Kabanata XI
Malalim ang naging sunod-sunod na paghinga ni Eilythia kahit pa kaharap nito ang pagkain sa mga sumunod na mga araw.
Dalawang araw pa lang ang nakararaan simula nang bumalik ito sa South Korea pagkatapos ng isang linggong pananatili sa Pilipinas. Hindi niya talaga pinalagpas ang pagpunta na hindi nakakausap ang anak kaya inantay niya itong magkamalay.
But Eilyjah seems to be really quiet. Kahit pa ata magpagulong-gulong siya sa higaan ay hindi pa rin siya sasagutin ng anak.
Sa huli, pagkatapos ng ilang mga paalala at pangako rito, wala siyang ibang nagawa kundi ang bumalik sa Korea.
May laban pa siyang kailangang tapusin at hindi iyon basta-bastang matitigil dito.
“Ang lalim naman no’n,” biglaang sabi ni Franco nang makarating ito sa mesang inuukupa nila pagkatapos mag-order ng kape. “What is it about? Ano bang nangyari sa Pilipinas?”
Walang ganang kimuha nu Eilythia ang kape, sumimsim at ibinabang muli. “Pakiramdam ko pinarurusahan ako ng Diyos.”
“Wala ka namang ginawang masama, Elle–”
“Exactly!” Malakas niyang naibagsak ang kamay sa mesa dahilan para mapatingin ang iilang costumer ding naroon. “Wala nga akong ginawang masama. So, why?”
Hindi na nakasagot si Franco, siya naman ang bumuntong-hininga. Nagdaan man ang ilang mga taon, espesyal pa rin para rito si Eilythia. Everything she does seems so perfect for him. At ang pinakahinahangaan niya pa sa lahat iyong handang suungin ng babae ang lahat ng problema.
Hindi na rin naman siya masyadong nag-aalala dahil hindi na rin magtatagal ay malalaman na ng babae ang lahat.
“You need to calm down. Hindi tayo makakakilos nang maayos kung magkakaganyan ka.”
Problemadong-problemadong napailing si Eilythia. “Hindi maganda ang nafi-feel ko. Parang mali, parang may iba tayong hinahabol.”
Sumeryoso ang mukha ng lalaki, “Why?”
“Because he seems really fine with me. Siya iyong mga tipo ng lalaking katulad lang ng mga kaibigan ni Kairus. Mga outgoing–”
Mabilis na pinitol ni Franco ang sinasabi nito, tanda ng hindi pagsang-ayon ng lalaki. “Eilythia, he’s the prime suspect.”
He . . is. Hindi na rin nito alam ang pumapasok sa isip. Nitong mga nakaraang ayaw ay parang hindi na nito makontrol ang sarili.
Tama ang lalaki. Unang kailangan niyang gawin ay mas maging matatag at kalmado. Pero kahit sino pa siguro’y naiintindihan ang ginagawa niya.
Napakalaking problema iyon para kay Eilythia. Inagawan ng buhay ang bunsong anak—kahit kailan hinding-hindi niya na ito muling makikita at si Eilyjah naman ay nasa mabigat na trauma pa dahilan para wala itong maalala.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...