Eilyjah. Ang sabi ng mga staff ay kasama na raw ni Kairus na umalis.

    Inasahan ko na rin namang mangyayari iyon. Alam kong hindi hahayaan ni Kairus na manatili rito ang bata. Mabuti na rin iyon dahil alam kong mas mababantayan ito nila Ate Debi sa Pilipinas.

    Tatlong araw na pero sariwa pa rin sa isip ko ang lahat. Lahat ng sinabi ni Kairus noong gabing iyon ay nakadikit na ata sa utak ko.

    Nanatili lang ako sa loob ng kwarto. Paulit-ulit kong tinatawagan ang asawa pero wala ni isa man lang doon ang sinagot ng lalaki. 

    Hindi siya nagsisisi pero kailangan niyang pagsisihan ang lahat. Ni minsan hindi ko inisip na lalabas ang mga salitang iyon sa bibig mismo ni Kairus, iyong lalaking hindi kaagad sumusuko at parang walang kapaguran.

    Torture kung maituturing na naiisip kong baka nga tama ang lalaki, baka sobra na. Baka nga ganito ang napapala kapag ginagawa nating ipilit ang mga bagay na una pa lang ay hindi na kaya, hindi na tama at dapat.

    Pero alin sa mga iyon ang masamang nagawa namin para parusahan kami ng ganito?

    Anong masama ang nagawa naming dalawa para paulit-ulit kaming hadlangan ng tadhana?

    Mahigpit ang naging paghawak ko sa cellphone nang sa pangwalong pagkakataon sa hapong ito’y masagot ni Sierra ang tawag. Pati siya naiistorbo ko na sa mga problema, pero wala akong ibang magawa para maiwasan iyon.

    Sa tingin ko, ang babae na lang din ang mayroon ako. Na kung hindi dahil sa mga pangungumusta’t tawag niya at paniguradong tuluyan na akong nabaliw dahil sa pag-iisa.

    Madalas din namang magpunta si Mr. Ji sa hotel pero hindi ko na rin ginawa ang kausapin ito at papasukin.

    Ang totoo, nahihirapan kasi akong intindihin ang lahat. Ang ginawa ni Franco sa akin, ang galit sa mga mata niya, lalong-lalo na ang mga sinabi ni Kairus.

     ‘Nasa vows natin ‘yun, hindi ba? We will be at each other’s side, iyong kahit anong mangyari hindi natin aabandonahin ang isa pero alam mo ‘yun? Iyong pakiramdam ko nu’ng araw na umalis ka?

    ‘Pakiramdam ko tinanggalan ako ng bibig para makapagsalita, para pigilan ka. Na hindi dapat ako maging selfish dahil alam kong para sa anak natin ang gagawin mo.

    ‘Na hindi ko magawang pigilan ka dahil magmumukha akong gago, sisisihin ko ang sarili ko at habangbuhay mo rin akong sisisihin dahil sa pagkawala ng mga anak natin na in fact, hindi lang naman ikaw ang nagsasabi ng bagay na ‘yun.’

    “Hindi mo pa rin ba ma-contact?” mahinang tanong sa akin ng kaibigan sa kabilang linya.

    Tahimik lang ako at hindi na nakasagot pa. Naintindihan naman iyon ni Sierra.

    “Ano ba talaga ang nangyayari, Elle? Nagpunta lang si Kairus d‘yan para sunduin si Eilyjah. When they got here, he was really furious. Hindi rin nagsasalita ‘yung lalaki, hindi ka rin nagsasalita. There must be something going–”

    Natigil si Sierra nang pagbuntong-hininga ko, “‘Let’s end this,’ ‘yan ‘yung sabi niya sa akin, Sie. He told me na pinagsisisihan niya–”

    “Wait, wait. Hindi ako makasunod. Anong root ng problema?”

    Pinikit ko ang mga mata at pinakalma ang sarili bago kwinento sa kaibigan ang buong nangyari. Hindi ko pa rin maiwasang hindi maiyak. Habang paulit-ulit ko kasing inaalala ang mga salitang iyon ay mas lalong tumatalim ang punyal na paulit-ulit sumasaksak sa akin.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon