Kabanata XIII

231 10 1
                                    

Kabanata XIII

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kabanata XIII

    Eilythia’s point of view

    Palpak ang plano kong makakuha ng kahit na anong impormasyon kay Mr. Ji kagabi. Dahil sa biglaang pagsulpot ni Franco ay pakiramdam kong tuluyan akong nawalan ng pag-asa.

    Having him joke around about something forbidden will make me lose my shit. Ano iyong sinasabi niyang nagseselos ito?

    Ni hindi ko nagawang makatulog dahil doon. If that’s really true, paniguradong magsisimula ulit ako sa simula. Most importantly, without the help of the guy.

    Ilang taon na rin ang lumipas na hindi ko nagawang makasama si Franco kaya malaking kalokohan ang sinabi nito sa akin kagabi.

    Dahil hindi mapakali, madali kong kinuha ang cellphone para sana makausap si Sierra. Ang kaibigan ko na lang ang makakapagpaliwanag ng lahat lalo pa’t siya na lang ang nasa normal na pag-iisip.

    Patagal kasi nang patagal, pakiramdam ko’y nagagawa ko na lang kumilos, pero hindi ko na nararamdaman ang tamang wisyo.

    We really need to find that culprit as soon as possible bago pa ako tuluyang mabaliw.

    “Good morning, Elle.” bungad kaagad ni Sierra. “What’s up? Is everything all right?”

    Sandali kong kinuha ang natirang pagkain kagabi sa ref para initin. Ganito naman na palagi ang pang-araw-araw ko sa Korea. Actually, hindi naman ito ang inaasahan kong pagpunta. Akala ko, I will gladly have a vacation, kasama ang pamilya habang naglilibot sa mga tanyag na lugar. Pero maling-mali ako.

    We will never be complete again. Hindi na mangyayari pa.

    Ang pag-iisip tungkol sa hinahanap na hustisya na nga lang ang nagiging rason ko para magpatuloy.

    Malungkot. Sobrang lungkot.

    Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang nararamdaman dahil wala ni isang salita ang makakapantay sa kung gaano kasakit ang mawalan ng anak.
   
    Kapag raw namatayan ng asawa ang isang tao, ang  tawag doon “balo". Kapag naman namatayan ng mga magulang ang mga bata, they’ll call themselves an “orphan”. Pero kapag ang magulang ang nawalan ng anak? Walang salitang makakapagdescribe noon katulad na lang ng walang makakapagpaalis ng sakit.

    Paulit-ulit kong sinisisi ang Panginoon sa totoo lang. Alam ko mali, alam ko hindi naman talaga dapat. Alam ko rin na may rason ang lahat ng nangyayari pero hindi ko kayang matanggap.

    Dalawang beses na akong nawalan ng anak. Ang isa, hindi ko man lang nagawang nakasama. Ang isa, pitong taon lanlng ipinahiram sa akin.

    Hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin, iyon ang totoo.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon