Epilogue

741 14 1
                                    

Epilogue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Epilogue

Third person’s point of view

    Forgiveness benefits two people—the giver and receiver. Hindi man madali, alam ni Kairus at Eilythia na darating at darating ang panahon na kailangan nilang ibukas ang mga puso para magpatawad. In fact, the bravest and the smartest thing that someone can do in a bad situation is to forgive and move on. Madaling sabihin pero tiyak na mahirap gawin. Pero we shouldn't allow grudges and grievances to add to the weight that we carry on the road of our own success.

    Ang magpatawad na ata ang pinakamahirap na gawin para sa mag-asawa but seeing how things worked out, alam nilang kailangan na nilang palayain ang kanilang mga sarili sa sakit.

    Inabot din sila ng sampung taon para tuluyang matanggap na wala ng Aleeyah na babalik at aantayin and it was the painful truth.

    Pero sa lahat ng taon ay labis nilang minamahal si Eilyjah. Jaja has always been their treasure.

Isa

“Jaja, you should help your Mom with those,” sandaling utos ni Kairus habang nililinis ang mausoleum na parati nilang binibisita sa nakalipas na sampung taon na siyang kinalalagakan nila Aleeyah at Alia. Gawain na nila ito lalong-lalo na tuwing weekends.
    Dito na sila magpapalipas ng maghapon at nagmistula na rin itong camping ground ng pamilya.
    Mabilis na sinunod ni Eilyjah ang sinabing iyon ng ama. Siya na halos ang nagbuhat ng lahat ng gamit at nagtuloy-tuloy sa pagpasok kasama ang ina.
    Sa sampung taon, napakarami nang ipagbago ng mga ito. Nagpatuloy si Eilythia sa pagpa-facilitate ng H&H Foundation at labis na nakilala sa buong mundo. Dahil doon, mas dumarami lang ang nagiging pondo noon na ginagamit nila para mas makatulong sa mahihirap. She became the best wife and mom in the world na magagawang mapatunayan ng mag-ama. Nahihirapan man paminsan-minsan dahil sa trabaho pati na ang pagka-miss sa mga babaeng anak ay sinusubukan nito ang lahat para maalagaan nang maayos ang mga ito katulad ng pinangako sa Panginoon.
    Napakarami na rin niyang na-accomplish. Paunti-onti ay bumubuo naman ito ng isa pang foundation kung saan mga guro naman ang nais nitong tulungan.
    She believes that teachers have the most complicated job. Simula pa lang sa pagtuturo hanggang sa pag-iintindi sa buong kapakanan ng mga batang estudyante. In that way, pinagpalagay niyang may magagawa rin siya sa mga taong humuhubog sa mga bata, sa sarili pati na sa future nito.
    Habang si Kairus Hernandez ay mas lalo lang namayagpag sa business industry. Nakagawa na rin siya ng iba-ibang pangalan na labis pa ring sinusuportahan ng lahat. Hindi lang siya nabiyayaan nang magandang pisikal na kaanyuan kundi pati na rin talino.
    Pagkadating sa negosyo, kahit kailan ay hindi ito pumalya kaya naman malaking pressure iyon kay Eilyjah na susunod na hahawak sa H&H Hotels. Hindi naman sa ayaw nito ang trabaho, pakiramdam niya ay hindi lang ito handa para sa bagay na iyon.
    Maraming naging pagbabago sa mag-asawa pero malaki rin ang nabago kay Eilyjah sa loob ng sampung taon.
    Ang totoo ay hindi nito maintindihan ang sarili. Hindi pa rin bumabalik ang mga alaala nito pero malinaw na may hindi tama sa katawan niya.
    Ayaw niyang pag-alalahanin ang mga magulang kaya naman mas pinili nito ang itago ang bagay na iyon.
    Hindi niya man lubos na naaalala ang lahat ng mga sakripisyo ng mga magulang ay sapat na ang huling sampung taon para mapatunayan nito kung gaano ito kabuti sakanya.
    At eighteen, huling taon na nito sa hayskul at inaasahang makapagtapos with flying colors. Huminto man sa pag-aaral noon ay hindi maipagkakailangang hindi rin basta-basta ang talinong mayroon si Eilyjah.
    There, we could say that he’s more ready to control H&H, katulad sa magaling na pagpapatakbo ng kaniyang ama pero nanatili ang takot sa binata.
    He can’t make it.
    Alam niyang hinding-hindi niya magagawa lalo na ngayong hindi nito maintindihan ang nangyayari sa sarili. It was bearable pero hindi niya masasabi kung lumalala lang ang takot niya o lumalala ang ka-weird-uhang nararamdaman.
    Napakamakakalimutin nito. Noon, nagagawa niya pang kontrolin ang sarili. He was fifteen when he started having a planner. Nakalista roon ang lahat ng kailangan niyang gawin sa loob ng isang buwan at kung hindi niya iyon gagawin ay paniguradong hindi nito magagawang makakilos.
    It was under his control not until he turned eighteen. Hindi niya na halos maalala ang mga ginagawa. And worst, mayroon itong masamang nagagawa. Most of the time, pilit niyang pinagdududahan ang sarili.
    Hindi nito magawang makilala ang sarili, iyon ang tamang salita para roon.
    Days after days, inisip nitong baka lumalala ang amnesia niya na sampung taon na rin ang tinatagal kaya hinayaan lang niya ito.
    Pero nang maging madalas ang mga ito ay tuluyan na siyang nabagabag.
    Ang totoo nyan, may personal doktor na nga siya sa Amerika, the one who knows about this condition kaya naman alam niya kung may mga pagbabago sa katawan nito. It actually started when he turned ten. Isang taon matapos ang insidente. Noong mga panahong iyon ay walang ibang magawa ang mga doktor kundi ang obserbahan ang kondisyon nang bata pero nang magpakita si Eilyjah nang mga pamilyar na sintomas ng isang sakit ay hindi na nagdalawang-isip ang doktor niyang isalang ito sa mga test.
    He was eighteen that time at nasa tamang edad na kaya naman pinakiusapan nito ang doktor sa Amerika pati na ang doktor na hahawak sakanya sa Pilipinas na hindi pupwedeng malaman ng mga magulang niya ito. . . hangga’t kakayanin pa ng lalaki.
    Ang tanging nakakaalam lang nito ay ang doktor pati na ang kaibigang si Harriett.
    Harriett is a good kid. Ayaw man nito magsinungaling sa mag-asawang itinuturing na nitong pangalawang magulang ay alam niyang wala siyang magagawa. Mas matimbang pa rin ang pagkakaibigan nila ni Eilyjah at alam niyang ginagawa nito ang lahat para maayos ang sarili.
    Wala bang ibang maisip na paraan, patuloy lang itong naniniwala sa binata.
    “Jaja, are you okay?” pagtatanong ni Eilythia sa anak. Sandali pa nitong dinampian ang noo nito para makumpirma ang dahilan ng pananahimik ng kasama.
    Hindi niya maiwasang matuwa tuwing nakikita nito ang anak. Eilyjah grew up so well. Mula sa tindig, sa itsura, talino at lalong-lalo na sa ugali. Nakuha nito ang ugali ni Kairus na sobrang matulungin sa kapwa at mabait. Dumagdag pa ang charisma nito kaya naman maraming tao ang nakakasalamuha ng bata.
    Ilang beses na rin siyang nilapitan ng iilang tanyag na mga tao para yayain sa pag-aartista na hindi naman pinansin ng anak. Manang-mana ito sa ama lalong-lalo na sa pagiging snob.
    Tuwing pinagmamasdan ito ng mag-asawa ay hindi nila mapigilang batiin ang bawat isa. Pakiramdam ng mga ito ay nagtagumpay sila sa papalaki sa bata. Na nagbunga ang lahat ng mga sakripisyo at paghihirap.
    “I am okay, Mom,” simpleng sambit ni Eilyjah. Hindi nito maintindihan ang pangyayari lalo pa’t bumalik ang pagsakit ng ulo niya’t pagkahilo.
    Malambing na nilapitan ni Eilythia ang anak, pagkatapos ay niyakap-yakap dahilan para mas matawa si Kairus mula sa kinauupuan.
    “You have to let him go. May lakad sila ng mga kaibigan niya, Elle.”
    Imbes na bumitaw ay mas lalong sumimangot ang babae, mas niyakap pa nang mahigpit ang anak. “Can’t you guys do it tomorrow? It’s Aleeyah and Alia’s day today.”
    Bahagyang napayuko si Eilyjah. “I’m sorry, Mom.”
    Ang totoo, ayaw naman talagang umalis ng lalaki. It is the time of the year. Kailangan niyang mas alalahanin at mahalin ang yunaong kapatid. Hindi lang ito espesyal para sa mga magulang pero para rin sakanya.
    His little sister was his everything, too. Hanggang ngayon, paulit-ulit niya pa ring sinisisi ang sarili kung bakit ito nawala, kung bakit sa huli’t hulihang segundo ay hindi nito nagawang matulungan ang kapatid.
    “Let him go, Eilythia. Hindi rin naman pwedeng ma-postpone ang birthday ng kaibigan niya.”
    Tuluyan nang napapikit si Eilyjah. Totoong birthday ng kaibigan niya pero hindi siya magpupunta roon. Nakakabahala kasi ang dinaramdam kaya ngayon nito napagdesisyunang bumisita na sa doktor. He didn’t mean to lie, though. Basta ba alam niya sa sariling hindi nito gugustuhing pag-alalahanin pa ang mga magulang. Sigurado naman itong he can handle everything.
    “No beers!”
    “I’ll wait for you here, Jaja!”

* * * * *

    Nanginginig si Eilyjah nang tahakin ang papasok na daanan ng isang clinic. Ilang beses niya nang napakiusapan ang doktor na kahit anong mangyari ay ‘wag na ‘wag magsasabi nang kahit na ano sa mga magulang. Mukhang naintindihan iyon nang doktor pero hindi pa rin siya napakali hangga’t hindi nito napipirmaham ang kontrata.
    He’s not a minor afterall.
    Kinakabahan man ay wala na siyang ibang dapat pang gawin kundi tanggapin ang lahat ng magiging resulta matapos makapagsagawa ng iilang tests noong mga nakaraang araw.
    “Doc? What. . . is wrong with me?” sabi nito agad, hindi na hahayaang magpaligoy-ligoy pa ang doktor.
    Blanko ang mukha nang doktor nang muli niyang sulyapan ang mangilan-ngilan ding envelope kaya mas lalong hindi napakali si Eilyjah.
    His heart’s pounding like crazy.
    “Eilyjah, after numbers of test, here’s my diagnosis.”
    Nag-ayos ng upo ang doktor kaya naman wala sa sarili siyang napagaya. “Aside from your dissociative amnesia last ten years ago, you also have other symptoms na ngayon-ngayon mo lang din nagsimulang maramdaman. Headache, amnesia, time loss, trances, and this “out of body experiences”. Also, you aren’t aware and you just find yourself doing things that you wouldn't normally do. Am I right?”
    Madramang napapikit ang binata sa sobrang pagkainip. Ramdam lang nito ang mas lumalalang pagsakit ng ulo. “Please, I want your diagnosis–”
    “It’s Dissociative Identity Disorder, Eilyjah,” mabilis na gagad ng doktor. Kaagad na natahimik ang lalaki. Malakas man ang pagkalabog ng dibdib ay tahimik nitong inantay ang susunod na sasabihin ng kaharap. “You see, ang Dissociative Identity Disorder or the D.I.D ay isang psychological condition na sanhi ng maraming mga kadahilanan, kabilang ang matinding trauma sa panahon ng iyong pagkabata, which is totally violent, katulad ng paulit-ulit na pang-aabuso sa pisikal, sekswal, o pang-emosyonal.
    “Dissociative identity disorder is characterized by the presence of two or more distinct or split identities or personality states that continually have power over the person's behavior kaya naman you tend to experience those “out of body experiences” na maaaring hindi mo maalala, classified as a mere forgetfulness. Although not everyone experiences DID the same way, for some the l different identities have their own age, sex, or race, that needs to be observed dahil hindi pa natin napapag-aralan ang sitwasyon mo.”
    Bahagyang natigilan si Eilyjah. Hindi niya pa magawang maintindihan ang lahat sa ngayon pero isa lang ang nasisigurado niya. . . hindi iyon magiging madali. Lalong-lalo na’t wala itong balak na ipaalam sa mga magulang ang totoo. Sa mga sumunod na segundo ay tuluyan na nitong hindi madinig-dinig ang doktor dahil sa takot na nararamdaman.
    “These identities may have their own postures, gestures, and distinct way of talking. Sometimes the alters are imaginary people; sometimes they are animals. As each personality reveals itself and controls the individuals' behavior and thoughts, it's called "switching." Switching can take seconds to minutes to days. There are currently no formal, evidence-based guidelines to treat DID. Wala pa itong gamot but a long-term treatment can be helpful, as long as you’ll get every support you need and stay committed.”
    Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang mabagal na paggalaw ng isip. Hindi niya maipasok sa sarili ang mga narinig. “D-Dissociative. . . Identity. . . D-Disorder, Doc?”
    Bagsak ang ekspresyong tumango-tango ang doktor bago kumpirmahin ang totoo, “Yes, Eilyjah. It is commonly known as the Multipersonality Disorder.”

___________****____________

END
THE BROKEN CEO: Book 2 of CEO Trilogy
TO GOD BE THE GLORY

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon