Kabanata X

312 15 0
                                    

Kabanata X

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata X

“What the hell are you doing, Eilythia? Tigilan na natin ‘to, okay? Tama na, you’ve done enough.”

Nginisian ni Eilythia ang kaibigang labis na nag-aalala. Simula pa lang pero sobra-sobra na rin ang pagod na nararamdaman nito. But then, she’ll regret feeling it. Alam niyang hindi dapat ito napapagod. Hindi dapat ito napapagod sa ginagawa lalo pa’t para ito sa anak.

Pursigidong hinawakan ni Sierra ang dalawang kamay ng kaibigan. Kilalang-kilala niya si Eilythia higit kaninuman. Maaaring ngumingiti-ngiti lang ito ngayon pero triple-triple ang nararamdamang pagod at lungkot. “Tama na,okay? Aleeyah would be so sad to see you like this.”

Umupo si Eilythia sa maliit na bench na naroon. Kapagkuwan ay tumingala sa kalangitan. Dumadalas na ang paggawa nito sa bagay na iyon, and it somehow felt rewarding. Pakiramdam niya, nakikita pa rin nito ang anak. Pakiramdam niya, nakangiti ito sakanya ngayon.

“Do you know why I’m doing this, Sie?” panimula ng babae. Prente lang itong nakatingin sa langit habang nakangiti na labis namang inaalala ng kaibigan.

Imbes na magsalita ay tinabihan ito ni Sierra at niyakap mula sa gilid.

“Alam ng Panginoon kung gaano ko kamahal ang mga anak ko, Sie. Alam Niya kung gaano ako kadisididong ipalit ang buhay ko para sa mga anak. He knows how happy I am to have them kaya iyon ang unang bagay na hindi ko maintindihan. Bakit Niya kinuha sa akin ang anak ko? Why does it have to be me? Why does it have to be my family?” Ngumisi na lang si Eilythia habang inaalala ang mga nangyari noon kahit kanina pa ito trinaydor nang rumaragasang mga luha.

“Do you remember the first time we saw her? Ang sabi pa nga ni Rashid noon, wala raw nakuha sa amin si Aleeyah kasi ang ganda niya. Her eyes. . . iyong matangos niyang ilong pati na iyong sobrang mapupulang labi. ‘Yung unang beses siyang nakapaglakad, you and Ash cried really hard after seeing it.

“To be honest, I resent Him. Siya naman ang may dahilan ng lahat ng ito, hindi ba? Siya naman ang may gusto nito! Sakanya namang plano, ‘to! Why does it have to be my Aleeyah?!”

Natataranta nang hinahagod-hagod ni Sierra ang likod ng kaibigan. Hindi na nito alam ang gagawin. Actually, she had enough today. Sobra-sobra na para sakanya ang makita iyong pagwawala ni Eilyjah kanina.

Dali-dali at pasikreto nitong kinuha ang cellphone at tinitipa ang numero ni Kairus para tawagan.

“Now, you know why I am doing this? Because I want to fight with Him. Gusto kong patunayan na He should regret taking her away from us.”

Ramdam ni Sierra na sinagot ni Kairus ang tawag, at paniguradong naririnig niya na ang boses ng asawa.

Kahit si Sierra ay hindi sang-ayon sa ginagawa ng kaibigan. Mas gusto nitong manatili na lang si Eilythia sa Pilipinas dahil ayaw niyang maghirap itong mag-isa sa ibang bansa.

“I hate Him! I know I am too old for this, but I hate Him,” patawa-tawang sabi ni Elle. Halo-halo na ang nararamdaman nito; pagkamuhi, inis, galit, pangsisisi at panghihinayang.

Nakahinga nang maluwag si Sierra nang makita ang bulto ni Kairus mula sa malayo. Parehang-pareha lang ang mag-asawa, sabay itong lumalaban para sa pamilya. Masama nga lang iyong magkalayo pa ang mga ito. Mahirap na rin kasi  para kay Kairus ang magpunta pa sa Korea lalo na’t mainit na ito sa mga mata ng mga kalaban.

“Eilythia,” pambungad nang kadarating lang na si Kairus. Deretso ang titig nito sa asawa.

Mabilis na tumayo si Sierra, sandalling nagpaalam kay Eilythia bago tumuloy sa pag-alis. She wishes so much for the two. Alam nitong malabo pang maging maayos ang lahat sa ngayon pero hindi siya matitigil sa kakahiling.

“Eilythia,” gagad pang muli ng lalaki, pilit na kinukuha ang pansin ng ngayong nakapikit ng si Eilythia. “You should stop now. I am doing everything, too. Kumikilos pa rin naman ang mga pulis at may tauhan na ang H&H na naroon sa korea para magmanman.”

“Naririnig mo ba ako, Elle? You don’t need to do this—”

“I met him.”

Napamulagta si Kairus, “Him? Who?”

“Mr. Ji Seo Nam of IC Hotels,” walang ganang sabi ni Eilythia. Labis na ang nararamdaman nitong pagod at gustong-gusto niya nang ipikit ang mga mata.

“Are you out of your mind?!” hindi na napigilan ni Kairus ang pagsinghal. “Alam mo ba kung gaano kadelikado ‘yun, Elle?”

“Wala akong nakuhang kahit ano sa lalaki, Kairus. Wala ni kahit anong kahina-hinala sa lalaking ‘yun. . . he. . . he seems innocent. Tama ba tayo ng hinahabol?”

Inubos nito ang oras s a pag-iisip habang nasa byahe. Kahina-hinala talaga ang lalaki, labis nitong pinagdududahan ang hinuha ng mga pulis. Paano kung nagkamali ang mga ito? Paano kung habang ginagawa nila ang lahat sa pag-iimbestiga sa Ji Seo Nam na iyon, malaya at hindi man lang nangangamba ang totoong may pakana ng lahat.

“Are you really sure about that?”

“Hindi ako sigurado kaya hindi ko titigilan ang lalaking iyon. Imposibleng wala akong makuha–”

“Please, don’t.” Nanlaki ang mata ni Eilythia sa biglaang paghawak ni Kairus sa mga kamay niya. “’Wag ka nang bumalik doon, Elle. We. . . we could fight with them kahit pa magkaiba ang mga bansa natin. We could make a way.”

Buong lakas niyang binawi ang kamay mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. “We need evidence.”

“Maari tayong makahanap ng milyon-milyong paraan pero mahirap makahanap ng ebidensya kung mamatili at mag-aantay lang tayo rito sa Pilipinas.”

Akmang tatayo na ang babae nang muling sumigaw si Kairus. Noon pa man ay hindi nito gusto ang paraang ginagawa ng asawa pero wala naman siyang magawa patungkol doon. “Don’t go, Eilythia. Jaja needs you. I need you. . .”

Nagtiim-bagang ang babae sa narinig. Mas nahihirapan siyang kontrolin ang sarili. “Napag-usapan na natin ‘to, Kairus.”

“But can’t you stay? Hindi stable si Eilyjah. He needs support, he needs all the love he can get from us, lalong-lalo na ngayon. Can’t you do that?”

Napayukom na lang ng kamao si Elle. Isa pa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang makaharap ang lalaki. Takot siyang bumigay. Takot siyang isuko ang lahat para bumalik.

“‘Wag na nating pahirapan ang sarili natin, Kai,” nanginginig na ang boses nasabi ng babae.

“I beg you. . . Eilythia, we need you here.” Tuluyan nang humagulgol si Kairus at labis namang nagsisi si Eilythia sa pagbalik. That’s the last thing she wants; to see her husband crying. “Huwag ka nang bumalik, Elle. Stay with us.”

Malulungkot ang mga matang bumaling siyang muli sa asawa, inabot ang mukha nito at hinaplos-haplos. Hindi iyon nakatulong dahil tuluyan na nilang pinakawalan ang kanina pa pinipigil na mga luha. “You. . . you know, I can’t. Hindi pa, Kai. . . I should go.”

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon