Kabanata III
The day of the incidentKairus Hernandez’ point of view
Naging sunod-sunod ang naging paghihirap ko noong mga nakaraang taon. Nagsimula noong nawala si papa. Nasundan noong paghihiwalay naming ni Eilythia sa dalawang pagkakataon, ang balitang pumanaw si Elle mula sa sunog. . . ang lahat ng sakit at hirap na napagdaanan naming dalawa—akala ko matitigil na iyon doon.
Aakala ko sa panibagong yugto ng buhay, papaburan na kami ng tadhana pero naging simula palang muli iyon sa mas masaklap na pangyayari.
Simple lang din naman ang gusto kong buhay. Gusto kong habangbuhay na mahalin at pahalagahan ang pamilya, maibigay ko ang lahat ng pangangailan ng mga ito at mapanatili silang ligtas.
Pero nang makita kong wala ang mga anak sa kwartong iyon, parang awtomatiko na akong tinanggalan ng buhay. Hindi ko alam kung saan ako marahil pupunta o kung sino man ang tatawagan. Hindi ako makahakbang, hindi ako makagalaw. Tila ba bumagal ang ikot ng mundo. . . nagslow-mo ang lahat.
Ilang minuto na ang nakalipas noong nagawa kong makahingi ng tulong. Wala ako sa sarili nang makarating ako sa presinto.
Nakakapanlumo at nakakatakot.
Hindi ko alam kung sino pang mga santo ang kailangan kong tawagin para makahingi ng tulong.
Hindi ba masyadong miserable na ang buhay ko? Hindi ba parang sobra na ang pagpapahirap na ibinibigay sa akin at sa pamilya ko?
“Mr. Hernandez, wala po ba talaga kayong napansing kahina-hinala sa event na iyon?”
Nakakatawa ang buhay. Patitikimin ka nito ng napakasayang pakiramdam pagkatapos ay gagaguhin ka nang sobra-sobra na magagawang makalimutan ang lahat ng masasaya ninyong pinagdaanan.
Sa pitong taong iyon, naging maganda ang buhay naming nila Eilythia kaya nakampante ako.
Inisip kong baka nanawa na rin ang sakit kaya tuluyan na kaming nilubayan.
“Kairus!” Nagawa kong mamataan ang mga kaibigang kararating lang sa presinto pero hindi pa kasama ng mga ito si Eilythia.
Ngayon, hindi ko alam kung paano ko ihaharap ang sarili sa asawa. Hindi dapat ito nangyari. Kung hindi ko na sinama ang mga anak, kung pinaghigpitan ko na si Aleeyah sa paglabas. . . kung hindi natuloy ang victory ball. . . kung. . .
Lahat na ng mga what ifs naisip ko sa sitwasyong ito. Paano kung paano! Paano kung wala na lang ang lahat? Paano kung wala na lang ako?
Paulit-ulit ang buhay ko sa sistemang ganito. Pasasayahin nang kaonti at pagkatapos babawian nang sobra-sobrang sakit.
Nagliwanag lang ang mukha ko nang makita kong papalapit si Eilythia. Kakapasok pa lang nito sa presinto pero kitang-kita ko na ang pamamaga ng mga mata dahil sa sobrang pag-iyak. Nasa likod naman nito si Ashley at Sierra.
Doon ko lang nagawang makatayo. For that very moment, natakot ako. Hindi ko alam kung ano sa mga naiisip ang uunahin kong gagawin.
I want her to comfort me. Gusto kong katulad ng mga nagdaang problema, pagtulungan naming itong maresolba. Pairalin namin ang mga isip para makagawa ng plano at maibalik ang mga anak.
Malakas akong humahagulgol nang makatayo. Para akong iyong bata na pilit na naghahanap ng mga magulang dahil nawawala sa isang mall. Inantay kong makalapit siya, inantay ko ang yakap niya at ang mga salitang, ‘huwag na akong umiyak”, o hindi naman kaya’y ‘mahahanap din natin ang mga anak natin’ at ‘huwag akong matakot’ pero hindi iyon ang natanggap ko kundi isang napakalakas na sampal.
Halos mamingi ako roon at namanhid din ang pisngi ko pero hindi iyon ang bagay na naging dahilan ng panlulumo. Si Eilythia. . . alam kong para sakanya, ako ang may kasalanan ng lahat.
“Wala ka talagang kwenta, Kairus!” Iyon ang pinakaunang punyal na sumaksak sa puso ko sa mga panahong iyon. “Napakahirap bang bantayan ng mga anak mo? Ama ka ba talaga?” Pangalawa.
“You have all the means to protect them but you just failed? You are useless!” Pangatlo.
Huminto na ang sistema ko sa mga salitang iyon kaya hindi ko na halos maramdaman ang paulit-ulit na paghampas ni Eilythia sa akin ng hawak nitong bag.
Para sa akin, ang mga salitang iyon. . . ilang segundo lang itong lumabas sa bibig ng asawa ay habangbuhay ko naman iyong dadalhin. Nagmistula na iyong mantsa sa akin na kahit kailan, hinding-hindi na matatanggal pa.
“How low can you go? Hindi ka dapat maging tatay! You don’t deserve anything!” Pang-apat.
“Eilythia, calm down. . . hahanapin natin sila Alee, okay? Kailangan niyong tatagang dalawa,” pagsingit ni Sierra kaya bahagyang napahinto si Elle. Mabilis naman akong inalalayan ng mga kaibigan para maayos na makatayo.
Akala ko, kapag nakita ko ang asawa ay tuluyan akong magiging kalmado. Akala ko ay pagtutulungan naming ang bagay na ito. . . . pero ang lahat ng mga akala kong iyon ay parang bombang sumabog mismo sa tabi ko.
Ilang pagbuntong-hininga ang nakita ko sa asawa bago ito muling lumapit sa akin, dinuduro-duro ako na para bang ako ang taong pinakapinadidirihan nito. “Kapag may nangyaring masama sa mga anak ko, kalimutan mo na ang lahat, Kairus.” Panglima.
Iyon ang huling mga salitang sinabi ni Eilythia bago naglakad palabas sa lugar na iyon.
Nang-aalala man sa nararamdaman ko, nginitian ko na lang ang kapatid na si Ashley at sinenyasan na sundan na nito si Elle.
Pakalabas ng mga babae, napasinghap na lang sila Andrei, Isiaah at Baste sa biglaan kong pagbagsak sa sahig. Nag-unahan pa itong mabuhat at igiya ako sa pagtayo pero ako na rin ang humindi. Pansamantala kong naramdaman ang panliliit sa sarili.
Pakiramdam ko ay buong mundo na ang sumuko sa akin.
Akmang magsasalita pa ang ako nang malakas na tumunog ang cellphone kong nasa bulsa. It was a call from an unknown number pero walang kagana-gana ko iyong sinagot. “This is. . . .”
“Kairus Hernandez.”
Awtomatikong napayukom ako ng kamao. Mabilis iyong napansin ng mga kaibigan kaya nagsimulang maging alerto ang lahat. Sinensyasan ako ni Baste na i-loud speaker ang tawag para marinig iyon ng mga pulis na naroon.
“Who are you?”
“Jal jinesseoyo?” How are you?
Mariin kong ipinikit ang mga mata pagkatapos kong makita si Isiaah na kumuha ng sariling cellphone at nagsimulang magtipa. Hindi ko nagawang maintindihan ang sinabi ng kausap pero isa lang ang sigurado ko. Sa timbre pa lang ng boses nito ay kilala ko na kung sino ang kalaban.
“Wala sana akong tinatrabaho ngayon, Mr. Hernandez, kung ipinaubaya mo na lang ang sa iba ang deal na iyon. . .”
“You son of a bitch! Nasaan kayo? Nasaan ang mga anak ko?” Naging desperado na ang boses ko, pilit ko mang inaalala kung saan ko marahil narinig ang boses na iyon.
Napatitig ako nang madiin kay Andrei na prente ang tingin sa akin. He wants me to get a hold of myself. Gusto nitong kumalma ako at kausapin nang maayos ang lalaking nasa kabilang linya.
“Ano ang kailangan kong gawin?” gagad ko sa mas kalmadong boses.
‘”Go get them yourself. I’ll text you the address. No police or else, pasasabugin ko ang timebomb na nasa katawan ng mga anak mo. And if you are late, may freebie ako sa mga maliit na bubwit na to.” This motherfucker! Ngayon pa lang ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong patayin siya. “Ddo bwayo!” See you later!
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...