“Nasaan ang demonyong ‘yan?”
Nagpulasan ang nga tao sa presinto nang tuluyan akong makapasok at magsisisigaw. Kaagad akong hinarang ng iilang pulisya pero hindi ako nagpaawat.
“Sir Henry! Sir, let me meet him. Hindi na tayo pwedeng matagalan. Nasa Seoul ang asawa ko, she might be in trouble! Kailangan na nating paaminin ang hayop na ‘yan!”
Kinailangan kong bigyan muna ng dalawampu’t apat na oras ang pulisya para gumawa ng paraan. Ipinangako nilang hahayaan nila akong makausap ang lalaki kapag hindi pa nito nagawang magsalita.
I spent the last twenty-four hours with Eilyjah. Ginawa kong pag-isipan ang mga mangyayari, gumawa ako ng sarili at panibagong plano.
But things didn’t worked out well dahil pagkatapos ng bente-kwatro oras na iyon ay wala man lang ni isang impormasyong binitawan ang Rez Santos na iyon.
Seryoso akong nilapitan ni Sir Henry, tinapik-tapik ang aking balikat. “Hindi kita papapasukin hangga’t hindi ka kumakalma, Mr. Hernandez.”
Sinunod ko ang inuutos nila. Umupo ako’t paulit-ulit na uminom ng tubig pero hindi pa rin talaga ang sobrang galit na nararamdaman ko.
“Ayon sa isang tip na nakuha namin kahapon, nakatira raw umano ang isa sa mga miyembro sa Tondo. Mukhang reliable naman kaya nagsagawa kami ng aksyon at nagawa nga naming masakote si Rez Santos,” paunang gagad ni Sir Henry. Katulad ng nakasanayan ay parang naging kasapi na rin nila ako sa lahat. Hindi ko ito itinigilan noon hanggang sa mabigyan ako ng access malaman ang mga nangyayari sa pag-iimbestiga sa nangyaring pandudukot sa mga anak.
“Labas-pasok na sa kulungan ang lalaking ‘yan, kaya wala na ring takot. Sinubukan na rin namin lahat-lahat ng paraan para magsalita pero ni katiting ay wala kaming nakuha. Hindi rin naman pwedeng itago natin siya rito nang gano’n katagal.”
Ihinilamos ko ang mga palad sa mukha dahil sa sobrang pagkadismaya. “I’ll talk to him. Kailangan ko siyang makausap, Sir. We shouldn’t let him get away. Kapag wala tayong nakuha ay parang uulit lang tayo sa simula.”
“We’ll do that. . .”
Habang hindi pa ako sinesenyasan ng mga pulis na pumasok, inabala ko ang sarili sa paghahanap ng kahit anong impormasyon patungkol sa lalaki. Lahat ng mga kaso, mga nakahalubilo sa loob ng kulungan, pati na mga kasama at pamilya.
Pilit kong hinanap sa kung paano niya piniling gawin ang bagay na iyon sa mga anak ko. Magkano ba ang nakuha niyang kompensasyon sa ginawa? Sapat na ba iyon para kumitil ng buhay?
Isa lang siya sa labing-isang lalaking sangkot. Labing isa. . . laban sa dalawang maliliit na bata.
“Hindi ba masyado niyo nang pinapaboran si Mr. Hernandez?”
Lahat kami ay napatingin sa biglaang pagsasalita ng isang pulis na malapit sa pintuan. Nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib at matalim ang titig sa akin.
Hindi ko naman kasi nakuha ang simpatya ng lahat ng pulisyang naririto at hindi ko rin naman masisisi ang mga iyon.
Some would still be loyal to their job, ang iba naman ay mas pipiliing tulungan ang talagang nangangailangan.
Walang nagawa ang mga pulis na igigiya na sana ako papasok sa kwarto kung nasaan ang lalaki.
Dapat ay mananatili itong sekreto at hindi na makakarating sa mga opisyal na nasa itaas.
“Hindi pa parang may pinapaboran na kayo? Is this really necessary? Kung hindi natin mapagsasalita ang lalaking ‘yan, wala na tayong magagawa–”
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...