YSABEL...
Inilipat nga kami ng selda ni Nadia pero ang masama 'dun ay magkahiwalay kami. Hindi ako familiar sa buhay kulungan pero alam kong ito ang sinasabi nilang bartolena o 'di man ay malapit dito.
This is unfair, something's happening sa kaso ko at alam kong may foul play na dito. Hindi pa ako nahahatulan ay mistulang guilty prisoner ang na trato nila sa akin! Nanggagalaiting sigaw ng isipan ko at napahawak na lamang sa kumakalawang na rehas habang pinipilit kong sinisilip si Nadia sa isang selda.
"Nadia," mahina kong tawag sa kanya. "Nadia, 'andiyan ka pa ba?!" medyo napataas na ang boses ko nang wala man lang akong marinig na ni' kaluskos.
Akala ko ba magkasunod lang kami ipinasok dito?
Muli ko na naman siyang tinawag at sa pagkakataong ito'y sumigaw na ako.
"Nadia! Nasaan ka, ok ka lang ba?!" sigaw ko pa rin habang nag-alala ako sa babaeng 'yun. May itsura pa naman 'yun at baka ano na ang ginawa ng mga pulis 'dun. Napakuyom na naman ang mga kamay ko at muling sumisilip sa labas. "Nadia!" pero wala talaga.
Napabuntong hininga ako sabay lingon sa paligid.
Makakuha lang ako ng pagkakataon, tatawagan ko na si daddy... 'di ko to' kayang mag-isa Dios ko... anas ng isipan ko.
Umupo ako sa pinakasulok ng selda at nag-sukhasana position para mabawasan man lang ang nararamdaman kong tension at makapag-isip na rin ng mabuti. Nakapikit na ako ngayon at isa-isa kong binalikan ang mga nangyare.
Parang mga alaala lamang na dumaloy sa isipan ko ang lahat hanggang sa mapadilat akong bigla.
Ano ngang presinto ito?
Quezon City? Makati? Hindi... parang Quezon City ang nabasa ko eh pero bakit nang ipinasok ako sa selda ay may nahagip ang mga mata ko. Agad akong pumikit at inalala ang mga sumunod na nangyari pero napakagat labi na lamang ako nang 'di ko man lang maintindihan ang nakasulat sa entrance ng silda.
Iisa lamang ang nabuo sa isipan ko ngayon.
Wala ako sa Quezon City.
Muli na namang ako napadilat nang makarinig ako ng mga sunod-sunod na yabag at alam kong hindi lang isa ang taong paparating kundi' marami. Nang lumagitgit ang bakal na pintuan ay muli akong pumikit at pinakiramdaman ang mga paparating.
Alam kong ako lang ang tao sa mga nakahilerang seldang ito at nang huminto sila sa harapan ng selda ko'y doon pa ako dumilat.
Agad kong sinalubong ang titig ng isang may katangkaran lalaki. Hindi siya naka-uniform 'gaya ng dalawang nasa likuran niya pero alam kong pulis siya, nararamdaman ko 'yun.
"Buksan niyo na." maiksi niyang utos sa dalawa at walang alinlangang sumunod naman ang mga ito.
Tahimik nilang ini-unlock ang kandado saka mabilis akong nilapitan. Hahawakan na sana ako ng dalawa nang umiwas ako.
"Sino ka?" seryoso kong tanong sabay tayo habang di' pa rin nawawala ang mga mata ko sa lalaking nanunuod lamang sa labas. "Anong kailangan mo sa akin?" muli na namang hahawakan sana ng dalawa ang mga kamay ko pero agad ko ring iniwas ulit.
"Sir, matapang ho!" sigaw na ng isa kaya nakita ko siyang tumango lamang at hindi ako nakapaghanda sa ginawa ng isang pulis.
Mabilis akong hinawakan sa balikat at pwersahang idiniin sa dingding ng selda.

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
Ficção Geral. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .