Kabanata XXI

253 12 3
                                    

    Kahit pa ilang minuto na ang lumipas, nakapako pa rin ako sa kinatatayuan habang pilit na inaanalisa kung ano ang maaaring sunod na gawin.

    Naroon pa sa sahig na pinagbagsakan si Franco na may bahid ng pagkagulat at galit ang mukha. Samantala, nanatili naman si Kairus sa tabi ko, binabato ako ng mga matatalim na titig.

    Ilang beses kong pinilit magpaliwanag pero pilit lang akong inilalayo ni Kairus sakanya. Patagal nang patagal ay para akong sinasakal ng takot.

    Hindi makapaniwalang umiling-iling ang asawa bago patakbong tinungo ang pinto. Akmang hahabulin ko ang lalaki nang higitin ni Franco ang kamay ko. “Be with me, Eilythia.”
   
    Buong lakas kong pinalis ang nakapandidiring kamay ng lalaki. Hindi ko na pinili ang magsalita, bagkus ay hinila ko ang lalaki papalabas ng pinto.

    Hindi ko hahayaang marinig ni Eilyjah ang kung ano man ang sasabihin.

    “Sana ay hindi na natin muling makita pa ang isa’t-isa,” puno ng pag-aalala kong sabi. Sa totoo lang, natatakot ako sa kung ano ang pwedeng magawa ng lalaki.
   
    Tila ba walang narinig si Franco. Ngayon ko lang napansin ang pagiging iba niya, na tuluyan nga talaga itong nagbago pagkalipas ang ilang taon.

    “No. . . I can’t let that happen.” Hindi ko siya pinakinggan, bagkus ay nagpabaling-baling ang ulo ko sa kung saan pupwedeng makita si Kairus. “Be with me, instead. Hindi ba purong kamalasan lang naman ang nakukuha mo sa lalaki ‘yon?”

    Napigtas ata ang katiting kong pasensya at ibinuhos ko na ang lahat-lahat sa pagsigaw. “Franco, tama na! I thought you were on my side. Akala ko tutulungan mo ako, you said that! Franco, eto na lang ang mayroon ako. If you are that concerned about me, hindi ba dapat iniisip mo ang mararamdaman ko—”

    “Pero mahal kita!” pagdadahilan pa niyang agad kong tinigil.

    “Hindi pagmamahal ang tawag dyan, Franco. Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong maging masaya kahit pa hindi sa’yo. Kung mahal mo ako, you’ll putme first, you can love me unconditionally. Kapag nagmamahal, hinding-hindi ka dapat maghihintay ng kapalit!”
 
  Bumalik ang nakapapasong mga hawak ng lalaki at ginawa ko namang lahat ang kaya para magpumiglas. Kailangan kong hanapin si Kairus, kailangan ko siyang maabutan.

    “SInasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo ako binibigyan ng chance,” katakot-takot na sabi ng lalaki. Wala na iyong kaibigan kong maamo ang mukha, iyong palabiro at malokong kaibigan. “Just this once, Elle. Bigyan mo amo ng chance. You’ll never regret it, hmm? Just this—”

    Maaga pa ang gabi pero dalawang kamao na ang humalik sa mukha ni Franco nang walang pagdadalawang-isip siyang sinuntok ng kadarating lang ngayong si Mr. Ji. Magulo ang buhok nito at may bahid na rin ng alak ang amoy ng hininga.

    “Mr. Ji—”

    Puro akong nginitian ng lalaki pagkatapos ay hinagis sa akin ang susi ng kotse nito, “I’ll handle this. Go find him.”

    Nakumbinsi ako sa salitang iyon kaya kahit medyo nag-aalangan ay sinunod ko ang sinabi ng lalaki.

    Nanghihina ang mga tuhod ko nang sinimulan kong hanapin si Kairus. Ni hindi ko nagawang makapagtsinelas man lang at talagang nakayapak akong tumatakbo, hinanap ang kotse ni Mr. Jo at nanginginig na nagmaneho.

    Kailangan kong mahanap ang lalaki. Kailangan niyang marinig ang paliwanag ko.

    Malaking blessing ko nang maituturing nang makitang hindi pa nakakalayo ang lalaki. Mula sa loob ng sasakyan, kita ko ang walang kagana-gana nitong paglalakad. Doon ko lang napagawang mapansin ang malaking pagbabago ng pisikal na anyo ng asawa.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon