Kabanata XXXI

370 16 3
                                    

Kabanata XXXI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata XXXI

    “Do you think this is funny?”

    Napawi ang ingay sa kwartong iyon dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko. Sandaling natunaw ang kaba sa sistema ko’t napuno ng pagkadismaya dahil sa ginawa ng kaibigan.

    They have all the rights to put pranks of me pero hindi sa ganoong bagay. Si Eilythia ang ibinala nila at hindi ko kahit kailan magugustuhan iyon.

    I nearly died.

    Ginusto kong takbuhin ang distansya mula sa CK Shop papunta sa ospital sa sobrang pagkaaligaga tapos ganito ang madadatnan ko? Na nagkakasiyahan ang lahat?

    Hindi naman sa hindi ako nagiging grateful pero hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman. Inisip ko talagang may masama ng nangyari kay Eilythia.

    “Kuya, naman. Haya’n ka na naman sa pagiging KJ. Ngumiti ka na nga, birthday na birthday mo–”

    “Birthday na birthday ko nga pero ginagago niyo naman ako,” tahasan kong sabi. Kahit si Eilythia ay natigilan doon.

    “Hey!” Kay Sierra naman bumaling ang lahat. “This should be a surprise. Hindi mo kailangang magalit.”

    Sa sobrang panghihina dahil sa kaninang hindi matigil na pagkalabog ng dibdib ay napaupo na lang ako sa pinakamalapit na upuan.

    “But I can’t help but be mad,” pagrarason ko pa. “Akala ko kung ano nang nangyari kay Eilythia.”

    Naghiwayan na ang lahat. Ang iba ay tinutukso-tukso pa si Elle na nakangisi na rjn ngayon.

    Kaagad nagpulasan ang lahat, humanap ng mga pwesto para malantakan ang mga dinala rin namang pagkain at hindi na roon magpapahuli ang mga kaibigan kong lalaki lalong-lalo na si Baste na ilang segundo pa lang ay puno na ng pagkain ang bibig.

    “I’m sorry, birthday boy.” Nang marinig ang boses na iyon, ngumuso lang ako sa harapan ni Eilythia. Mabilis itong natawa at hinalikan ako nang mabilis. “You should try to appreciate their efforts. May mga pamilya na ang mga ‘yan pero naisip ka pa rin.”

    “Naisip pagtripan–” Nahinto na ang pagrereklamo ko nang kurutin ako ng babae sa tagiliran.

    “Ako naman ang nakaisip na gawin ‘yun kaya ‘wag ka nang magmaktol pa d’yan.”

    Walang magawa kong niyakap ang mahigpit ang babae habang pinagmamasdan pa rin ang mga kaibigan.

    May kanya-kanyang grupo ang mga ito, magkakahiwalay ang babae at lalaki na akala mo ay camping.

    Hindi pa rin naman natigil sa pangungulit si Isiaah at Baste na akala mo’y hindi taon-taon tumatanda. Kahit lumipas na ang mga taon, sila pa rin iyong bumubuhay sa barkada.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon