Sinulyapan ko muna ang mga kaibigan ko sa loob saka ko uli siya hinarap. Sa kanila din siya nakatingin at nang maramdaman sigurong nakatingin ako sa kanya ay tumingin na rin sa akin. Umusog siya at halos magtago na sa sulok ng upuan habang yakap-yakap pa rin ang anak ko..
Hindi na ako nakatiis, sumakay ako at tumabi sa kanya.
"Ano bang nangyayari, bakit ka nagtago dito... kilala mo ba sila Ysabel?" sunod-sunod kong tanong nang lingunin ko siya.
Pero hindi niya ako sinagot, parang wala siyang narinig. Nakatingin lamang siya sa mga lalaking nagbibiruan.
"Kung hindi mo'ko sasagutin ay tatawagin ko sila." banta ko sa kanya, naiinis na ako dahil hindi man lang niya ako pinapansin.
Nakita kong agad siyang lumingon sa akin habang malikot pa rin ang mga mata. Palipat-lipat lamang ang mga mata niya sa akin at sa mga kaibigan ko.
"P-Please... umalis muna tayo dito bago ko sasabihin ang lahat." deritso niyang tingin sa akin. "Sir Alejandro..." sabi pa niya at hinawakan ako sa kamay.
Napatingin ako dito at parang may naalala pero nang umiyak si Kenneth ay parang natauhan ako. Sinulyapan ko lang siya at tahimik nang bumaba sa sasakyan.
Agad akong pumasok at tinunton ang mesa ng mga kaibigan ko habang binubunot ko na ang wallet ko. Kumuha ako ng limang libo at inilapag sa mesa ni Mon.
Lahat sila'y napatingin sa akin. Agad naman akong ngumiti at tinapik ang balikat ng nasa harapan ko.
"Call of duty... anong magagawa ko, ayan ah..." tukoy ko sa pera at hinarap ang mga nakaupong paharap sa akin. "Tawagan niyo na lang ako... I'm free this evening." nakangiti kong turo kay Drake at kumaway.
"Ohhhs, sabihin mo'y call of orgasm, lalaking ito pati ba naman sa umaga'y nalilibugan ka?!" kantyaw ni Jerry sa akin habang napapailing na umiinom, nakangiti itong tumingin sa akin. "Geh na baka magkalat ka pa rito!"
"G*go, pinasa mo pang kamanyakan mo!" nginisian ko lamang sila at napalingon nang tingalain ako ni Mon.
Nakatingin ito sa labas, sa deriksyon kung saan nakaparking ang kotse ko.
"Aalis ka na ba talaga, papasukin mo na lang ang kasama mo pare... mainit sa labas at hindi namin siya kakainin." sa sinabi ni Mon ay napatingin silang lahat sa labas.
Nakita kong bahagyang tumayo si Bony at mukhang may sinisilip sa deriksyon nang tinitingnan nila. Agad akong pumagitna at nagsalita nang malakas.
"Mon may nagmumulto na yata sa'yo, sinong kasama ko diyan?" lumingon rin ako kunwari at nagsalita ako agad. "Paano magkita na lang tayo ngayong gabi ah..." kaway ko sa kanila at paatras nang naglakad palayo.
Mabilis kong tinungo ang kotse ko. Pagkapasok ko sa driver's seat ay bumulong ako habang pinapastart ang sasakyan.
"Wag ka munang magpakita, napansin ka nila..." sambit ko at humarap sa loob habang kinakabig ko ang steering wheel. Kumaway muna ako sa kanila hanggang sa lumiko na ako. "Now what's it?"
Nasa main highway na kami. Sa bawat tingin ko sa front mirror ay nadadaanan ko si Ysabel na nakatingin lang sa labas kaya humanap ako nang pwesto at biglang huminto.
Napatingin nga siya sa akin sa salamin.
"Bakit tayo huminto?" tanong niya at sumilip sa labas.
BINABASA MO ANG
Abandoned Husband
Ficción General. . This is the SEQUEL of the STORY HILING... Paano ba magmahal muli ang isang pusong iniwan? A story by ionahgirl23 . .