Kairus Hernandez’ point of view
(Nang matapos ang pag-alis niya mula sa pagsasagutan nila ni Eilythia)“Maligayang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport. . .”
Hinarap ko agad ang anak pagkababang-pagkababa sa eroplano. Katulad nang nakasanayan ay hindi pa rin nagsasalita ang bata at ginawa lang matulog sa byahe.
Hindi ko naman siya masisisi. Sa kalagitnaan kasi ng tulog ng bata ay mabilis ko siyang ginising para makaalis. I didn’t bother to fix his things. Kung ano ang suot ng bata ay iyon lang ang nadala niya.
“Anong gusto mong gawin, Ja? I am on my leave today. We’ll go anywhere you want–”
“Why did we left that woman?” tahasang sambit ng kasama dahilan para matigil ako sa paglalakad.
Hinugot ko ang hininga bago pa man pumasok sa isip ang mga nangyari. “She isn’t ‘that woman’. She’s your mom, Eilyjah.”
Sasagot pa lang sana ang lalaki nang mapigil nang pagsalubong ni Ashley. Sinabihan ko na itong hayaan na muna kaming dalawa ni Eilyjah ngayong araw pero eto siya't magsisimula na namang mambulabog.
“How’s my poging pamangkin?”
“Hindi ka ba busy?” pabalang na tanong ko. Sinamaan lang niya ako ng tingin bago tadtarin ng mga salita ang pamangkin.
In short, imbes na father and son’s day ay naalis na naman ako sa eksena.
But then, Eilyjah seems to be enjoying Ashley’s company. Hindi man siya bumubungisngis sa mga kakornihan ni Ashley ay nakikita ko pa rin ang pagkislap ng mga mata niya.
I will always feel sorry about my own son. Napakabata pa nito para maranasan ang mga ganoong bagay. It was indeed a traumatic experience dahil bukod sa takot niya noong kidnap-in ng mga suspek, bukod sa sakit ng mga latay ng kamay ng mga tarantadong iyon ay walang mas nakaka-trauma sa batang makita ang kapatid na mawalan ng buhay.
Hinding-hindi ko sila mapapatawad. At kung bibigyan man nga ako ng pagkakataon para makaharap ang mga may sala ay hindi ko maipapangakong hindi ko sila mapapatay.
Kating-kati na rin ang mga kamay kong gantihan ang mga gagong iyon. Ako ang mas galit, ako ang mas lugmok dahil ako dapat ang unang taong magliligtas sakanila, ang taong aasahan nila ng mga araw na iyon but I disappointed them.
Hindi ko man lamang naabutan ang boses ni Aleeyah. Hindi ko man lamang nakita itong ngumiti at tumahan.
Ni hindi ko na naabutan iyong warmth ng anak. Nang magkita kaming muli nang araw na iyon, kasing lamig na ng nyebe ang mga kamay niya.
“Kuys, you okay?” Siniko ako ni Ashley pagkatapos magsalita. Wala na ako sa lugar, tuloy-tuloy sa paglipad ang isip.
“I am.” Sandali kong hinarap si Eilyjah. “Nakapagdecide ka na ba?”
“Oo nga, Jaja. Where are we going? Gusto mo bang magpunta sa Amusement park? Pool? Do you wanna go swimming?” sunod-sunod na tanong ng babae. Kaagad din itong bumaling sa akin dahil sa pag-usyoso. “Bakit pala maaga kayong nakabalik? I thought you’ll stay there for a day? Nakapagdate ba kayo ni Ate? Was she happy? Okay na ba kayong dalawa–”
“I want to go home, AA.” AA for Aunt Ash. Wala roong nagawa si Ashley kundi magkibit-balikat, pagkatapos ay hinila na ang bata papasok sa sasakyan.
Palagi namang ganito. Bilang ang mga salitang binibigkas ng anak sa isang araw. Maswerte na nga kami kung nagagawa naming marinig ang boses ng bata. May mga araw kasing nagkukulong lang ito sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...