6.

4.1K 87 9
                                    



ALEJANDRO/DRO...

         

                Kanina pa ako naiinitan at nauuhaw kaya nagpasya na akong tumayo para kumuha ng beer sa  kusina. Nahihirapan na akong makatulog ngayon at salamat sa mga ito dahil sa kanila nawawala ang stress kong kusa na lang dumarating sa akin. Hindi na ako nag-iisip ngayon o mas tamang sabihing iniiwasan ko nang mag-isip pero lagi pa rin akong nalulunod sa bagay na mahirap iwaglit sa isipan ko.

Iniwan ko ang veranda ng kwarto ko at nakaboxer short lang akong tumuloy sa may pintuan. Tulog naman siguro ang lahat kaya hindi ko na naisipang magbihis pa para takpan man lang ang aking kahubdan.

Pagbukas ko nga'y bumungad sa akin ang madilim na sala. Tinahak ko ang maliit na hallway na nababakuran ng mga stands na hanggang beywang ang taas nito. Pero napahinto ako nang bumukas ang kwarto ni Kenneth at iniluwa ang babaeng nakadamit lang hanggang gitna ng hita. 

Pakapa-kapa siyang naglakad papunta sa deriksyon ko. Aalis sana ako nang maramdaman ko na ang katawan niya sa akin.

Nabunggo niya ako.

"Anong ginagawa mo dito...?" Natigilan siya nang paanas akong nagtanong.

Bahagya siyang umurong at naaninag kong nakatingin lamang siya sa akin at may kinakapa pa rin. Huli na nang biglang lumiwanag ang paligid at napako ang mga mata niya sa katawan ko. 

"T-titimplahan ko sana ng gatas ang anak mo, nagugutom yata..." nakita kong inalis na niya doon ang paningin niya at iniwan akong nakatayo. "Ilang scoop ba?" tanong nito na bumaba na sa sala at tumuloy sa kusina.

Hindi muna ako sumagot, bahagya kong tiningnan ang suot ko. Inayos ko lang ng kunti para hindi masyado magmarka ang 'di dapat mapansin at tahimik akong sumunod sa kanya. Umikot ako sa kabilang side ng long table at mataman kong tinitigan ang kanyang ginagawa.

"Sure kang marunong ka?" tanong ko habang hindi man lang niya ako sinulyapan sa pagdating ko, suplada.

"Ilang scoop?" muli niyang tanong.

"Tatlo diyan sa maliit..." tukoy ko sa small size na breastfeeding bottle. "Bilisan mo, titingnan ko lang ang bata." lingon ko sa kanya nang marealize na wala akong mapapalang pagpapansin dito, nilingon ko uli siya at tuluyan na akong pumanhik.

Tahimik akong pumasok sa kwarto ni Kenneth.

Hindi naman umiiyak, nilalaro pa nga ang magkabila niyang paa at umiyak lang nang makita ako. Nakangiti akong lumapit sa kanya at masuyo itong binuhat. Umiiyak pa rin kaya inalo-alo ko na nang maramdaman kong puno ang kanyang diaper.

Nawala ang mga ngiti ko sa nalaman ko. Maingat ko siyang pinahiga uli nang patagilid at tiningnan ito, puno nga. Naisip ko agad si Ysabel na walang kwentang mag-alaga.

Napalingon ako nang pumasok siya. Ito ba ang gawain ng isang yaya, katulong, kasambahay napakapabaya?

"Bakit ka tumawag kung hindi mo rin ginagawa ang trabaho mo, umiiyak ang bata kasi hindi sanay na basa ang puwet niya." galit akong tumingin sa kanya na napahinto sa pintuan. "Punong-puno ang diaper niya oh!" sinigawan ko na siya at tumayo.

Ipinakita ko sa kanya kung paano ko hawakan si Kenneth. At nang makalipas ang ilang sandali ay ibinigay ko ang bata sa kanya.

Nagtataka niyang nakuha ito habang nakatingin sa akin.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon