Kabanata IV

431 14 0
                                    

Kabanata IVThe day of the incident

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata IV
The day of the incident

Kairus Hernandez’ point of view

“1809 Reel Avenue. . . .” Nagmistulang bulong na lang ang mga salitang iyon. Ang totoo, tuloy-tuloy na ang naging panghihina ko. Sa tinagal-tagal kasi ay parang ngayon ko pa lang nakumpirma sa sarili ang lahat.

Totoo nga iyon.

Totoo ngang kinuha ang mga anak ko nang hindi pa nakikilalang grupo.

Hindi naging sapat sa aking pruweba ang CCTV ng hotel. Hindi naging sapat ang sampal na iyon ni Eilythia para lang matauhan ako sa kung ano ang totoong nangyayari. This is really happening now.

“You hear that? Be ready, we will need more back-up!”

Nang marinig iyon ay naging tuloy-tuloy ang paghuhuramentado ng sistema ko. Hindi ko alam kung ano marahil ang unang gagawin.

“Kai? Please, get a hold of yourself. Mas maging malakas ka ngayon,” nanginginig na rin ang mga kamay na sabi ni Isiaah. Nakaalalay ang mga ito sa likod ko habang tuloy lang sa pagtitipa ng kung ano-ano sa kani-kanilang mga telepono.

“Hindi. . . hindi!” That shout was enough to silence all of them. “Hindi niya ba siya narinig? Hindi ako pwedeng magpapunta ng pulis sa lugar dahil mapapahamak ang mga anak ko!”

Naghalo-halo na talaga siguro ang lahat sa akin dahil hindi ko na alam kung ano sa mga ito ang una kong iisipin; ang pagkawala ng mga anak at ang panganib na pwedeng makuha ng mga ito, ang kalaban, ang mga pulis na ito at lalong-lalo na ang pagkamuhing nararamdaman ni Eilythia sa akin ngayon.

Ganoon-gano’n lang. . . lahat ng ginawa kong pinaghirapan sa mga naunang taon ay parang naglaho na lang nang basta-basta. Wala akong magawa para mapigilan man lang ang pagbagsak ng lahat.

“Sir, we need to do this. We need to take the risk. This will always be the better way—”

“But you are putting my children’s lives on the line! Anong klase kayong mga pulis?” Mahihigpit na ang pagkakahawak sa akin ni Andrei habang pilit naman akong inaawat ni Baste at Isiaah. “You know what. . . just, just let me do it.”

“Kairus naman!” Baste almost burst out in tears.  “Maliligtas natin sila Alee sa maayos at mas ligtas na paraan. Stop it with your nonsense act!”

Hindi.

Hindi ako kailanman mapapanatag. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko may nangyaring masama sa mga anak ko.

I won’t let them do this.

Mabilis ang kamay kong hinablot ang baril na nasa beywang mismo ng isang pulis na naroon, hinila ang kaibigang si Andrei at tinutukan ito ng baril. “I’m sorry, bud,” wala sa sariling sabi ko pa.

Andrei is the calmest person I know. Alam kong hindi ako nagkamali sa pagpili sa lalaki.

“Let me go, okay? Just let me go this once,” pananakot ko sa pulis habang mas idinudukdok ang baril sa sentido ng kaibigan.

“Andrei! Kairus! Stop it, please!” Mas lalong nabalot ng pagkaratanta ang presintong iyon nang sumigaw si Baste. This jerk. “Our Andrei will be in danger. Hindi mentally stable si Mr. Hernandez ngayon, so please, let them go!”

Hindi ko man magawang ngumisi dahil sa ganitong sitwasyon, naramdaman ko naman ang biglaang pagtaba ng puso dahil sa ginawa ng kaibigan. Not until now, nakita ko rin ang kahusayan ng kaibigan sa pag-arte.

Halos matulala ang iilang pulis sa ginawa ko kaya naman hindi nila nagawang makagalaw. Katulad ng gusto, tuluyan akong nakalabas sa presintong iyon kasama ang kaibigan. Kinuha ko ang susi ng sasakyan nito mula sa bulsa saka ito hinila papasok sa sarili nitong sasakyan.

“You jerk! You should’ve informed me first! Aatakihin ako sa ginawa mo,” Singhal nito sa akin nang makasakay roon.

Hindi ko na siya ginawang balingan. Marahas ang naging pagmamaneho ko. Overtake roon, overtake rito. Wala na akong pakialam kung sino pa ang makabangga.

Nakapokus ang atensyon ko sa pagsagip sa mga anak. Wala akong plano sa isip o hindi naman kaya pasiguro. This is very unlike me.

Bumuntong-hininga ako habang patuloy na pinapakalma ang sarili. “Bud, please, calm down,” minu-minutong paalala ng kaibigang nasa gilid.

BIglang pumasok sa isip ko ang mga salitang palaging sinasabi ng ama noon. Sa buhay raw, dapat maging handa tayo sa mga problema, challenges at struggles na pwede nating matanggap sa bawat araw na gumigising tayo. He told me that life is like a bed of roses. Hindi mo masasabi kung kalian ka nasa masasaktan dahil sa mga tinik ng bulaklak, kung kailan ka ligtas, maayos at mayapa.

My life. . . paano ko nga ba sasagutin ang mga sinabi niyang iyon?

Paano ko nga ba ako sasang-ayon kung sa napakamasalimuot na paraan ko nararanasan ang buhay?

Is it meant to be this way? Do I deserve everything? Deserve ko bang mawalan ng ama noon? Deserve ko bang mawala ang lahat ng mga mahahalagang tao sa akin?

“Why?” Mahigpit ang pagkakakapit ko sa manibela. Gusto kong magwala, gusto kong tuluyan na lang na ihulog ang sinasakyan sa bangin pero hindi.

This isn’t the life that I deserve. Alam kong marami pa akong oras kaya haharapin ko ang araw na iyon. . . kasama ang pamilya ko, kasama ang mga anak ko. I need to save them. I need my wife and children.

“Why do I need to suffer?” Sunod-sunod ang naging pagsigaw ko sa sasakyang iyon pero hindi man lang natitinag sa kinauupuan niya ang kaibigan. Andrei is just sitting there, watching me lost my shit.

Hindi ako nito hinahadlangan sa paglalabas ng sama ng loob at hindi ito umalis sa tabi ko kahit pa ako na ang maging pinakamalaking basura sa buong mundo.

Mabilis kong ipinadara ang sasakyang gamit nang makarating kami sa lugar na sinasabi ng lalaking may pakana ng lahat ng ito. I need to find him. I need to kill him.

Sabay sana kaming lalabas ni Andrei nang mariin ko itong pinigilan. “You need to stay here, Drei. Ikaw na muna ang bahala sa mga makukulit na pulis na iyon.”

“What? Kairus, no! sasamahan kita. We’ll get through this, together.” Pilit itong nagpupumiglas pero tuloy-tuloy lang ang anging pag-iling ko.

“Listen to me. . . “ seryoso kong sabi sa kaibigan. “Ten minutes. Sampung minuto, Drei. Pagkatapos ng oras na iyon na hindi ako nakalabas sa lugar na iyan, that’s the cue, humingi ka na ng tulong.”

Nag-aalangang mukha pa ang ipinakita sa akin ni Andrei pero nagawa kong makampante nang biglang sumeryoso iyon bago ito tuluyang tumango.

Sinunod ko ang isip. Dahan-dahan akong naglakad, inakyat ang pinakataas ng abandonadong building na iyon. Patagal nang patagal ay mas lalo akong natatakot, hindi para sa kapakanan kundi para sa mga kaligtasan ng mga anak.

Hawak ang isang maliit na baril sa kanang kamay, pilit kong tinakbo sa abot ng aking makakaya ang pianakamataas na parte ng building na iyon.

Pero bago ko pa man makita nang tuluyan ang mga anak, isang lalaki ang biglang bumundol sa akin dahilan para bahagya akong mapaatras.

Hulin na nang maramdaman ko ang nakakamatay sa sakit mula sa tagiliran ko. Huli na para makita ang umaagos na dugo, tuloy-tuloy na pumapatak sa sahig ng lugar na iyon.

“Daddy!”

Bago ako tuluyang bumagsak at mawalan ng malay, pagngisi ang huli kong nagawa nang marinig ang bose na iyon ni Eilyjah. They are safe. . . ligtas na ang mga ito ngayon.

“You don’t have to be scared anymore. . .” nanghihina kong gagad, umaasang maririnig ng mga ito kahit pa mula sa napakalayong distansya. “Daddy’s here. . .”

Sa maiksing segundo bago ko maipikit ang mga mata, nagbalik ako sa lahat ng masasayang alaalang mayroon ako. Mula sa makilala ko si Eilythia, maging kami, maikasal, magkaroon ng mga anak. I’ve seen them all. I am the happiest man. . . alive.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon