29.

1.7K 39 0
                                    


"Pwede bang kantahan moko'..."

"Anong gusto mo?" tanong ko naman, sa totoo lang ayaw ko ng ganito. Parang nagpapaalam siya eh, nang-iiwan ng mga alaala.

"Kahit ano... 'yung mga favorite mong kantahin..." hindi niya ako tinitingala.

"Sige... makinig ka ah." nag-isip ako, hindi ko masyado memorize ang mga lyrics ng mga kantang alam ko. Tinatapik ko siya nang marahan habang nag-iisip. May naisip ako, 'yun na lang pasya ko. "Ehem," tikhim ko muna. "Babe...?"

"Hemm...."

"Ito na.." panimula ko. "It's late in the evening, she's wondering what clothes to wear... She puts on her make-up and brushes her long blonde hair. And then she asks me, Do I look all right? And I say, "Yes, you look wonderful tonight..." Lalo ko pa siyang niyakap. "We go to a party and everyone turns to see... This beautiful lady that's walking around with me... And then she asks me, "Do you feel all right?" And I say, "Yes, I feel wonderful tonight..."

Napahinto ako nang tumingala siya at ngumiti.

"Ang ganda..."

"Makinig ka..." at hinalikan ko siya sa buhok. "I feel wonderful because I see ... The love light in your eyes... And the wonder of it al... Is that you just don't realize how much I love you.... It's time to go home now and I've got an aching head, So I give her the car keys and she helps me to bed. And then I tell her, as I turn out the light."

Sinilip ko siya.

"Babe..." nakita kong nakapikit na ang mga mata niya. Napabuntong hininga ako at dahan-dahan siyang pinahiga. "I say, "My darling, you were wonderful tonight..." pabulong kong tinapos ang kanta.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng takot habang tinititigan siya.

Wag' mo na ulit akong iwanan...

'Wag...

'Wag...

'Wag!!!

"Huh!" agad akong napaayos nang upo habang halos pumutok na ang dibdib ko sa kaba.

Agad ko siyang tinignan at isinunod ang heart monitor machine na abot-kamay ko rin. Akala ko kung ano nang nangyayari, kabang-kaba pa rin kasi ako. Tinignan ko naman kung anong oras na, 2:41 na pala ng madaling araw.

Maingat kong binitiwan ang kamay niya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa tabi niya. Binuksan ko ang ref' at uminom habang nakalingon pa rin sa kanya.

Bakit ganun' na lang ang kaba ko? Awa pa rin ba ang nararamdaman ko o pagmahahal na? Basta ayukong' may mangyari sa kanya, gusto ko nang magising na siya. Gusto kong malaman niyang nandito na ako, na nasa tabi na niya ako, na binabantayan siya at hinihintay siya. Kung ano man ang dahilan at totoong tawag sa nararamdaman ko'y 'di na mahalaga. Ang importante'y magising na siya.

Nasa ganoon akong posisyon nang matigilan ako sa pag-inom. Muli kong tinitigan ang kamay niya, baka kasi nagkakamali ako pero totoo. Totoong-totoo!

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon