21.

1.9K 48 1
                                    


Dro's pov...


"Cheers!"

Napatingin lamang ako kay Justine at itinaas ang sariling baso para makisama sa kanila. Pinipilit kong 'wag ipahalata ang nangyayari sa akin ngayon. Ni' isa sa mga kaibigan kong ito'y walang nakakaalam ang tungkol sa amin ni Ysabel lalo na ang pagbabalik ni Rebecca.

Hindi ko alam, basta ayuko' lang malaman nila lalo na ang tungkol kay Ysabel.

Ahhh, Ysabel... Si Ysabel na naman...

Gusto kong mapahilamos sa mukha pero pinilit kong maging kampanti sa kanilang harapan. Mula ng araw na 'yun, isang buwan nang nakakalipas. Mula nang may mangyari sa amin ay hindi na kami ngakita, ni' ang kontakin ako'y di' man lang niya ginawa o nagawa.

"Dro'... pare koy' he hehe." tawag pansin ni Justine sa akin habang sunod-sunod ang lagok sa inumin. "Huhulaan ko kung anong nasa laman ng utak mo ngayon, naubusan ka ng condom ano o pinag-iisipan mong ipuputok na lang sa loob ng sino mang titirahin mo ngayon ano ha haha!"

Napatawa rin si Lutz sa sinabi nito habang ako'y masama siyang tinignan.

"Pinapili mo pa'ko noh... gago."

"Ha haha chillax man, sabihin mo na yang' pinagpuputok ng butse mo... we're hear to lishten he hehe." ngising-ngisi nitong harap sa akin at hinimas pa ang tuhod ko pero pinalis ko lamang ito.

P*ta! Sarap sapakin ng lokong to' eh, ang kulit!

"May problema ba pare, tahimik mo ngayon ah." tahimik namang tanong ni Lutz sa akin habang patingin-tingin sa mga dumadaming nagsasayaw sa center stage. "Ngayon ka nga lang manglilibre tapos napakatahimik mo naman... babae ba?"

Pinilit kong ngumiti at marahang hinilot ang sintido ko kasabay ang pagpilig-pilig ko ng ulo.

"Naiisip ko lamang si erpat pare, dapat 'di ko pa siya pinauwi." tukoy ko kay baba na biglang sinundo ng pamangkin dahil sa karamdaman.

Ayuko' sana pero namimilit rin ang matanda kasi lalo lang raw siyang nanghihina dahil sa paiba-ibang bugso ng panahon kaya wala akong nagawa kundi' pasamahin siya kay Yusuf.

Isa pa'ng iniisip ko'y nagdadalawang isip pa rin ako kung kanino ko ipagkakatiwala si Kenneth. Oo, ako na ulit ang mag-aalaga sa anak ko para kahit anong gawin ng mga taong may interes sa kanya'y nababantayan ko ang anak ko. Kaya tuloy, ang secretary kong si Eveth ay isa na ring babysitter. Alangan man akong tanggapin ang alok niya pero sa nakita kong pananatili ng bata sa kanya ay nagkapalagayan na sila ng loob ng anak ko. Pero hindi ko inoffer kay Eveth ang manatili sa bahay, mahirap na. Umiiwas lang sa posibleng maging consequences lalo pa't bumalik na naman ako sa pagiging alcoholic. Kahit papaano'y babae pa rin siya at ayukong masira ang kung ano man ang relasyon namin ngayon sa isa't-isa. Sa huli ay gumawa na lang ako ng set-up. 'Pag 'di ko nasusundo ang anak ko sa kanya'y nagkakaintindihan na kami, its either business or "pleasure" kaya doon na magsstay ang bata.

Tumakbo lamang ang inuman at usapan namin sa akin. Kahit lasing na si Justine ay alam ko namang may napapansin ito kaya kahit na lasing at mukhang nagbibiro'y alam kong pinipilit lang niya akong mag-open up sa kanila. Pero sa huli, kahit na gusto ko na ngang humingi sa kanila ng payo'y mas pinili ko lamang na tumahimik. Maraming bagay ang gusto kong hingan ng advice pero may isang lalong nagpapalala at nagpapagulo sa isip ko ngayon.

Ahhh Ysabel!

Batok ko naman ang nahilot ko ngayon at napabuntong hininga, at hindi yun' nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Lutz.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon