Kabanata XXIX

339 15 4
                                    

Kabanata XXIX

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata XXIX

    Kairus Hernandez’

    Wala sa sarili kong inisa-isa ang dalang mga prutas para mailagay sa malaking na basket na nasa tabi ng kama. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi ko pa rin magawang maalis ang napag-usapan namin ni Ate Mira sa isip.

    Biktima lang din ang babae ng lahat. Kahit siya, hindi inasahang magiging ganito ang buhay ni Franco. Na hanggang ngayon ay si Elle pa rin pala ang nasa isip niya.

    Malaking sugat din ang nadulot noon sa babae. Noon pa man, Ate Mira's been so understanding with the guy. Simula noong nagpakasal sila hanggang ngayon.

    “I’m sorry, Kairus. . . wala talaga akong alam sa nangyari,” agad na sabi ni Ate Mira nang maging tahimik ang lugar. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga kamay nito pati na ang hindi mapakaling paa.

    “Hindi ko alam kung kailan, hindi ko alam kung anong plano ng asawa ko. . . h-hindi ko alam kung asawa ko ba talaga si Franco, Kairus.”

    Pinagmasdan ko lang ang babaeng binuhos ang luha niya dahil sa sakit na nararamdaman habang hinaharang ko naman ang nag-uupaw na pagkaawa sa loob ko.

    Of course, Ate Mira and her daughter would never do that to us. Alam ko namang biktima rin ang mga ito at malaking trauma rin ang pwedeng maidulot ng nangyari sa mga babae. Hindi birong makita nilang nasa kulungan si Franco, lalong-lalo na dahil pumatay ito.

    OLD, o Obsessive Love Disorder na mula sa Delusional Jealousy ang ugat nang lahat ng ginawa ni Franco. It is a condition where one became obsessed with one person na akala nila’y pareha ang nararamdaman sa kanila. Sa kaso ni Franco, malinaw na inakala ng lalaking nasusuklian ng asawa ko ang pagmamahal niya.

    Kaya naman madalas, Franco’s been in need to protect Eilythia obsessively, pero minsan, gusto niyang kontrolin ang babae na parang sakanya.

    Ayon kay Beau, ang mga taong may OLD na sinasabayan ng iba pang mental health issues katulad ng attachment issues—the delusional jealousy, may not take rejection easily. In some cases, the symptoms could worsen at the end of a relationship or if the other person rejects them katulad na lang nang nangyari noong tuluyan kaming maghiwa-hiwalay nila Ate Debi sa Switzerland kung saan naiwan si Franco.

    Maaaring kaya pang kontrolin ang lalaki noon, pero mas lumala iyon ngayon.

    Franco is our friend, pati na si Ate Mira. Ni minsan, hindi man lamang namin naisip na may mangyayari pang karumaldumal na mga krimen dahil lang sa nararamdaman ng isa.

    “Hindi ko alam kung paano ko kayo haharapin sa totoo lang, Kairus, lalong-lalo na ikaw. Trinato mo kaming parang pamilya. Ni minsan, hindi mo kami pinagkaitan ng kahit ano. You really cared for us at inaalangaan mo rin kami. . . kaya–” Paulit-ulit na pumipiyok ang babae sa sunod-sunod na paghikbi. “Wala akong ibang masasabi sa’yo kundi sorry.”

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon