15.

2.3K 63 8
                                    



YSABEL...

"Akala ko ba iyakin tong' baby niyo... he's not naman pala." sabay gigil ni Trisha kay Kenneth habang nilalaro niya ito. "Darling wanna' have like him... ang cute eh." napangiti ako habang napakunot-noo naman si Yugo.

"Baby... hindi yan' candy na basta-basta ka lang magkaroon..." aniya st kinurot lang ang pisngi ng bata. "Bakit ready ka na ba ah... naku Trisha gusto ko maging hands-on ang magiging mommy niya sa kanya... eh sa'yo baka dalhin mo ang bata sa bar or sa walang sawa mong pagpapasaloon."

Lalo akong napangiti at napailing sa patsutsada ni Yugo habang pasimple ko pa ring minamanmanan ang dalawa na pangiti-ngiti lang na nakamasid.

Kunting galaw lang ng mga to' makakarating agad kay Alejandro.

"Grabe ka darling... you're so cruel." tampo nito sa kinakasama sabay abot sa akin. "Here's your baby Ysabel nabibigatan na ako... tsaka parang ayaw na sa akin oh." ngiti niya at masama pa rin ang tinging nilingon si Yugo tsaka hinarap sina Cynthia. "Kayo guys, keylan kayo planong magkaroon ng little angel?"

Pati ako'y napatingin rin sa kanila, inabangan ko kung anong masasabi ni Cynthia tungkol rito.

Nakita ko na nga siyang bahagyang umiling.

"Maybe matagal pa... bawal pa kasi sa skin ang magbuntis tsaka 'di ko rin kakayaning mag-alaga ng baby." sabi niya at masuyong nilingon ang katabi. "And besides, nag-eenjoy pa'ko sa alaga kong to'."

Napataas lang ang kaliwa kong kilay sabay ngiti nang marinig ko ito.

Paano kaya niya namimaintain ang ganito? Kung 'di ko nga lang nalaman kay Alejandro ang lahat eh wala ni' sa dulo ng utak ko na may nakaraan pala silang dalawa, galing niyang magpatay-malisya.

"Hey, I think your big boy's wanna sleep na..." pansin ni Trisha kay Kenneth na kinukusot na pala nito ang mga mata.

Tahimik naman akong tumayo saka nagpaalam sa kanila.

"Patutulugin ko muna..." sabi ko lang at umalis na.

Tuloy-tuloy ko nang ipinasok sa kwarto ang bata. Sinimulan ko ang night routine niya before matulog. Nang matapos ko na siyang ayusan eh pinadede ko naman habang marahang tinatapik-tapik sa kaliwang hita.

Pinagmamasdan ko siya hanggang sa mapangiti ako. Never in my life, in my wildest dream na maging ganito ako kalapit sa mga bata.

Ako, si Ysabel Jean... let's say hardheaded, "blacksheep" raw sa pamilya, laman ng bars eh magiging fully hands-on sa bata? Eh pamangkin ko nga kay Ate Zarina, ipapahawak lang niya ng ilang minuto sa akin ay binabalik ko na agad or binibigay sa katulong. Hayyy, wala talagang imposible... narealized ko.

Ano kayang magiging reaksyon ni Mimi 'pag nalaman niya to', for sure kakantyawan ako nun, pagtatawanan.

Pabuntong hininga akong humiga sa tabi ng bata at tumingin sa taas. Saan na kaya patungo ang buhay kong ito, all of the sudden eh naging masalimuot ang lahat.

Sinulyapan ko ang cellphone na binili ni Alejandro sa akin, marahan kong inabot ito at tinawagan si Charmaine.

"Mi... ako to'." pakilala ko, 'di ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot.

"Sabel, kaw' ba yan?!" agad niyang tanong nang mabosesan ako. "Oh my God... nasaan ka ba ngayon, ilang beses akong tinawagan ni Mr. de Leon... nawawala ka raw!"

Tahimik pa rin akong nakikinig sa kanya.

"Anong sabi?" paanas kong tanong. "Sina mama... si papa Mi'?"

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon