Kabanata XV

228 10 0
                                    

Kabanata XV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata XV

Malaki ang ngisi ko nang binungad ang panibagong umaga. This isn't just an ordinary day for me. Ngayon ko susunduin ang anak sa airport.

Kulang pa marahil ang preparasyon ko para sa anak. Matagal ko itong pinaghandaan.

Ang totoo, tinapos ko na ring gawin ang itinerary, sinugurado kong magugustuhan iyon ni Eilyjah.

Humigpit na lang ang pagkakakapit ko sa laylayan ng damit nang maaalala si Aleeyah. Paniguradong matutuwa iyon kapag nalamang magpupunta sa Korea. Siguradong she'll go crazy on having the thoughts of seeing her favorite Korean idols kahit pitong taong gulang pa lang ito.

I miss her. Sobrang miss na miss ko na si Aleeyah.

And I wanted so much for her.

Gusto kong magawa niyang laruin ang kung ano mang gustuhin hanggang sa magdalaga. Gusto kong makita at mapuntahan niya ang lahat ng gustuhin.

Gusto kong matupad niya ang mga pangarap habang nasa likod niya kami.

Gusto kong makita siyang maipaiyak sa mga graduation, ayusan sa debut, makipagdate sa crush. I want her to experience all that.

Madaya lang talaga ang buhay.

Naistorbo ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone at bumungad ang pangalan ni Sierra. Dali-dali ko iyong sinagot kahit pa nasa banyo.

"How are they? Anong oras sila makakarating dito? Kumusta si Ja? I can't wait-"

"Calm down, will you?" mataray na sabat ng kaibigan. "Eh, kung umuwi ka na lang kasi sa Pilipinas para hindi ka magkaganyan kapag makikita mo ang anak mo. Elle, si Eilyjah na lang ang mayroon ka. At least, give him all your time. Hindi natin masisiguro ang buhay, hindi natin masasabi kung anong mangyayari sa mga susunod na araw."

Sierra has a point. Malinaw at alam na alam ko iyon at mas lalo pa nga akong nahihirapan.

Akala ba nila everything's going smoothly here? Akala ba nila ang ginagawa ko lang sa araw-araw ay iyong mag-imbestiga?

More than anything, ang pinakaunang bagay na nagbibigay ng hirap at sakit sa akin ay iyong katotohanang gaano ko man kagustog makasama si Eilyjah, gaano ko man kagustong sulitin ang mga araw kasama ang pamilya ay kailangan kong tiisin ang lahat para maibigay naman ang hustisyang karapat-dapat para kay Aleeyah.

Nahihirapan din ako, pero kung magpapadala ako sa nararamdaman ay paniguradong masisira ang lahat ng plano.

"I'm sorry, Sie." Wala na akong ibang magagawa kundi ang humingi ng tawad. "This is the least I could do for my daughter. Hindi lang naman ako ina para kay Eilyjah, naririto pa rin sa akin si Aleeyah. Kaya sa ngayon, I. . . I can't."

Panandaliang natahimik si Sierra sa kabilang linya. Matapos ang ilang minuto ay saka lang ito nakapagsalita. "You know that I am rooting for you, right? Naiintindihan kita, Elle. Hindi na lang ako si Sierra, I am a mom now. Hindi ko lang din talaga mapigilang mag-alala sa'yo. I could dare to see you having your own life there, kung kumakain ka pa ba nang maayos, kung inaalagaan mo pa ang sarili mo."

Dinaan ko na lang sa mahinang halakhak ang lahat. Mas madali kasing sabihing ayos lang, mas madaling sabihing walang problema kaysa ipaliwanag kung saan nagmumula ang sakit. "Sie, ayos lang ako. Hindi na 'to bago. Life has been so cruel to me."

Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap ng dalawa. Kailangan niya na rin kasing magmadali dahil ayaw nitong mahuli sa pagsusundo sa anak at kay Ashley.

Hawak ang may kalakihang bag pati na ang malaking ngiti, pipihitin ko pa lang sana ang doorknob para tuluyang makalabas nang bumungad na sa akin ang dalawang lalaking halos ipag-untog ko na ang mga ulo noong nakaraan.

Lagi nang ganito ang mga ito. Akala mo iyong palaging nasa ring match. Hindi ko maintindihan ang mga takbo ng utak.

Lalong-lalo na si Franco. The past few days, hindi ko na maintindihan kung ano pa ba ang goal niya o kung gusto pa ba ako nitong tulungan.

"deiteuhaneungeoya?" Are you dating? kaagad kong sabi dahilan para mas itulak nila palayo ang isa't-isa.

How adorable. Para itong mga high school na akala mo palagi'y magsasapakan.

Hindi ko na muling pinansin ang dalawa dahil alam kong magpupumilit lang mga ito at mag-iingay

Over time, nasanay na rin naman kami. Dahil madalas ko silang kasama, organized na ang bawat paglabas pati na sa sasakyang gagamitin. We were funny like that.

Sa paglipas din ng mga araw, mas lalo ko lang nakukumpirma ang kutob na hindi nga si Mr. Ji ang may pakana ng lahat. And this day will be this last chance.

I will be sacrificing my own child here. This will be a test at paniguradong makukumpirma nito ang lahat.

Si Mr. Ji ba talaga ang may pakana ng lahat?

The reaction of Eilyjah will be the answer.

Hindi ko na sinabihan si Ashley patungkol dito, hindi ko man sigurado ang mangyayari, I'll make sure to handle my child properly.

"naneun oneul Eilyjahleul mannalgeoya," I am going to meet Eilyjah today, panimula ko sa mga ito. Nakita ko ang nag-aalangang ngiti ni Franco habang nakatingin kay Mr. Ji, kaagad din kasing kumunot ang noo nito.

"eilyjahneun nugu-ibnikka?" Who is Eilyjah?

Una. Hindi niya ba talaga naaalala ang pangalang iyon o nagmamaang-maangan lang ito.

"dangsin-eun bol su," You'll see, deretsahang sabi ko na lang.

Mabuti at hindi rin naging makulit ang dalawang lalaki. Halos ipagpasalamat ko pa nga ang pananahimik ng mga ito habang labis akong nae-excite sa pagkikita namin ng anak.

Maaga kami ng tatlumpong minuto sa oras ng pagdating ng eroplanong sinasakyan ni Ashley at Eilyjah pero pakiramdam ko'y hindi ako matagal nag-antay.

Unang segundo ko pa lang makita ang tindig ng anak ay raragasa na agad ang luha ko. Seeing him grew like this, I could really burst into tears.

How did you grew up so well, anak?

Kaagad na sumunod si Mr. Ji sa hakbang ko. Maigi kong pinagmamasdan ang ekspresyon niya sa mukha pati na ang mata pero purong ngiti lang ang nakikita ko roon.

He seems genuinely happy-at iyon ang sobra kong ipinagtataka.

Kung siya ang may pakana noong nangyari sa mga anak ko, paniguradong pamilyar siya sa mukha ni Eilyjah at ngayon pa lang ay dapat tumatakbo na itong palayo-or is he that confident?

Sandali kong kinawayan ang anak habang patuloy na naglalakad, prente ang tingin nito sa akin. Saka ko pa lang nakitang wala pa si Franco dahil sa pagsisintas ng sapatos na pagkatapos ay mabilis ding humabol.

Nang ilang hakbang na lang ang layo naming tatlo kay Ashley at kay Eilyjah ay dumating na ang puntong kinatatakot ko.

Tuluyan nang nagsisisigaw ang anak ko. At first, he was throwing tantrums, pero kinalaunan ay katakot-takot na panaghoy na ang lumalabas sa bibig nito kaya madalian akong tumakbo papalapit sakanya.

Natataranta ko pang sinigawan si Mr. Ji na huwag siyang lalapit sa anak ko bago kami makatawag sa ambulansya.

It has been confirmed. Nakuha ko ang gusto kong makumpirma pero si Eilyjah naman ang naapektuhan.

Mian hamnida, adeul. Patawarin mo si Mommy at pangako, matatapos din ang lahat ng ito.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon