Kabanata XIX

224 10 3
                                    

    Si Mr. Ji ay iyong tipo nang taong mananatiling simple ang buhay. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagpapalaki sakanya nang maayos ng mga magulang o hindi naman kaya dahil sa experiences nito.

    Mabuting tao ang lalaki. Hindi lang sa anak ko kundi pati na sa ibang mga tao. He’s carefree, easy-going. Mas gusto niyang hindi nakapokus sa kung ano ang mangyayari kinabukasan, he enjoys every bit of the time he has.

    At pakiramdam ko iyon ang dapat para sa atin. Hindi natin dapat hayaan na kinakain tayo ng takot sa kung ano-ano ang mangyayari sa hinaharap. Sapat na iyong may plano tayo, may goal at pangarap. Pero kapag pinairal natin ang takot sa pag-iisip ng kung anong pwedeng mangyari, napapalagpas natin ang mga oportunidad na mayroon tayo sa kasalukuyan.

    We shouldn't beat ourselves too much, kung sa trabaho man yan, sa sarili, sa pamilya at mga kaibigan. We should enjoy, make ourselves free kahit pa paminsan-minsan. There, we could say that we ilived our luve to the fullest.

    Sa dami nang napuntahan naming sa maghapong iyon, sa byahe pa lang pabalik sa hotel ay bagsak na ang mga talukap sa mata ni Eilyjah. Sino ba namang hindi mapapagod kung nagawa nitong puntahan halos lahat ng mga lugar na madalas niya lang nakikita sa telebisyon at internet?

    Walang mapaglagyan ang tuwa ni Eilyjah nang mapuntahan ang Seoul Tower. Nagawa naming makapagcable car doon as it whisk us up from the side of a mountain to the base of the tower. Nagawa rin naming mapuntahan ang floating restaurant na naroon.

    Kahit umaga, hindi matatarawan ang ganda ng mga views. Laking panghihinayang ko lang dahil paniguradong mas maganda roon sa gabi dahil sa mga computer-controlled LED lighting.

    Nagawa rin naming mabisita ang Bukchon Hanok Village. This is a preserved area of several ancient neighborhood na talagang gustong-gustong mapuntahan ni Jaja, it gave us a feel of what it was like to live there six hundred years ago.

    Pansin ko ang pagiging mahilig ni Eilyjah sa mga ancient na lugar at bagay pati na sa history kaya sinugurado kong mapuntahan ang lugar na iyon at hinding-hindi ko nga ito pinagsisihan. He looked extremely happy.

    Hindi rin naming pinalagpas ang pagpunta sa National Museum of Korea na talaga nga namang must-see attraction dito sa seoul, as it showcases the incredible history and artwork of Korean and Korean people.

    The place focues on archeology, history and art and includes collection of works and objects going back for about more than a million years. Kahit ako na hindi gaano kagusto ang mga bagay na katulad nito, naluha ang atensyon ko ng mga ancient and prehistoric artifacts, sculpture, paintings.

    And lastly, dahil inabot na rin kami ng anong oras sa labas ay pinili na muna naming tumigil sa Bukhansan National Park kung nasaan rin ang Jingwansa Temple sa Eunpyeong-gu, Seoul. We have tried their foodie experiences like the traditional vegetarian temple meal, as eaten by the monks. Nakakatuwa rin dahil pinaliligiran ito ng napakamalawak na hiking trailes snaking through its surrounding mountains.

    Kaya hindi na rin nakapagtataka kung bakit ganito ang sistema ni Eilyjah ngayon sa tabi ko. I just can’t be happy enough thinking na may nagagawa rin ako para sa anak ko. I can make him happy. Kahit sa napakaliit na paraan ay alam kong nakakabawi ako.

    Hindi ko rin naman maiwasang maging malungkot tuwing naaalala ko si Aleeyah. Sana hindi na lang siya nawala. Sana hindi na lang siya kaagad na kinuha sa amin. Sana nakabawi pa ako, sana mas napasaya ko pa siya.

    “Are you okay?”

    Nagpakurap-kurap ako at humarap kay Mr. Ji na pawisan na rin ang damit. Katulad ko, hindi kami nagkaroon ng pasigurong damit. Sa sobrang kalikutan namin kanina, imbes na lamigin ay pinagpawisan naman kami.

    “Thank you, Mr. Ji.” seryoso kong pahayag. Siguro nga totoong wala itong kinalaman sa lahat, paunti-onti niya akong nakukumbinsi. 

    He’s a good man. Hinding-hindi niya ‘yun magagawa sa mga anak ko. “I made Eilyjah happy today.”

    At pasensya ka na rin. . . pasensya ka na kung ikaw ang sumalo ng mga kasalanang hindi mo naman ni minsan ginawa.

    Humalakhak lang ang lalaki at tumango. “He taught me a lot of Filipino words.”

    Kumunot ang noo ko sa biglaan nitong sinabi, “Jeongmal?” Really?

    May mga pagkakataon nga kanina na kailangan kong iwan ang dalawa, kapag pupunta sa banyo, kapag may bibilhin, hindi ko naman alam na iyon pala ang seryosng-seryosong pinag-usapan ng mga ito.

    “Napakaganda mo,” sambit ng lalaki sa nakakapanibagong accent. “dangsineun joengmal aleumdawoyo. That’s it, right?” You are very beautiful.

    Naiilang akong tumango-tango, hindi dahil sa sinabi niya kundi sa seryosong titig nito sa akin.

Ilang minuto rin kaming natahimik bago ko maisipang magsalita, “You can drop us to the hotel, Mr.Ji. I’ll handle Eilyjah from there.”

    Tahimik niyang sinunod ang sinabi ko pero hindi siya nanatili sa ibaba. Bagkus, binuhat niya na lang bigla ang anak ko at nagtuloy-tuloy sa elevator ng H&H.

    Hinayaan ko na lang ito at nagpasalamat. Hindi ko rin naman kasi kakayaning buhatin ang tulog na anak paakyat. “Thank you. . .” gagad ko nang makapasok at maibaba ng lalaki si Eilyjah sa kwarto.

    “Do you like some. . . coffee?”

    “Ani, I should go. You should rest, too.” Nangingiting sabi niya.

    Kaagad naman akong bahagyang yumuko, pinapabatid ang sobra-sobrang pasasalamat. “Thank you so much.  Thank you so much for helping me to have this chance again. This is a big thing for me, and for my son. I don’t know how can I make up for the words I’ve said but thank you very much, Seo Nam-ssi.”

    Malaki ang ngising hinaplos-haplos ng lalaki ang ibabaw ng ulo ko. “Should I have a coffee now?”

    Tinawanan ko lang ito at nagpatuloy pa sa pakikipag-usap sa harapan ng mga kape namin. Actually, ngayon ko lang nagawang makausap ang lalaki nang matino. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makilala ang lalaki nang lubusan.

    Ilang beses pa kaming nagpilitan hanggang sa mapagdesisyunan na nito ang umuwi. He’s really torn about staying or letting me rest. Inabot din tuloy ng isang oras ang pag-uusap na iyon.

    Hindi pa nga rin naming matigilang mag-asaran kahit pa papalabas na ang lalaki.

    “I’ll see you when I see you,” sambit pa nito.

    “You should go. We need to rest,”

    Nang makaalis ang lalaki, saka ko pa lang nagawang buksan ang cellphone. Ganoon na lang din ang gulat ko nang makitang halos binomba ni Franco ng mga messages niya ang cellphone ko.

    Now, I am doomed.

From: Franco Ronsicalles
Hey, ‘wag ka kayong tumuloy ni Eilyjah

Where are you?

I am calling you Eliythia

Bakit hindi mo sinasagot?

Are you with him?

I told you, you shouldn’t

Come on, Eilythia, answer your phone

This is frustrating, I’m off. I’ll go with you

I am calling you. Nasaan kayo?

Elle, ang sabi mo iasasama mo ako :(

Eilythia naman

Are you mad at me?

I’m sorry, alright?

Answer the phone now

Goddammit, Eilythia

Where are you in Seoul?

Seoul Tower?

Magtext ka naman

I can’t feel my legs, Eilythia

Elle!


    Hindi matapos-tapos ang mga text na naroon kaya sandal ko munang binalingan ang phone logs at hinarap ang eighty-nine missed calls na mula kay Franco. “Eighty-nine?! What the hell?”

    Akmang magtitipa pa lang ako ng mensahe nang nakarinig akong muli ng katok. Sa pag-aakalang kasali lang iyon sa pangungulit ni Mr. Ji ay natatawaa kong binuksan ang pinto. “I said, you should rest as well, Mr—”

    Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa napagtanto. Bumungad sa akin ang lalaking napakadilim pa ng mukha dahil sa animo’y sobrang galit na nararamdaman. “Franco?”

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon