Kabanata V

390 16 1
                                    

Kabanata V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata V

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, ipinagpatuloy na ni Eilythia at Kairus ang buhay ng magkahiwalay. Hindi man ito pormal na paghihiwalay sa batas, nilisan na ni Eilythia ang bahay at pansamantala na munang tumuloy probinsya bago ginawa ang plano nitong magpunta sa Korea.

Ilang beses na rin nitong kinausap ang anak na kailangan niya munang umalis, dinalihan pa nito ang tungkol sa trabaho pero katulad ng inahasan, wala itong narinig na iba tungkol sa anak lalo pa’t nagkaroon ito ng dissociative amnesia. Ni hindi man lang siya nito nagawang lingunin at ngitian.

Gaano man nito gustuhing manatili sa tabi ni Eilyjah, hindi siya kahit kalian mapapalagay. This is the least she can do for Aleeyah kaya naman hindi niya ito magagawang sukuan.

Also, she promised herself na pagkatapos maayos ang lahat, pagkatapos mabigyan ng hustisya ang biglaang pagkawala ng anak niya ay babalik siya sa pamilya. This may be a little longer than she’s expecting pero naniniwala siyang matatapos din ang lahat at tuluyan silang magiging masaya—katulad ng palaging sinasabi sakanya ng yumaong ina.

“Hindi talaga ako nag-expect na makikita kita rito,” tuloy-tuloy ang pagkukwento ni Franco katulad lang ng nakasanayan. “And, oh, your Korean accent is on fleek. Parang matagal ka na rito!”

Pasimple niyang tinitigan ang kaibigang hindi nakita sa matagal na panahon. She could still remember kung paano sila unang nagkita. The moment na sinubukan pa ni Fraco na mag-ingles sa pag-aakalang hindi ako galing sa Pilipinas, ang paglilibot sa kung saan-saang lugar sa Switzerland and also for keeping her company. Kung wala ang lalaki noon, wala itong kaibigang mapaglalabasan ng kung anong mga naiisip, hindi magiging madali para sakanya ang lahat.

This guy is really dedicated, hindi naging hadlang dito ang hindi pagtatapos sa pag-aaral para tuluyang magtagumpay sa buhay. Who would have known na tumatabo na rin sa takilya ang sarili nitong kompanya.

“Hindi naman, inaral ko rin talaga,” natatawang paliwanag ni Elle.

Hindi na rin naging masama sakanya ang unang araw sa lugar at lalong-lalo na, hindi magiging masama ang mga susunod. Alam nito eksakto kung kanino manghihingi ng tulong.

“I’m sorry, Elle.” Ikinabigla ng babae ang biglaang pagsasalita ng kaharap. “Nakatulong sana ako kung nasa Pilipinas ako,” dagdag pa nito.

Eilythia automatically hung her head low, nagpipigil ng mga luha. Napakasakit pa rin talaga. Sa tuwing masasagi lang sa utak niya kung paanong naghirap ang anak sa kamay ng mga masasamang taong iyon ay parang malalagutan na rin ito ng hininga.

Hanggang ngayon hindi pa rin nito matanggap na pitong taon lang nagawang ipahiram ng Panginoon si Aleeyah sa kanila.

Napakaiksing panahon iyon para sa bata. Hindi man lang nito magagawang maabot ang mga pangarap. Hindi man lang nito nagawang malibot ang mundo katulad ng palaging hinihiling sa mga magulang.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon