Kabanata XXX
“Anong ginagawa mo rito?”
Nanatili lang akong nakatingin sa lalaki dahil wala naman akong ibang maaaring isagot sa tanong na iyon.
Hindi ko rin alam kung bakit.
Ang totoo niyan, sobra pa rin akong nagagalit. Walang awa niyang sinaktan ang mga anak ko, hindi kinaya ni Aleeyah at habangbuhay namang magsa-suffer si Eilyjah sa mga trauma. Dapat nga pinapatay ko na ang lalaki ngayon, habang walang mga nakatingin o hindi naman kaya sinaksak ko na lang bigla ang mata, inilusot ang kutsilyo sa maliliit na butas ng salaming naghihiwalay sa aming dalawa.
O baka dapat hindi na ako pumunta.
“Ikaw ang dapat na tinatanong ko n’yan, Franco. How did you end up there?”
Tuluyang natahimik ang lalaki at yumuko. Hindi ko mabasa ang isip niya pero sapat na ang pananahimik para mabigyan ng lugar ang mga sasabihin ko.
“Nu’ng nakita kita, it was the first time I guess, walang ibang naaalala si Eilythia. Inisip ko na kaya ka nagpanggap bilang asawa niya, para mabawasan ang pangungulila ni Elle. I really thought you were helping her that time kaya tinanaw ko ‘yung utang na loob sa’yo. Masakit para saking tanggapin na habang wala ako sa tabi ni Elle ay may lalaking ginagawa ang lahat para sakanya pero pinalagpas ko ‘yun, Franco. . . kasi, kasi matatanda na tayo. Wala na tayo sa parte ng buhay na nag-aagawan at nagiging desperadang mapansin ng isang tao.
“Noong minsang narinig ko ang pag-uusap niyo ni Eilythia, you were forcing her na hindi bumalik sa Pilipinas, you were telling all words of love and desperation. . . Franco, pinalagpas ko ‘yun. Sabi ko sa sarili ko, ‘ah, baka the man just grew on her’. Mabait kasi ‘yun si Elle kaya inisip ko, isa ka na naman sa mga itinuturing niyang kapatid o pamilya. Wala akong inisip na iba patungkol sa’yo, Franco. Trinato kita kapantay ng pagtrato sa’yo ni Eilythia. Trinato ko ang pamilya mo biglang pamilya ko rin kaya bakit?”
Nakayuko lang ang lalaki pero nakikita ko ang paggalaw ng mga balikat nito, dahilan para makumpirma kong tuluyan itong lumuluha.
“Anong ginagawa mo rito, Franco? How did you end up here? How did you end up ruining someone's family just to get what you want?” Hindi ko na rin tuloy maiwasan ang pagiging emosyonal.
Pakiramdam ko, everything’s going into their proper places pero iyong inaantay kong bumalik ay wala. Nagkaroon na ng malay si Eilythia at gagawin ko naman ang lahat para makabawi sa babae pati na rin kay Eilyjah. I will be a good man to all my friends, too pero alam kong may kulang.
Kahit gaano ko pa kumbinsihin ang sarili ko na, maibabalik pa namin ang lahat-lahat. . . Aleeyah won’t be here with us anymore.
Na pagkatapos ng lahat ng ito, walang Aleeyah ang yayakap at sasalubong sa akin. Walang magkukwento patungkol sa mga crush niya sa school na siyang pag-iinitan naman namin ng Kuya Eilyjah niya. Walang manlalambing kapag gutom. Walang magmimistulang alarm clock na gigisingin ako nang walang humpay tuwing late na sa trabaho.
“Bakit si Aleeyah, ha? Pitong taon pa lang ‘yung bata, Franco. . . at para patayin siya nu’ng paborito niyang kalaro, paborito niyang uncle? It was just too much for her kaya bakit siya? Alam kong you could actually die para lang makuha si Elle katulad ng gusto mo pero bakit ‘yung anak ko. . . bakit ‘yung anak ko, Franco?
“Pwede naman ako, ‘di ba? That you just hated me, you want to kill and ruin me. Kaoag wala ako, you can have your full access to Elle. Malaya kang gawin ang lahat ng pagpipilit, lahat lahat! Kaya bakit hindi na lang ako, ha! Bakit hindi na lang ako, Franco? Bakit kailangang anak ko pa?!”
Sabay kaming napatingin nang biglang pumasok ang isang jail officer para kuhain si Franco’t ibalik sa selda.
Walang imik na tumayo si Franco kaya naman agad din akong napatayo. “Don’t you dare die,” pahabol ko rito.
“Habangbuhay ka r’yan kaya siguraduhin mong nanamnamin mo ang bawat segundong mag-isa ka, Franco. Don’t you dare kill yourself. . . buong buhay mong pagsisihan ang lahat ng ginawa mo.”
Nang makaalis ay pinili ko munang dumeretso sa Sweet Heavens para makakalma. Labis pa ang nararamdaman kong pagkainis at ayaw ko namang makita pa iyon ni Eilythia.
Maayos na ang kalagayan nito at inoobserbahan na lang habang inaantay ang araw ng paglabas. Pero kahit gaano pa nito sabihing okay na siya ay walam kong hindi ako mapapalagay.
I also don’t want to burden her kaya hangga’t maaari, ayokong pag-isipin pa ang babae. I don’t want her to see me upset.
Mukhang effective lang naman, mabilis na rin ako ngayong kumalma. Ilang minuto lang na pag-iisip ay gumagaan na rin ang pakiramdam ko.
Nang maging maayos ang pakiramdam ay pangisi-ngisi ko nang tinahak ang daan papunta sa CK Shop, kung saan madalas bumili ng cake si Eilythia noon.
Plinano kong dalhin ito ng kahit anong matamis dahil nagkaroon na rin naman kami ng go-signal muna sa doktor.
Pasakay na sana ako sa sasakyan matapos makabili nang bumungkaras ang cellphone ko sa pagtunog. Nakita ko agad ang pangalan ni Sierra sa screen.
“Are you going somewhere? Pabalik na ako d’yan, please wait for me, Sierra. I don’t want Eilythia to be–”
“Kairus!” Kaagad akong kinabahan sa hindi maipaliwanag na paghangos ni Sierra sa kabilang linya. “Si Elle. . .”
Aligaga akong napasakay sa kotse at kaagad kong ini-start iyon. “Why? What happened?”
“Can. . . you please. . .” Sandaling natahimik ang paligid pagkatapos ay boses na ni Ashley ang narinig ko. “Come on, Kuya. You need to go here immediately. I don’t think Ate is in a good condition.”
Hininto ko na ang tawag at tuluyang nagmadali. Para atang nilipad ko na dahil sa sampung minuto lang ay narating ko ang ospital na dapat ay dalawampu’t limang minuto.
Walang makakapaglarawan kung gaano ako katakot. Naniwala akong nagiging maayos na ang lahat para sa aming pamilya kaya paano ako ngayon? Paano kung may mangyaring masama kay Eilythia?
Gulong-gulo ang buhok ko nang makababa. Doon ko pa lang napansin na wala na sa mga kamay ko ang cake na binili. Hindi ko na napansin kung saan ko iyon nabitawan.
Mabilis kong tinakbo ang distanya mula sa parking lot hanggang sa kwarto ni Elle kahit pa nanlalambot ang tuhod ko’t makandadapa-dapa o subsob ako sa daan. Wala na iyon sa utak kong napuno na ng hindi matapos-tapos na panalangin.
Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kung wala si Eilythia.
Sarado ang pintuan ng kwarto nang makarating ako kaya naman halos sirain ko iyon.
Gano’n na lang ang gimbal sa sistema ko nang bumungad sa akin ang napakalakas na putok ng paglabas ng mga confetti kung saan. Sunod kong narinig ang iba-ibang boses na kumakanta ng “happy birthday” kasabay ng pagbukas ng iba-ibang ilaw sa loob ng kwarto.
Kung hindi pa iisipin ang petsa ngayong araw ay hindi ko maaalalang ngayon nga pala ang birthday. Ilang araw na rin akong kinukulit ng mga kaibigan para rentahan ang Sweet Heavens at ilibre sila ng inumin kahit hindi ko naman alam ang dahilan.
Birthday ko nga pala.
Sa gitna ng mga nagkakagulo na ngayong mga kaibigan ay bumagsak ang tingin ko kay Eilythia. Abot ang ngiti nito sa mga mata. . . ngiting ngayon ko na lang ulit nakita.Sinigurado kong kinabisado ko ang bagay na iyon. Ipinasok sa isip lahat para palagi kong maaalalang masaya ang babae bago ako nito hinarap at magsalita, “Happy, happy birthday, Kairus. I love you.”
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceNatapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina Eilythia at Kairus, haharapin nila ang pinakamalaking dagok sa buhay nilang kailanman ay hindi nila...