Prologue

10.7K 165 12
                                        


PROLOGUE... 



"Are you insane, it's almost an half a year Kian and I don't still remember everything and I don't want to!" sigaw niya sa akin. "Kaya mabuti pang umalis ka na, leave!" pasinghal niyang baling sa akin at iniwan ako sa sala.

Napatingin ako kay Kenneth na nilalaro lang ang mga kamay.

Napatingala ako nang mula sa isang sulok ay lumitaw si Paul na may hawak na baso at maya-maya'y lumalagok siya. Marahan siyang lumapit sa akin at tumayo sa harapan ko.

"Narinig mo siya Kian, hindi ko na hawak ang puso niya at pag-iisip, kung anoman ang nangyayari sa inyo'y wala na ako 'dun..."

"Naiintindihan ko..." mahina kong sagot.

"Pinipilit nyang bumalik na kami sa Spain..." sabi pa niya. "Pero hindi ko pa siya sinasagot... naiisip kita."

Napatayo ako habang binubuhat pa rin si Kenneth.

 "Bigyan mo'ko ng huling pagkakataon Paul, baka sakaling makilala na niya ako." ang balak ko'y dalhin ko siya sa bahay namin. Baka makita niya ang lugar na 'yun ay unti-unting babalik ang alaala niya.

"Go on... wala akong karapatang humindi, after all asawa mo siya..." tumalikod na si Paul at pamanhik sa ikalawang palapag ng bahay. "Maghintay ka... kakausapin ko siya."

Tumango ako at umupo uli sa sofa. Nagdadasal akong makinig siya sa kapatid niya at sumama sa akin.

Lumipas na ang ilang sandali, naiinip na ako sa paghihintay nang mula sa taas ay lumitaw si Rebecca na naka-jeans at hanging na blouse. Agad siyang bumaba at lumapit sa akin.

 "This is your last chance Mr. Montenegro... I'm sick with all of this." sabi niya at nauna na sa labas. Mag-isa siyang sumakay sa kotse ko at naghintay.

Tahimik naman akong sumunod at inilagay sa back seat ang bata.

Pagkasakay ko'y agad niya akong hinarap.

 "You're here all along together with your son, ang tibay mo rin ano." nakangisi niyang sabi.

"Dahil magkasama naming hinahanap ang dating pamilya namin, ang mahal namin... ang buhay namin..." mahina kong sagot at pinaandar na ang kotse.

Narinig ko lang syang bumuntong hininga.

"Huh, you're so pathetic..."

Hindi ko na siya pinakinggan, alam kung may sakit pa siya. Mayroon pa nga ba? Tahimik kong naisip ang minsang narinig ko. Narinig kong pinag-uusapan nila ako ng kapatid niyang si Paul. Na naaalala na niya ang katauhan ng isang Kian pero kahit anong pag-alaala niya ay wala talaga syang nararamdamang pagmamahal.




           Huminto ako sa labas ng bahay at bumaba para buksan ang maliit na gate. Agad naman akong sumakay at ipinasok ang kotse sa loob.

Hindi ko pa napapatay ang makina ng sasakyan ay kusa na siyang lumabas at nakapameywang na tiningnan ang buong bahay.

Kunot-noo siyang lumingon sa akin.

 "Is this the house you're speaking of?" tanong niya. "I don't think I can stay in this place... ang liit para sa akin."

Tahimik naman akong lumapit sa kanya at tinitigan siya sa mukha.

 "Ito ang lugar kung saan tayo nagsimula, kung saan binayaran mo'ko para..." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang agawin niya.

 "Uhhh stop it, never in myself na magbabayad ako ng lalaki to stay with me...  ako ang umaayaw, namimili at nagtatapon." sabi niya at inilapit ang mukha sa akin. "You maybe a part of my past... an ex-husband Kian... I loved before but that was yesterdays... wala ka na dito." turo niya sa puso niya. "At dito..." turo naman  niya sa ulo niya.

Pilit ko mang 'wag pansinin ang ang mga sinasabi niya'y nasasaktan pa rin ako. Walang silbi ang mga pictures namin, ang mga gamit at mga taong nagsasabi na mag-asawa kami. Hindi niya pinapansin ang mga 'yun. Isa lang ang pinapaniwalaan niya, ang magkahiwalay na kami.

 "So what, tatayo na lamang ba tayo dito?" tanong niya at nagsimulang maglakad papasok ng bahay nang tawagin ko siya.

"Rebecca." tawag ko sa kanya at napalingon naman siya. "Kung ayaw mo na talaga, hindi na kita pipilitin... paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." inis at pagod ang mararamdaman sa boses ko. "Makakaalis ka na." sabi ko at nilampasan siya.

Tahimik akong pumasok ng bahay at sinarhan ang pinto. Kusa nang sumuko ang sarili ko. Siguro panahon nang tanggapin kong wala na kami. Na hindi talaga kami ang para sa isa't isa, simula pa noon laging kaakibat ang problema sa relasyon namin.

Sinilip ko siya sa bintana. Nakita kong nakapameywang pa rin siya sa labas at naglakad na palabas ng gate. Nag-abang siya nang masasakyan at hindi man lang siya sumulyap sa direksyon ko.

Tinanaw ko siya habang nakasakay na hanggang sa unti-unti nang nawala sa paningin ko.

Pinilit kong 'wag makaramdam ng sakit. Pero lalo lamang nadurog ang puso ko. Lalo lamang pilit na kumawala ang mga luha ko. Tahimik akong nagpunas ng mga mata at huminga nang malalim.

Ito na ang huling iiyakan ko siya...



.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon