"Its ok, salamat..." sabi ko na lang sa kanya at ibinigay na ang cellphone kay Paul.
"Oo nga naman Kian, take a break muna." 'di halatang nakikinig sa usapan namin ni Joey ano pero ngumiti lang ako.
"Ok pa naman ako at magiging useless lang din ang pagpunta ko rito kung wala lang din ako sa tabi niya."
Nakitawag kasi ako pansamantala para hindi naman mag-alala sakin' ang mag-asawa.
May natanaw akong department store sa 'di kalayuan sa hospital na'to at dun' na lang ako bibili ng mapalit ko. Saka na ako uuwi, kahit wala na kaming ugnayan ni Rebecca gusto ko pa ring bago umalis eh magising na siya. Tulong na rin sa mga taong naghihintay at nagmamahal sa kanya, at kasama na run si' Kendrick. Bilang lalaki, nakita ko sa mga simpleng kilos niya na mahal nga niya si Rebecca.
"Ngapala, do you wanna' come with us?" napatingin ulit ako sa kanya sa sinabi niya. "She'll undergo with radiotheraphy."
Napatingin ako kay Rebecca, kaya ko ba siyang panoorin habang nahihirapan o mas lalong nasasaktan? Hindi yata...
"Antayin ko na lang kayo rito."
Tumango lang naman si Paul at binalingan si Kendrick.
"Aalis ka na ba?"
"Hintayin ko na lang din Paul." narinig kong sagot ni Kendrick.
Nag-uusap lang ang dalawa at maya't maya lang akong nakikisali nang may pumasok ng mga staff at inaayos na nila ang pagdala kay Rebecca sa theraphy'ng 'yun. Tahimik lamang ako sa isang sulok habang tumutulong sa pag-aasikaso sina Paul at Kendrick.
Nang nasa pintuan na ang stretcher na pinaglagyan kay Rebecca nang lingunin ako ni Paul. Agad ko namang nabasa ang pagtitig niya sa akin.
"Sige na, dito ko na lang kayo hintayin."
Isang tango lang ang iniwan niya sa akin at umalis na silang lahat. Pagka-alis nila'y tumayo ako at tinignan ang paligid, nakita ko ang naiwang cigarettes ni Kendrick at napangisi lang ako nang mapait. Kumuha ako ng dalawang stick nito pero isinama ko ang lighter nito.
Tahimik akong lumabas, pupunta ako sa nadaanan kong parang mini-garden lang nang nasabing hospital.
Paglabas ko'y bahagya kong nahimas ang mga barso ko, lamig ah! Parang niyayakap ka lang ng lamig eh. Napangiti ako, keylan bakong' naging ganito? Yung dating Kian na poetic kung magsalita ha haha! Nakakagago talaga ang ganitong mga sitwasyon eh, kaya nga mas pinili kong magbagong buhay. Walang iniisip, walang iniintindi.
Totoo nga naman ba, 'di mo naiisip si Rebecca? Ipinilig ko na lang ang ulo ko at huminga nang malalim. Eto' na naman ang dakilang konsensya ko.
Agad akong umupo, sinindihan ko ang isang stick at tinignan lang ang mga tao sa paligid ko.
Nandito rin sila para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ako, nandito lang para sa isang paki-usap... hindi, hindi naman, para sa isang taong naging mahalaga sa nakaraan ko.
"Pahiram nga." napalingon na lang ako nang biglang may umupo 'di kalayuan sakin'. Tahimik kong ibinigay sa kanya ang lighter at muling tumingin sa malayo. "Pasensya na pala." narinig kong turan niya.
"Tss," yun' lang ang nasabi ko at sunod-sunod ko nang hinitit ang sakin'. "Nasaan na si Hellary?" casual kong tanong.
Nahagip ng mga mata kong nagkibit balikat lang siya at sumandal sa long chair na kinauupuan namin.

BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
Ficción General. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .