30.

1.7K 44 3
                                    


         Kinahapunan ay pinayagan nang pakainin ng mga soft foods si Rebecca kaya ako na mismo ang nag-asikaso sa kanya. Umuwi saglit ang magpamilya para ihatid ang mga bata pero sabi naman ni Paul, babalik din siya agad.

"Tubig?" alok ko.

Isang ngiti lang at tango ang isinagot niya kaya bahagya ko syang pinabangon.

"S-salamat..." narinig kong bulong niya pagkatapos niyang uminom. Papahigain ko sana siya ulit pero umiling na. Mataman lang niya akong pinagmamasdan habang ako nama'y inilagay ko na ang mangkok sa mesita. "S-san mo iniwan ang bata... n-nasa kina' Paul ba?"

Natigilan ako sa kanyang tanong, anong isasagot ko?

"Baka sa kamakalawa eh darating na sila ni Ate Eula, may therapy pa kasi siya kahapon kaya di' ko naisama." buti na lang nakaisip agad ako ng dahilan.

Nakita ko namang nag-alala siya.

"T-theraphy... may s-sakit ba siya?"

Ngumiti ako at umiling.

"Speech problem lang..." matipid kong sagot.

"M-mabuti naman kung ganun'..." aniya at tumingin sa may bintana. "B-babe... g-gusto kong magpahangin..." natigilan na naman ako. Hindi sa hiling niya kundi' sa tawag niya sakin'. "Babe..." ulit niya.

"Huh, baka mapasama sayo' ang paglabas."

Pero nagpumilit pa rin.

"Please... g-gusto ko lang... m-makalanghap ng hangin." aniya. "P-pakiramdam ko kasi dito sa... sa loob, b-bilanggo a-ako..."

Di' ko matagalan ang kanyang mga matang nakikiusap kaya lumapit ako sa intercom at tinawagan ang assigned nurse para sa kanya.

Ilang saglit lang na pakikipag-usap ay nakangiti nakong' humarap sa kanya.

"Saglit raw tayo dun' ok, baka manganay ang likod mo sa kakaupo." lapit ko sa kanya at di' ko maiwasang pagmasdan ang itsura niya ngayon.

Ganito na ang babaeng minahal ko noon at halos iyakan tuwing gabi.

"Yes! S-sabi ko sayo' eh... ok lang sa kanila." ngiting-ngiti nitong turan. Bigla namang may kumurot sa puso ko. Eto' na ngayon ang babaeng minahal ko dati. Sobra-sobra na siyang nahihirapan tapos pati ba ako'y mananakit pa sa kanya. "W-wag mo naman a-kong t-tignan ng g-ganyan... 'yukong maawa ka sakin', m-mabubuhay pako' oh..." marahan niyamg kapa sa mga pisngi niya.

Tuluyan nang piniga ang puso ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong niyayakap siya.

"Oo mabubuhay ka... para sa aming lahat." bulong ko at napapikit.

Lumunok ako ng ilang ulit at kumurap-kurap dahil naramdaman kong nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko.

"N-ngapala salamat Kian..." anas niya.

"Ako... kami ang dapat magpasalamat dahil nagising ka na." sabi ko at humiwalay na sa kanya.

"N-nawalan na kasi ako ng, ng pag-asang... m-magkakasama pa tayong muli..." malungkot niyang titig sakin'. "I-ikaw lang... ang dahilan ko k-kung bakit pilit akong lumalaban..." aniya sa mahinang boses.

Umiling ako at marahang pinitik ang tungki ng ilong niya.

"Yun ang 'wag na 'wag mo bang gagawin ulit ok..."

Tumango naman siya na parang bata.

"W-wag ka nang l-lumayo..." sambit na naman niya sa akin.

Tumango ako.

"H-hindi naman ako umalis, napagod lang siguro..." ngiti ko sa kanya.

Napayuko siya kaya nagsisisi naman ako sa nasabi ko.

"Look Rebecca, w-wala akong ibig sabihin dun' ok... naiintindihan ko... nasa ilalim ka---."

"I'm s-sorry..." at tumingin siyang luhaan sakin'.

"Tsss," inis ko sa sarili ko. "Please stop it..." agad kong pinunas ang mga luhang umaagos sa kanyang pisngi. "I'm sorry, di' ko na dapat sinabi 'yun... please b-babe 'wag ka nang umiyak oh, ayukong nakikita kitang ganyan, baka makasama pa sa'yo."

"I'm s-sorry babe..." ngayon ay pilit na syang ngumingiti. "Akin na nga 'yang mga scarf ko... Baka matakot ang mga makakakita sakin' nito eh..." naiiyak pa run siyang ngumingiti.

Kinuha ko naman ang tatlong magkakaibang kulay at pinapili siya.

"Itong beige na lang... g-gusto ko namang g-gumanda kahit papaano..."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Maganda ka pa rin para sakin'."

Lumabi lang siyang nakangiti.

"Bolero ka na pala ngayon." aniya at pilit na itinatali sa kanyang ulo.

"Let me..." agad kong kinuha sa kanya ang scarf dahil pansin kong nahihirapan siya pero ilang saglit nang tumagal eh 'di ko pa rin magawa.

"Paupuin mo na lang muna ako," tukoy niya sa wheelchair. "Ako na'ng gagawa, baka abutin tayo ng umaga dito."

Hindi na nga ako kumibo. Maingat ko siyang binuhat at sa huli ay hiniling niyang paharapin sa half size mirror na nakadikit malapit sa pintuan.

Inaayos ko ang laylayan ng kanyang pajama nang mapansin kong tahimik lang siyang nakatingin sa salamin.

"Bakit?" tingin ko rin sa kanya sa salamin.

Bumuntong hininga siya at malungkot siyang tumingin sa akin.

"Mamahalin mo pa kaya ako kung ganito na itsura ko..." mahina niyang sambit at muling tinignan ang sarili.

Yumuko naman ako at pumantay sa kanyang mukha.

"Itsura mo lang ang nagbago, nakikita ko pa rin ngayon ang nakilala kong si Cynthia Rebecca." tingin ko ulit sa kanya sa salamin. "Kaya magpagaling ka dahil babalik rin sa dati ang ikinalulungkot mo ngayon." ngiti ko kaya napilitan na rin siyang ngumiti.

"L-love you babe... m-mahal na mahal kita..."

Ngumiti lang ako at isang halik sa pisngi ang isinagot ko sa kanya.

"Tapusin na natin to' at nang makalabas na tayo... maya-maya'y nandtio na'ng kapatid mo..." sabi ko na lang.

Aaminin kong may puwang pa rin sa puso ko si Rebecca. Kahit ano pa mang pagtatanggi ang gagawin ko'y di' naman basta-bastang nawawala ang damdaming nagpahirap sa akin sa mahabang panahon. Alam ng Dios kung gaano ko siya kamahal. 'Yun nga lang marami na rin kasi ang nangyari, marami nang nasabing masasakit na salita. Dumating na rin ako sa puntong napagod na ang puso ko. Pero alam ko, kung kakalimutan namin pareho ang nakaraan at magsimulang muli. Alam kong makakatulong 'yun para muli naming mahalin ang isa't isa o mas tamang sabihin. Ang muli akong magmahal at handang masaktan muli.




ionah



Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon