Paulit-ulit na lang ang pag-iingay ng cellphone ko pero hinahayaan ko lamang. Alam ko naman kung sino ang nagpapalitan ng tawag eh, kung di' si Vic eh malamang na si Alejandro. Yung' unknown number pala'y sa kanya kaya nang malaman kong siya pala itong 'di tumitigil sa pagtawag eh di' ko na hinawakan pa ang cellphone ko.
Buong hapon akong nahiga at parang baliw lang na nakatingin sa labas ng bintana. Kung anu-ano na ang naiisip ko pero nauuwi at nauuwi pa rin sa isang tao, kay Alejandro.
Lalo kong niyakap ang unan ko at bumaling na naman sa kanilang gawi.
Bakit ba niya ako hinanap? tanong ko na naman sa sarili ko. At hung nangyari sa amin, pagka-missed lang ba yun'? Does it mean na he's longing for me or just for my body?
Imposible kasing may maramdaman siya sa akin eh. With the story I heard from Cynthia, nagkaroon agad sila ng real fan. As in, gusto ko nang maiyak dahil sa love story nila. Pero bakit pumayag akong makipag---.
Ahhhhh! tili ng isipan ko at isinubsob ko na naman ang mukha ko sa unan. Stop it Ysabel, di' pwede! Maging kontrabida ka lang sa love story nila at anong laban mo kay Cynthia, wala!
Dingdong! Dingdong! Dingdong...
Hindi ako bumangon, tinignan ko lamang ang wallclock and its 7:03 na pala ng gabi. Holy cow, di' ko na yata naramdaman ang gutom ah.
Napatingin na naman ako sa may pintuan nang muling tumunog ang doorbell.
Kahit na may naiisip ako kung sinong nasa labas ay pinili ko pa ring lumabas. Hinayaan kong di' na iswitch ang ilaw para kahit sumilip man ako sa bintana'y 'di ako makikita sa labas at para isipin na rin niya na wala ako dito.
Tahimik ko na ngang tinungo ang bintana at dahan-dahang sumilip. Napabuntong hininga ako nang makita ko na ang naglalaro kanina sa isipan ko.
There he is, leaning in his car while looking at my house.
Babalik sana ako sa taas nang may marinig akong nagsalita sa labas.
"Sir, pwede bang paandarin niyo ang kotse... parang naiinitan na ho si Kenneth."
Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na bumalik sa bintana. Napakunot noo ako nang makita ko ngayong nakababa na ang windshield sa backseat habang may babaeng nakasilip kay Alejandro.
At lalong dumami ang mga guhit sa noo ko nang makitang wala man lang narinig ang lalaking ito. Nakatingin lamang kasi siya sa bahay ko eh!
"Sir... Sir!" pangungulit ng babae at parang doon pa siya natauhan.
Agad siyang umikot sa driver's seat at di' nga nagtagal ay narinig ko nang pinaandar niya ang kotse. Pero laking gulat ko nang makitang bumaba siya ulit at bumalik sa dating pwesto. Ngayon ay kumuha pa ng stick at nagsindi saka sumandal nang maayos.
Tsk, nababaliw na yata ang isang to! Pati anak eh dinamay sa kabaliwan!
Wala akong nagawa kundi' ang pagbuksan siya. Wala akong pakialam sa kanya pero ang madamay ang bata, may konsensya pa naman ako.
Naku pasalamat siya't kasama niya ang anak niya!
"Ano bang gusto mong mangyari?!" sabay bukas ko sa pinto at kahit medyo madilim ang paligid ay ramdam niyang iritadong-iritado na ako. "Sinama no pa ang bata!"
"As I told you we're going out." maarahan siyang lumapit sa gate. "Are'nt you ready yet?"
I gritted my teeth. Nawalan na ba ng pakiramdam ang lalaking to, ayaw ko nga! Reklamo ko habang labag sa loob na pinagbuksan siya.

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
General Fiction. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .