9.

2.6K 65 15
                                    



ALEJANDRO/DRO...


             Naging tahimik ang buong bahay nang mangyari ang paghuli kay Ysabel. 'Di ko alam pero pati si baba ay nalungkot rin sa nangyari. Gusto ko mang gumawa ng paraan pero nag-aalangan naman ako. Tama rin naman ang sinabi ni Mon, 'di ko problema 'yun.

Napabuntong hininga ako at sinulyapan si Kenneth na mahimbing nang natutulog sa kama ko. Nahilot ko ang sintido ko sabay ang paglagok ng whiskey'ng kakabili ko lang kanila.

Nasaan na kaya siya ngayon, ano na kayang nangyayari sa kanya?

Napatitig ako sa kawalan dahil 'di ko maiwasang isipin kung ano nang nangyayari sa babaeng 'yun. Naging mabait naman siya sa akin lalo na sa anak ko.

Ahhh, maghahanap na naman ako ng bagong yaya or ako na lang kaya. Since ilang weeks na lang sila dito, pagpaplano ko at sinabayan nang magkakasunod na lagok nang makarinig ako nang mahihinang katok.

"Yes po!" sigaw ko at mabilis na nilapitan ang pinto. Agad kong binuksan para tanungin kung anong keylangan ng matanda. "Po?" bungad ko sa tatay ko.

"Someone's looking for you iho... Charmaine I think." bigay niya sa cellphone kong nakalimutan ko na kung saan ko naiwan. "I'll stay at the room... call me if you need some help parah sa apo ko." aniya at sinulyapan ang bata bago umalis.

Tinanaw ko lang si baba saka tiningnan ko ang screen pero wala na ang tumatawag.

May Charmaine ba akong kakilala or nakilala?

Isip ko habang bumabalik sa may pintuan ng veranda nang tumunog ulit ang cellphone. Unknown number nga ulit ang nag-aappear kaya sinagot ko na.

"Yes?" seryoso kong tanong.

"Ah good evening, is this Mr. Alejandro Diaz-Murrack?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Yes speaking, what do you want?" deritso kong tanong at naupo sa gilid ng kama habang inaayos ko ang kumot ng anak ko. "Hey are you still there?" tanong ko nang mapansing tumahimik ang nasa kabila.

"Y-yes Sir... I'm Charmaine, Ysabel's friend."

Napakunot-noo naman ako nang marinig ang kanyang sinabi.

"Then?" Muli na namang natahimik ang babae sa sinabi ko pero dahil narealize kong tungkol pala kay Ysabel eh nagsalita ulit ako. "Anyway, what about her... nasaan siya ngayon?"

"Nasa NBI, QC... ehmmm Sir, pinakusapan niya akong humingi ng... tulong sa'yo." sabi nito at alam kong nag-aalangan ang babae. "Hindi siya guilty sa ibinibintang sa kanya... magkasama kami that night sir."

Ako naman ang saglit na natigilan hanggang sa muli akong magsalita.

"Where are you, I don't wanna' talk this over the phone." tanong ko at lumabas ng pinto. Agad kong kinatok si baba at pagbukas niya'y nagsalita na ako. "Keep intouch po sa bata... lalabas lang ako sandali for Ysabel." sabi ko at muli siyang iniwan.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon