Kabanata XXXIII
Kahit saang lugar sa Pilipinas ka magpunta, they will say that family is really our everything. Kahit na napakarami kong naranasang masakit, masama at mahirap sa mga nakaraang taon, buwan at araw hinding-hindi ko maipagkakailang sumasang-ayon ako sa bagay na iyan.
Pagbali-baliktarin man ang mundo, my family is my everything. Kung wala akong pamilya na nakaalalay, at nakasuporta, panigurado ay wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.
Kung wala si mama at papa, kahit pa maaga silang kinuha sa akin, hinding-hindi ko maipagpapalit kahit na kanino ang ginawa ng mga ito, just to raised me. Hindi lang nila ako binuhay, pinakain at binihisan, they’ve molded me to become the best I can. . . hindi lang para sa aking sarili kundi pati sa sariling pamilya.
Nawalan ako ng mga magulang at akala ko wala ng mas sasakit doon. Without them, para rin akong nawalan ng pakpak at talagang nahirapan ako sa pag-ahon sa sarili.
Back then, I have nothing. Kailangan kong pangitiin mag-isa ang sarili. Kailangang gisingin sa umaga, kailangang magsipag sa pag-aaral at napakarami pang iba.
Hindi ko nga inasahan na darating din ang araw na matatawag din akong ina. Napakasarap sa pakiramdam ng bagay na iyon. I have a family that I can really called home, a family that I can love unconditionally.
Maihahalintulad ko ang buhay namin ni Kairus sa nakapikit na pagsakay sa isang rollercoaster. Nakakatakot. Nakakaduwag mang aminin pero totoong natakot kaming humarap sa mga susunod pang ibabato ng buhay ngunit hindi naging sapat na dahilan iyon para tumigil.
Ilang beses man kami noong basta na lang ihagis pataas, hugutin ang hininga pababa, we remained at our own pace. . . pilit na kinakaya para sa isa’t isa at sa mga anak.
Napagdaanan na siguro namin ang lahat ng hirap na pupwedeng maisip ninuman. I was really sure back then that we are happy, malaya kaming humalakhak at sumigaw pero sa isang iglap ay isang panandaliang kasiyahan lang pala ang lahat.
After all those warmth, haharapin lang din pala namin ang malamig na bangungot.
There are some things I’ve learned about life; we should never allow the voice of our fears to be louder than the other voices in our head. Hindi dapat sa takot mahihinto ang lahat. Hindi dapat natin katakutan ang mga bagay na makapagbibigay sa akin ng sagot at ng kalayaan.
Nang mawala si Aleeyah, aaminin kong binalot ako ng takot. I was really scared to face the new world. Ang mga anak ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko’t alam ko sa sarili na hindi ko magagawang mabuhay kapag nawala ang isa sa kanila. And I was afraid that it will turned out that way. Takot ako na baka hindi ko piliing mabuhay.
Kaya hindi ako nanatili sa isang lugar, sa bahay at nagtuloy agad papunta sa Korea para gumawa ng aksyon. I was really, really scared back then pero naduwag akong ipakita sa lahat kung gaano ako katakot.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...