Kabanata IX

261 11 0
                                    

Kabanata IX

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata IX

She got scared for nothing. Ilang beses pang napamura si Eilythia sa pagkakaalang mahuhuli siya ng lalaki. Nagsalita nga ito pero mabilis ding nakabalik sa pagkakatulog.

Mabilis na kinuha ni Eilythia ang pagkakataon para makaalis. Napakalinis talaga ng kwartong iyon at wala ni isang kahina-hinalang bagay siyang nakita. Hindi niya rin mahagilap ang cellphone ng lalaki.

Mabuti na lang at madali niyang nahanap si Franco pagkalabas na pagkalabas doon. Prente itong nag-aantay sa labas at tinatanaw ang iilang dumadaan.

That’s a progress, pangungumbinsi nito sa sarili. It’s a small one but it is still a progress.

Kailangan niya na muna sigurong tumigil at pag-isipan nang maayos ang susunod na mga plano.

“Iyon nga ang pinagtatataka ko,” tuloy-tuloy ang pagkukwento nito nang makasakay sa sasakyan ng kasama. “Napakalinis. Iyon ang mas pinaghihinalaan ko. Hindi kaya nakatunog na sila, Franco? Hindi kaya alam na nilang nagpunta ako mismo rito para hanapin sila?”

Bagsak din ang mga balikat ni Franco nang magsimulang magmaneho. Kung ganoon nga ang siste, bulilyaso na ang plano nila at kailangan nilang mag-isip ng panibago.

“Hindi ko rin alam, Elle. But one thing’s for sure. We should be one move ahead of them. Hindi pupwedeng sabay lang tayong kumikilos, hindi rin tayo pwedeng mahuli.”

Buntong-hininga na lang ang nasagot nito kay Franco. She seems exhausted. Hindi rin biro ang maghalughog sa isang napakalaki at napakalinis kwarto.

The car drive was brief. Deretso na itong nagpahatid sa H&H Hotel na naroon at tuluyang nagpaalam kay Franco.

Hindi na nito tuluyang uubusin ang sarili niya. In fact, pagkatapak na pagkatapak sa kwarto ay mabilis na nitong tinawagan si Sierra.

Ikinagulat niya ang paghangos nito bago takot ang boses na nagsalita, “Elle, tatawag na dapat ako sa’yo–”

“Bakit may nangyari ba?” Hindi pa man nakakasagot ang kaibigan ay tuluyan nang nanlambot ang tuhod nito. “S-Si Eilyjah, ayos lang ba siya? Where are you?”

“Eilythia, si Jah kasi, sinugod sa ospital. Hindi raw mapakalma sa bahay–”

Wala sa sariling naibaba ni Eilythia ang tawag. Hindi na nito malaman ang gagawin. Hindi niya na alam kung sa paanong paraan pa niya sisisihin ang sarili sa lahat.

Nang makuha ang address ng ospital kay Sierra, dali-dali itong nagtungo sa Incheon International Airport. Swerte na lang na maituturing na nakakuha pa ito ng seat sa susunod na flight patungong Manila.

Maliit lang na backpack ang bitbit nito, ni hindi pa maayos ang damit. Basta na lang niya hinablot ang iilang damit na una niyang makita. 

Sinubukan niya mang magmadali, halos pitong oras pa rin ang naging travel time niya bago makarating sa mismong labas ng ospita, kasama na roon ang pag-aantay sa airport pati na ang halos apat na oras na byahe mula Seoul hanggang Manila.

Ni hindi na rin nga nito nagawang makatulog man lang sa byahe dahil sa pag-aalala kaya ganoon na lang din ang nararamdaman nitong hilo mula sa paglalakad.

Ang pagbalik mula sa Korea ay nagmistula lang na pagbili ng makakain sa isang fast food chain para kay Eilythia. Parang iyong bumili lang siya ng pagkain sa kabilang kanto.

Ganito na talaga siguro ang pagiging nanay; handing ibigay ang kahit ano pa mang makakaya para sa mga anak.

Sa pitong taong kasama ni Eilythia ang pamilya, wala na itong hihilingin pa. It was like a dream come true for her. Masanay siyang ganoon palagi ang sistema kaya para biglaan ang pagkahulog nito sa malalim na bangin.

Nang marating ang kwartong sinabi ng nars na napagtanungan, wala na siyang sinayang na pagkakataon. Agad-agad siyang pumasok at bumungad si Sierra at Ashley rito. Kahit sila ay nagulat sa biglaan niyang pagpapakita pero hindi iyon ang pinansin ng babae.

Mabilis niyang tinungo si Eilyjah na nakasarado pa rin ang mga mata. She feels sorry for him at mas kinahihingi niya pa ng tawad iyong alam nito sa sariling hindi pa siya titigil sa pag-alis, na hindi niya pa kayang manatili sa tabi ng anak.

“Eilyjah, ‘nak. . . I’m sorry,” sambit nito bago magtuloy-tuloy sa paghagulgol. Ibang-iba ito sa lahat ng pakiramdam. Nagagawa niyang makagalaw, makapagsalita, makita ang kung sino mang gustuhing makita pero malinaw niyang nararamdaman ang pagkakulong.

Ginusto niya lang namang maging mabuting ina para sa mga anak niya, ginusto niyang gayahin ang ina sa kung paano siya nito inaalagaan noon. She tried—hard. Kaya hindi nito halos paniwalaan na pagkatapos ng lahat ng paghihirap na iyon ay ganito ang kababagsakan ng pinakamamahal niyang pamilya.

Hindi rin nagtagal, naramdaman na nito ang yakap ni Ashley, mariing hinahagod-hagod ang likod at pinapakalma ito. “Ate, he’ll be fine. Nakausap na namin ni Kuya ‘yung doktor at epekto raw iyon nang nangyari. He can't still get over with ut,” deretsahang sabi ni Ashley.

Walang naging sagot si Eilythia pero seryoso itong nakikinig habang hinahaplos-haplos naman ang ulo’t buhok ng anak, tahimik na humihingi ng tawad.

Pasensya ka na, Eilyjah, pero kailangan ‘tong gawin ni Mommy. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako wala sa tabi mo pero pangako, kapag naging maayos na ang lahat? Gagawin ko ang lahat para makabawi.

Pasensya ka na, ha? Hindi ko lang talaga kayang pabayaan na lang ang lahat. Hindi pwedeng hayaan ni mommy na mabaon na lang sa limot ang pagkawala ng kapatid mo. Malapit na si Mommy and when that happens, sigurado akong magiging masaya na rin si Aleeyah.

Mahal na mahal ka ni Mommy, Jaja.

“Ate, ‘wag ka na kayang umalis. Kailangan ka ni Eilyjah ngayon. . . nahihirapan din siya, Ate–”

Hindi na natuloy ni Ashley ang sinasabi nang biglang pumasok si Kairus sa pintuan. Katulad ni Eilythia, mukhang hindi na rin dinadalaw pa ng antok ang lalaki. Labis na rin itong nangayayat sa lahat ng mga iniisiip at pinoproblema.

“Eilythia. . .”

Alam ng Diyos kung gaano na nila ka-miss ang isa’t isa. Kung gaano kagustong hagkan ni Eilythia si Kairus, kung gaano kagusto ng lalaking na ibuhos ang laht ng luha sa balikat ng babae.

Gsto nang kalimutan ni Kairus ang napag-usapan ng babae. Bago ito umalis, pinilit ni Eilythia na ipaintindi sakanya ang plano nito. Totoo ngang magpupunta ito sa Korea, totoong ngang gagawin nito ang lahat para sa anak at nangako siyang hindi niya iyon hahadlangan pa.

“Kapag nagawa nating pagbayarin ang mga taong iyon sa ginawa nila sa anak ko, baka. . . baka Kairus, baka sakaling mapatawad pa kita.” Pilit na pinanghahawakan ni Kairus ang mga salitang iyon kaya minabuti nitong ihakbang paatras ang mga paa.

Mag-aantay siya. Mag-aantay siya sa asawa habang gumagawa rin ng paraan dito sa Pilipinas.

Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanap at pag-iimbestiga ng pulis sa nangyari. Nakakuha na rin sila ng iilan pang tauhan para magmanman sa Korea. Hindi man personal na makapunta si Kairus sa bansang iyon, sinisigurado niya pa rin ang pang-araw-araw na kaligtasan ni Eilythia.

Nabawasan na sila. Bilang haligi ng tahan ay hinding-hindi na ito papayag na mabawasan pa silang muli.

“Eilythia.” Lubos nitong ipinagpapasalamat ang pagpagitna ni Sierra sa sitwasyon. “Mag-usap tayo.”

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon