16.

2.2K 52 2
                                    



            This is my third day in Yugo's house, so far ok pa naman ang lahat except lang sa nangyari kagabi kung saan pareho kami nang iniisip ni Alejandro. Someone's trying to get some info's about us or sa mag-ama lang at syempre wala kaming pinag-iisipan na gagawa nun' kundi' si Cythia.

Alas-syete palang ay gising na kami ni Alejandro, kahit 'di ako marunong sa kusina ay pinilit kong maghanda ng simpleng breakfast. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga siya nakapagdinner instead ay nagdropped by lang raw siya sa isang bar bago tumuloy rito.

Pagkaluto ko ng scrambled egg ay hindi ko na pinainit pa ang cream bread. Gusto ko kasi na bago magising ang mga tao sa bahay eh naka-alis na ang mag-ama. Hindi ko alam pero I feels something different, para bang may mangyayari o may malalaman ako sa araw na'to.

Agad na akong nagbalik sa kwarto habang dala-dala ko ang isang tray.

"Hey... pagtyagaan mo na lang ito, honestly I'm not the woman intended for cooking." bungad ko sa kanya at pasipang isinara ang pinto.

Ngumiti lang si Alejandro habang binibihisan ang anak tsaka binuhat ito.

"What if sumama ka na lang sa amin, ayuko' namang mag-isa ka lang dito through out the day." alok niya sa akin pero ngumiti lang ako at kinuha ko sa kanya ang bata.

"Take your breakfast muna," sabi ko naupo kami ni Kenneth sa sofa. "Plano ko ring makipagkita kay Charmaine ngayon, mamaya... gusto ko kasing makausap ang isang tita ko sa Manila, ok lang ba?"

"Mag-iingat ka na lang Ysabel, though hindi ka naman wanted ay isipin mong malakas ang kalaban mo." lingon niya sa akin habang lumalagok ng brewed coffee na tinimpla ko rin.

"After your meeting up, just give me a call ok... I decided na lumipat na lang tayo ng ibang place at least maiiwan ko pa rin sa'yo si Kenneth." sabay tingin sa pintuan namin kaya agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Ikaw, ikaw ang bahala..." 'yun lamang ang naisagot ko sa kanya at inatupag na ang bata. For a while eh magkakahiwalay pala tayo, tingin ko sa kanya sabay halik sa namumutok nitong psingi. "Be a good boy to your daddy ah..." nakangiti kong kausap sa kanya habang hinahawak-hawakan lamang nito ang pisngi ko. "Ngapala, tawagan mo na lang si Yugo na pahiramin niya ako ng extrang kotse... mahirap yatang magcommute ako mula rito hanggang Manila."

"Sure, ako nang bahala 'dun." masigla niyang sagot at napansin kong dudukutin niya yata ang wallet niya habang ngumunguya pa rin.

"Hey, ano 'yan... if para sa akin eh 'di ko nga nabawasan 'yung ibinigay mong pera for emergency sa amin ni Kenneth eh." tanggi ko habang siya naman ay napahinto na rin. "Sasabihan lang kita kung kailangan ko."

"Ok", sabi lang nito at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Kung titignan kami ay parang mga personalidad na mababait. I'm not saying we're not but alam niyo 'yung nagkakasundo, walang pinagtatalunan. Hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Alejandro pero habang tumatakbo nga ang mga araw na nakakasama siya, I won't deny na isa siyang mabuting tao.

In my side rin naman, kahit nga ako eh nagtataka rin ako sa sarili ko kung bakit ganito ako makitungo sa kanya. Maybe because I just need him for my case, kumbaga' kailangan kong maging ganito dahil ako ang nangangailangan. Hayyy, what ever you may call for this is bahala na, in other side naman eh hindi sapilitan sa akin ang pag-aalaga sa kanyang anak.




             'Di nga nagtagal ay nakatayo na ako sa main door nang nasabing bahay habang pinapainit na lamang ni Alejandro ang kanyang kotse. Nakangiti akong nakatanaw sa mag-ama lalong-lalo na kay Kenneth na pilit na tumatayo at tinitingnan rin ako.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon