Kabanata XXVII

313 9 6
                                    

Kairus Hernandez’ point of view

    “Are you really sure about this? We can never know what’s in there. Franco Ronsicalles is dangerous.”
  
    Nagawa kong makalaban sa isang investor ang lalaking ito pero ni minsan ay hindi ko man lamang nakita ang mukha niya sa internet.

    Nakuha nga ako nitong tawagan kanina patungkol sa sitwasyon sa Korea pero hindi ko inasahan na magagawa pa ako nitong salubungin sa airport.

    Magkaibigan siguro sila ni Eilythia, pangungumbinsi ko sa sarili kahit pa mas halata sa mukha ng lalaki ang pagkataranta kaysa sa akin.

    Puno man nang pag-aalangan dahil hindi ko na ata kakayanin pang muling magtiwala ay inisip ko ang asawa. Eilythia would never trust a guy kung hindi siya sigurado and to think Eilythia became really close with this guy, iisipin kong mabuti itong tao. Kahit ngayon lang.

    In fact, we share the same goal—ang mailigtas si Eilythia.

    “That’s the deal.” Malaki angposibilidad na mapahamak ang asawa ko kung bultuhan tayong papasok. Matalim ang sumunod kong pagtitig sa maliit na pinto ng lugar kung saan hinihinalang dinala ni Franco si Eilythia. “I want this to be one on one fight.”

    “Tell me you’re joking, man. You’ll be facing a criminal—”

    “I’ll be facing a friend!”

    I’ll be facing a friend. . .

    Kahit ako, natahimik dahil sa mga salitang basta na lang lumabas sa sariling bibig. Franco’s indeed became my friend. Kahit pa man alam kong may gusto ito kay Eilythia ay itinuring koitong kaibigan.

    Kahit ako, hinding-hindi magagawang paniwalaang nagawa nga iyon ni Franco sa mga anak ko. She was Aleeyah’s favorite buddy. Ilang beses ko na ring iniwan ang mga anak sa bahay nila Ate Mira para makapaglaro ang mga bata.

    I did trust him.

    I thought we were a family.

    Sobra-sobra pa sa kataksilan ang nararamdaman ko ngayon. Ginugusto ko pa rin na magmakaawa kay Fanco na ako na lang sana ang pinatay niya at hindi na ang mga anak ko.

    “Fifteen minutes.”

    “W-What?”

    “In fifteen minutes, when I didn’t get out of that building, you guys can go inside. If anything happens, promise me that you will take care of Eilythia.”
      
    Mabilis at walang pag-aalinlangan kong sinugod ang su Franco nang makita ang ginagawang pambababoy nito kay Eilythia. Ngunit gaano ko man kagustong pasabugin na mismo ang bungo ng lalaking kaharap ay nauna pa rin ang pagkilos niya sa akin.

    Kaagad niyang nakuha ang baril sa gilid at walang habas na itinutok iyon kay Eilythia. “One wrong move. One wrong move, Kairus Hernandez, at sasabog ang ulo ng pinakamamahal mo.”

    Parang binuhusan nang malamig na malamig na tubig, natatakot kong inatras ang mga paa.

    “Layo. . . lumayo ka!”

    Kaagad na napanatag ang loob ko nang makitang mag-angat ng tingin si Eilythia. Nang maging malinaw ang paningin ay kaagad ako nitong binigyan ng isang ngiti, ipinaalala sa aking magiging ayos lang ang lahat at magagawa naming malagpasan ng lahat ng ito.

    That smile didn’t even increase my hope. Parang mas lalo pa nga akong pinanghinaan doon.

    Sinunod ko ang sinab ni Franco sa takot na baka totoohin nito ang sinabi’t iputok nga ang hawak na baril sa mismong ulo ng asawa.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon