5.

4.4K 97 18
                                    



YSABEL...


"You bitch! Traidor!" Sigaw ni Jessica sa akin nang hindi siya siputin ni Axel. Dinuduro niya ako ngayon sa araw ng kasal nila kahit na inaawat siya ng mga nasa tabi niya samantalang ako ay hindi umaalis sa kinatatayuan ko. Kung gaano man kagalit niya akong tinitingnan ay doble kong ibinabalik 'yun sa kanya. "You will regrets this Ysabel, I swear!" sigaw niya na hinila na siya ng kanyang brides maid at mga kapatid.

Lahat sila ay masama ang tingin sa akin.

P**ang ina kasing Axel 'yun. Ayaw lang magpakasal eh ginamit pa akong ebidensiya. Walang nangyari sa amin pero muntik-muntikan na. Wala akong lakas sa mga oras na 'yun pero may isip ako.

Matinong-matino ako kaya imposibleng may mangyari sa amin.

"I wont Jessica, nag-explaine na ako sa'yo kagabi and I don't know na ganito ang gagawin ni Axel sa'yo." sagot ko sa kanya. "Si Axel ang pagalitan mo not me... Let's go Char..." kalabit ko sa kaibigan kong inaya ko sa kasal ng dalawa pero ganito  pala ang mangyayari.

Nadawit ang pangalan ko. 

Hinubad ko ang 4 inches high heels ko dahil nagkalat na sa altar ang mahabang veil ni Jessica. Baka madulas ako kaya bitbit ko sa kaliwang kamay ko ang sapatos ko at hila-hila ko naman sa kanan ang kaibigan ko habang palabas kami ng simbahan. Napasin kong nagbubulungan ang mga kababaihan na nadadaanan namin, nagbubulungan sila sa pinakahuling upuan habang nakatingin sa amin.

Huminto ako at taas-noo silang tiningnan.

"Anong sabi mo, sinong mang-aagaw... ako ba?" inis kong tanong sa kaharap kong babae.

"Wag mo na 'yang patulan, para ka na ring pumatol sa baboy noh... let's go na Sabel..." singit ni Charmaine. "Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh... halika na..." pamimilit pa rin niya sa akin kaya tiningnan ko nang masama ang may katabaang babae.

"Tandaan mo ang mukhang ito... kahit saan kita makita, babalikan kita g*ga!" singhal ko sa kanila at taas-noong lumabas ng simbahan.

Wala naman akong kasalanan ah. Si Axel ang pumunta sa bar that time na nandun' na ako. Wala kaming number sa isat' isa o let's say wala akong number niya kaya hindi ko alam na pupunta siya doon. Lumapit siya sa table ko and the rest is history, pero wala talagang nangyari sa amin.

Pagsakay ko sa kotse ni Charmaine ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa fitted kong mini dress na kulay itim. Hindi ko sana sasagutin pero marahan akong pinalo ng katabi ko at pinandilatan.

Kaya patamad kong sinagot ito na hindi man lang tiningnan ang pangalan ng nasa screen ng S4 kong bigay lang ng isang suitor.

"Hello...." pabagsak akong naupo at itinaas ang isang paa sa upuan.

"Ysabel Jean!" pasigaw na sumagot si Papa na mukhang galit na galit. "Ano naman ang ginawa mo ngayon ah, you ruined the wedding of your bestfriend... for God sake Ysabel magpakatino ka naman!" tuloy-tuloy niyang sermon sa akin. "Nadadawit ang pangalan ng pamilya sa ginagawa mo, nasaan ka?!"

"Pa... please sa bahay niyo na lang ako sermunan." wala pa rin akong interes sa pinag-uusapan namin ng papa ko. "Pa I have to go..." papatayin ko na sana ang tawag niya nang maalala ko ang pinagpuputok ng butshi ng babaeng 'yun. "I forget to tell you... I'm still a virgin kaya malabong may mangyari sa amin ng boyfriend niya ok and for your information we're not best of friends." saka ko pinatay ito.

Abandoned HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon