Kabanata I

1.3K 24 2
                                    

Kabanata I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata I

Hindi ang pagkamatay ng bunsong anak ang tatapos sa buhay ni Eilythia. Hinid niya hahayaang mabaon sa limot ang lahat ng hirap na napagdaanan ng anak dahil lang sa kakulangan ng ebidensiya ng mga kapulisan. Ang hindi lang niya maintindihan ay iyong sa dinami-raming taong pwedeng madamay, anak pa niya ang napagtuunan nila ng pansin.

Aleeyah is a seven-year-old kid. Bumubuo pa lang ito ng pangarap at mas kinikilala ang mga gusto at ang sarili. How can they do that to a child na ni hindi pa nga alam at walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari?

After a week, Eilyjah had successfully woke up. Ilang buwan ding nanatili ang bata sa ospital para makapagpagaling. But then, alam ng mga ito that Eilyjah will never be the same jolly boy they knew. Nakagawa mang maka-survive, hindi magawang maatim ni Eilythia na pagmasdan ang anak. Buhay nga ito pero para namang tuloy-tuloy na pinagsasasaksak ng kung sino ang puso niya tuwing nakikita niya ang anak.

Eilyjah developed a dissociative amnesia dahil sa insidente. He has inability to recall important memories  caused by his trauma. Paggising ay wala na itong iba pang naaalala tungkol sa nangyari kaya’t hindi lalam ng mga ito kung dapat bang ipagpasalamat ang bagay na iyon. Their child has suffred a lot as well at sa insidenteng iyon ay para na rin silang nawalan ng dalawang anak.

“Jeogiyo.” Excuse me. Walang pagdadalawang isip na nilapitan ni Eilythia ang unang babaeng nakita nang makapasok sa Incheon International Airport. Sa bukana pa lang ay halos malula na siya sa takot pero mas tinatagan niya ang loob niya. “Hwajangsili eodieyo?” Where’s the comfort room?

Her own mission for herself and for her children is to become undercover. Siya na mismo ang nagdesisyong magpunta rito matapos makakuha ng sapat na impormasyon kay Sierra. Sa loob ng bag na dala ay naroon ang mga report ng nasabing insidente, ang kakulangan ng ebidensya at ang mga bagong balita at mga nadidiskubre ng kapulisan.

She can’t wait that long. Hindi siya manonoood lang at tutungagnga habang iniiyak ang pagkawala ni Aleeyah at ang simula ng paghihirap naman para kay Eilyjah.

Noon pa man, ikinintal na niya sa isip na gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang mga anak. Pero hindi, at the end of the day, she can’t protect them.

Nagawa niyang matulungan ang mga taong dumalo sa event ng foundation ng araw na iyon pero hindi niya nagawang matulungan at maprotektahan ang mga anak.

Kanino niya dapat isisi ang nangyari? Sa sarili niya. She wouldn’t blame anyone. Wala itong ibang kinagagalitan kundi ang mga taong involve sa pananakit at pagpatay sa mga anak niya.

Mabilis siyang hinarap ng babae at saka binati, “Jeogi,” Over there, sagot nito bago ituro ang daan papasok sa isang pasilyo sa lobby ng airport na iyon.

“Dowajusyeosseo gamsahabnida.” Thank you for your help.

Dali-dali niyang tinungo ang banyo saka bahagyang inayos ang sarili. Ang ngayon nang makinis na mukha ang bumungad kay Eilythia.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon